JUSTINE POV
"What? I don't have a girlfriend... pero kung ayos lang sana sayo, ayaw ko kasing pag usapan ang personal na buhay ko. But if you have a story to tell, then I might listen to it. But before anything else, gusto ko sanang uminom tayong dalawa ulit. Baka nga ito na ang una at huli nating pagkikita kasi magiging busy ako at di ko alam kung kelan ulit ako gagawi sa bar... di ba ang gulo kong kausap?"
Nako, mag eenrol ako bukas at di ako pwedeng uminom masyado, so kahit na gusto kong pag bigyan ang hiling niya, kaunting inom lang talaga ang kaya kong gawin tapos uuwi na ako. Subalit sigurista na rin ako, kailangan ko muna sigurong makuha ang pera niya bago pa siya tuluyang malasing.
"Sir... yung bayad nga po pala... down p*****t lang kasi ang binayad ninyo kanina..." nauutal na sabi ko pa. "At di na po ako iinom kasi kailangan ko na rin po pa lang umalis."
"No! Hindi ko ibibigay sayo ang bayad ko kapag di ka pumayag na mag inom tayong dalawa," sambit niya pa.
"Sir..."
Tumayo siyang bigla, "Relax ka lang Justine, ako ang bahala sa bayad sayo, uminom muna tayong dalawa," sabi niya pa habang ito ay nag lalakad papunta sa kusina.
Nang gigil ako sa kanya. Para bang pinag lalaruan na lamang niya ako matapos niyang makuha ang gusto niya sa akin. Muli akong napa tingin sa makapal na wallet niya sa table at napa ngisi ako ng maka isip ako ng paraan kung paano ako makaka kuha ng malaking pera sa kanya.
Lalasingin ko lang siya at kapag bumagsak siya, tsaka ako kukuha ng malaking halaga sa kanyang wallet at di na niya ako muling makikita pa. Tutal, sa kapal ng pera niya, sure ako na di niya naman ito bilang kaya ayos lang kung kumuha ako rito ng kaunting halaga. Mayamang lalaki naman siguro siya kaya ayos lang kung kukuha ako sa kanya. Virgin din naman ako at siya ang naka una sa akin, kaya di na masama kung humuthot ako ng naaayon sa kinuha niya sa akin!
Muli akong napalingon sa kanya at nakita ko siyang papalapit sa akin dala ang dalawang bote ng alak. Binigay niya ang isa sa akin at tumabi siya. Kahit na di ako sanay uminom, ngumiti lang ako at tumungga ng alak kahit na matabang ang lasa nito.
"Wow naks! Are you really into drinking?" tanong niya habang naka yakap siya sa akin, heto na naman yung malaki iyang braso na pumapalupot sa akin kagaya nang nangyari kanina sa bar.
"Hindi ako drinker pero marunong naman akong makisama eh. Lalo na't ito ang turo sa amin ni Madam," sagot ko sa kanya.
"Speaking of that, would you mind telling me kung bakit mo pinasok ang ganitong klase ng trabaho? I mean, virgin ka pa at sure ako na bukod sa instant money, meron ka pang ibang dahilan?" tanong niya sabay tungga ng alak, grabe sa isang lagok niya lang ay kalahati kaagad ang nabawas sa kanyang bote. Halatang batikan sa pag inom ang isang ito.
Still, di ko talaga pwedeng sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ko pinasok ang trabahong ito kaya wala akong ibang choice kung di ang mag sinungaling sa kanya.
"Ehh... mahirap kasi ang buhay ngayon kaya kailangan kong mag hanap ng part time job."
"Oh. Saan ka ba nagtatrabaho?" tanong niya sabay tungga uli ng alak. Halos ubos na nga ang laman ng bote, grabe ang lakas naman uminom ng lalaking ito!
"Pwedeng wag nang sabihin? Confidential din kasi eh," sabi ko pa sa kanya. "Ang lakas mo pa lang uminom no? Para bang tubig lang sayo ang alak?"
"Mukhang malihim ka ring tao. Pero ayos lang sa akin. Itong drinking habbit ko kasi ay namana ko sa tatay ko. Kaya ang payo ko sayo, drink moderately lang kasi mahirap ma adik sa alak. Talagang hahanap hanapin ng tiyan mo."
Tumayo pa siya at nag bukas ng dalawang bote ng alak. Tapos bumalik siya.
Ako nga di ko pa makalahati yung iniinom ko samantalang siya naman, grabe ang pag inom niya. Pero ayos lang ito, dadaanin ko siya sa kwento hanggang sa malasing siya ng tuluyan at tsaka ko siya huhuthutan ng pera.
Ngayon ay yakap yakap na naman ako sa kama at sinandal niya pa ako sa kanyang bisig. Hawak hawak ko ang kanyang six packs abs at naka titig ako sa kanya.
Gusto ko sana siyang tanungin kaya lang ay ayaw din naman niyang mag kwento ng kanyang personal na buhay sa akin kaya wag na lang.
Halos naka isang case naman siya ng alak bago ito tuluyang naka tulog. At chance ko na talaga ito upang kuhaan siya ng pera.
Natutulog siya ng mahimbing, dahan dahan kong kinuha ang kanyang wallet. Aminado ako na kinakabahan ako sa mga sandaling ito. Pero di bale na, once na makakuha ako ng malaking pera sa pitaka niya, aalis ako kaagad at natitiyak ko sa kanya na hinding hindi na niya ako makikita pang muli.
Nang buksan ko ang wallet niya, halos ang daming dollars na pera. Puro tag o-one hundred dollars. Talaga namang napaka yaman ng lalaking ito.
Siguro ay anak siya ng mga negosyante o kaya naman ay maganda ang trabaho ng kanyang parents kaya ganito karami ang pera niya. O baka naman siya ang may magandang negosyo sa ibang bansa.
Bago ako kumuha ng pera, tiningnan ko muna ang kanyang passport. Kahit dito ay talaga namang gwapo din siya.
Half filipino at half american siya. Nagulat na nga lang din ako kasi 19 years old lang pala ang lalaking ito? Sa postura niya, sa tangkad, at laki ng kanyang katawan, di ko talaga lubos akalain na ka edaran ko lang din siya.
Pero isinantabi ko muna ang mga personal na gamit niya at kumuha ako ng dollars. Di ko naman inubos lahat pero sapat na siguro yung benteng one hundred dollars.
Tutal virginity ko naman ang kinuha niya kaya normal lang din siguro kung mahal ang singil ko sa kanya!