IX - A Teaser. Patikim...Patakam.

2620 Words
NO. Two letters, simple yet it holds so much power. It can make or break your career, ruin you emotionally and in the case of the man sitting three tables from me–it means death. Pasimple kong ibinaba ang hawak na diyaryo sa ibabaw ng mesa't inabot ang tasa na inilagay ni Blue sa tapat ko. Nilanghap ko iyon. The caffeine hit my twisted brains, clearing some fog. Nag sisimula na 'kong mag-imagine kung paano at saan unang dadapo ang kutsilyo sa balat ng hinayupak na lalake nang walang abog-abog na humarang ang mukha ni Blue sa harapan ko. Nakangiti pa ang gago na para bang naghihintay ng isang thank you mula sa'kin. Asa! "Tsupi!" Ngumuso ito sa hawak kong tasa. "Buhos ko kaya sa mukha mo 'tong kape para matauhan ka. Sigurado ka bang nakuha mo ang timplang gusto ko?" "Yes, boss. Memorize ko na. Black. Breve on the side two pumps of sug–" "Gago. Tatlo!" Halos matapon nito ang laman ng tasa dahil sa bilis nitong tumayo't lumayo sa 'kin bitbit ang tray. I closed my eyes, practice that deep breathing exercise my therapist taught me a decade ago. Nada. Lalong kumulo ang dugo ko sa hinayupak na alalay. May sa ampaw talaga ang utak ng isang 'yon eh. Asan ba kasi si Red? Kahit papasang double ni Chuckie ang isang 'yon dahil panay tahi ang mukha ng tukmol at least kabisado n'ya ang kape ko. "Kalma, Shamie. Maraming tao, bawal lumabas ang sungay mo. Bawal kang manakal ng tanga rito," bulong ko't hinatid ng tanaw ang tauhan. Muli kong ibinalik ang atensiyon sa lalakeng ngayon ay prenteng humihigop ng kape habang panay ang scroll sa hawak ng phone. I smirked. Onze put a bug on his device and I knew that despite his straight as f**k look, his proclivities will put the filthiest man into shame. Masangsang pa sa imburnal ang kaluluwa ng hinayupak. Kaya ibabalik ko s'ya sa impyernong pinanggalingan n'ya. Mali siya ng babaeng binangga. Wars in my world started with reasons ancient as f*****g time. Money. Power. Woman. I waged mine with the latter choice. My woman and he happens to lay a hand on her. No one dares to do that to us— the Torrevillas. What’s ours is ours. Magkakamatayan kapag may sumaling. Spoiler, you're about to witness one. Hawak ang tinidor na naiwan ni Yellow kanina, saglit kong iginala ang paningin sa paligid. Kaunti pa lang ang tao sa cafe kaya kung isasaksak ko sa eyeballs ng siraulong 'to ang hawak na tinidor madali akong makakatakas. Undetected of course. I'm not the Ghost for nothing. I've got it all covered. From the CCTV thanks to my baby brother Onze down to the nearest exit on my left– courtesy of Red. Fucking power rangers. Asan na ba ang mga 'yon? Can't decide whether to go on with our plan or wait for them, I counted until four. When I reached number two, I stand up and walk straight in his direction. "Hindi ko kailangan ng extra cookie. You can go–" "Extrang life sure ako kakailanganin mo," walang ngiti kong hinila ang silya't naupo sa tapat nang naguguluhang lalake. "Who are you? Do I know you?" Matapang na tanong nito at muntik akong matawa ng umismod ito. The f**k? He really has a death wish. Tusukin ko kaya mata nito nang matigil ang pag iinarte. I sighed. Walang mangyayari kung paiiralin ko ang init ng ulo ko. Dalawa lang naman ang kahahantungan ng gagong lalakeng 'to. He'll said yes, agree to everything I say and his death will be quick. Say, I'll slit his throat. Yes, ganoong klaseng quick. Or, magpakipot s'ya at lasapin ang bawat dulo ng kutsilyo ko. Masaya 'yon. Either way, he's a dead man. Sumandal ako sa kinauupuan saka ipinatong ang magkabilang braso sa ibabaw ng mesa. He swallowed virtually taking in my inked forearms. Hindi ko mapigilan ang mapa ismid nang makitang kinuha nito ang panyo't pinunasan ang noo. Talo pa nito ang nakakita ng multo. Ano kayang reaksiyon nito kapag nalamang ang kaharap ay ang literal na ghost ng underworld? "It's good that you don't know me. Men who have the chance to know my name was buried six feet under. Inu-uod na," I shrugged nonchalantly. "Ang importante kilala kita." Muntik kong ibato ang tasa sa mukha nito nang maaskad itong tumawa. I'll give him credits for his audacity. Strike two. Men in my world trembles whenever they hear my voice or see my shadow. Tapos tatawanan lang ako ng abnoy na 'to? Naikuyom ko ang mga palad. Hindi na 'ko makapag hintay na masolo ko ang kaharap. Sisiguraduhin ko nasa 'kin ang huling halakhak. Ilan na bang malalaking tao ang umatungal sa harapan ko, begging for their nonsense life. This one's no different though he strikes a sensitive nerve. Scratch the easy option I gave him earlier, kahit 'di n'ya alam. It's damn forfeited. "The hellion's going your way, Shamie. 10 minutes. Shit." Malakas akong napamura nang marinig ang boses ni Onze sa earpiece ko. How did she ever figure out my plan? Dapat ay mamaya pa ang alis nito sa bahay ng kapatid ko. Fuck. That's it. "Pasensiyahan tayo pero hindi ako pinalaki ng magulang ko para lang umatras. Uumpisahan mo, tatapuskin ko," I snatched him by the collar, walked him towards the near exit without chancing a glance around the crowd. Panay ang ngawa nito naiirita kong lalo. "Wait–you're nuts man. Lines ba sa movie ni Bong Revilla 'yon? Saglit...Saan mo ko dadalhin?" "Sa impyerno!" I hissed. "W-wait, what? Siraulo ka ba? Hindi mo ba ko kilala? I'm the department head of NBI." "At kapatid ko si Satanas. Hunghang! Malamang narinig mo na. FPJ. 1983," pasalya kong isinara ang pinto ng fire exit. I slammed his meaty body against the wall and curled my hand around his throat. Humigpit iyon, strangling the life out from him. "Pagusapan n-natin 'to..." sinapo nito ang kamay ko't namumutlang tinanggal iyon. "No can do, Cardo." Halos lumuwa na ang mata kito dahil sa paghigpit ng pagkakasakal ko sa kanya. Kita ko ang pagdaan ng kalituhan sa mga mata nito habang pilit na umiiling. "Shamie, stop!" I groaned when her scent invaded my senses then a soft hand touched mine. "Why are you here, Temperance?" "To stop you from doing this stupidity. Ano na naman 'to ha?" Salubong ang kilay, namumula ang magkabilang pisngi at kita kong pagbaba-taas ng dibdib nito habol ang hininga. Kusang lumuwag ang hawak ko sa leeg ng siraulong lalake nang magtama ang mga mata namin. Like a magnet to an iron, may isang malaking pwersa ang lagi nang nagdidikit sa akin sa kanya. Like now. My hands automatically brushed a few strands of hair against her cheeks. "Miss me?" "No! Galit ako sa'yo for tricking me. Nag usap na tayo, 'di ba? Nangako ka. Then again... heto ka na naman. God, Shamie! Sabi mo bibili ka lang ng kape ba’t may sinasakal ka na naman?” "I am buying you one, nasa coffee shop ako. Kaso bobbie si Red, he messed up with my coffee. Inaayos pa. Huwag ka ng magalit, bhe..." pasimple kong sinipa sa alak-alakan ang lalakeng nasa tagiliran nang bigla itong amaktong aalis. "Don't you bhe me. Umiral na naman ‘yang kabaliwan mo.” “Ouch, bhe! Ang sakit noon ah,” sapo ang tiyan na angal ko sa nobya. Damn. I forgot na black belter nga pala ito. “Kahit kailan scammer ka. Tabi. I want to see kung sino na namang pinagdidiskitahan mong lalake ka,” hinawi ako nito. “Oh God! Sir Caloy. Ano hong ginagawa n’yo riyan?” “Tempe? Thank God you’re here. Help me, hindi ko alam kung ba’t ako biglang hinila ng lalakeng ‘to rito sa likod,” kulang na lang ihagis nito ang katawan kay Temperance habang parang batang panay ang sumbong. “Hep. One more move or I’ll snap that neck of yours, I swear ang next mong breakfast kasama mo si San Pedro!” Pumagitna ako sa kanila. “Shamie!?” “What?” Galit na singhal ko sa nobya. Hindi ako nag abalang tapunan siya ng tingin, I know she’s mad at me for being this crazy possessive over her but I don’t care. I can’t stand the thought of her being near this man or any man for that matter. "You know her?” “Yes. She’s my babybheloves,” taas noo kong sagot pinipilit kong ‘di n gumiwi dahil panay ang kurot ni Temperance sa tagiliran ko. “WHAT? Miss Marcellano, explain this. Boyfriend mo ang psycho na ‘to?” Natawa ko nang malakas sa narinig saka nanlilisik ang mga matang dinakma ang lalake sa leeg. Napa igik ito nang isalya ko sa ding-ding. “Psycho? Balatan kaya kita ng buhay ngayon para malaman mo kung gaano ka psycho ang gaya ko.” “N-no. Please, maawa ka. Tempe..h-help.” Lalong kumulo ang dugo ko dahil doon at sa nakikitang pagtatanggol ng nobya sa lalake. Hindi ba niya alam na ginagawa ko ‘to dahil sa kanya. “For God’s sake. Shamie, bitaw na. Let’s talk about it, okay? Kung anuman ‘yang problem mo, huwag mong ibunton sa ibang tao. Ako ang kausapin mo. This must be a misunderstanding.” “No. This man should be die—” natigilan ako nang marinig ang boses ni Onze sa earpiece ko. “What? Dahan-dahan ‘di kita maintindihang gago ka. Anong may glitch?” “Sorry, Shamie. Tang’na. May error yung system ko pinag tripan na naman ng tropa ni Santy. Gago. Iyong nabigay ko sa’yong file ‘di yan yung Cardo Dimagiba na pinahahanap mo. It’s Caloy Dimaano.” “Puking ina mo!” Lumuwag ang hawak ko sa leeg ng lalake’t balewalang inayos ang kwelyo nito but in my mind I’ve already concocted plans for my baby brother. Hayup. Papatay ako ng inosenteng lalake dahil lang naging dyslexic ang tarantadong system niya. “T-tempe…?” “Sir, sorry about this. Pag pasok ko ho ng Monday magpapaliwanag ako.” “There’s no misunderstanding at wala kang dapat ipaliwanag,” matamis akong ngumiti sa lalakeng muntik ng maihi sa pants niya dahil sa takot. He’s still trembling when he met my gaze. “I was just trying to test kung gaano kayo ka-resilient Mr. Dimaano.” Halatang nagulat ito sa pagbabago ng timpla ng mood ko. Atubili nitong tinanggap ang nakalahad kong kamay. “I don’t think I follow what you’re saying.” “Shamie Torrevillas. Gusto ko lang makasigurong mabait at nasa tamang boss ang mapapangasawa ko.” “You’re the Shamie Torrevillas? Naku, sorry. I didn’t recognize you sooner.” Napangiti ako’t tinapik ang braso nito nang hindi ito magkamayaw kung paano magpapaliwanag at tatanggapin ang kamay ko. That never gets old. Drop that word like a hot potato, and kaboom! Magic, from foe to friends agad ang drama. “It’s okay. I understand bihira lang kasi akong lumabas sa mga magazines ‘di gaya ng mga GGSS kong utol,” kindindatan ko pa ito saka muling inayos ang kwelyo ng suot niyang white polo. Napanggiwi ako nang makitang gusot na iyon. “I creased your precious shirt. Allow my staff to get you a new one.” “Naku, Mr. Torrevillas huwag na ho. No need to do that, pauwi na rin naman ako. Isa pa luma na din ‘tong shirt ko dapat ng palitan,” nakangiting saad nito sabay baling kay Temperance na alam kong kanina pa nag ngingitngit sa galit. Damn. Pwede na yata akong mag bake ng mac and cheese sa bumbunan nito. “Mauna na ‘ko Tempe. You can report on Tuesday wala namang gaanong gagagwin sa Lunes. Oh, siya. Nice meeting you, hijo. Congratulations on your forth coming wedding,” kumaway pa ito bago tuluyang umalis. “Siraulo ka talagang lalake ka! Anong test-test? Tanggalin ko kaya ‘yang testes mo tapos ipalamon ko kina Tofu at mocha para matauhan ka. Nakakahiya, Shamie. What are you thinking, ha? Stalking my boss then strangling him. For what reason? Tell me!” “I will kung titigil ka sa kakahampas sa ‘kin. Aray, Temperance Azriel Marcellano- Torrevillas, masakiiittt!” Angal ko habang panay ang salag. s**t. Walo yata ang galamay ni Tempe, ba’t parang sabay-sabay na may kumukurot, humahampas at pumipingot sa ‘kin? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang bigat ng kamay nito. Hindi naman bakal ang pinakakain ko rito. “Talagang masasaktan ka mamaya ‘pag uwi ng bahay.” “Fine. Fine. Doon mo ko bigwasan, not here. Tara na, uwi na tayo,” hinawakan ko ang braso nito’t pilit na iginiya palabas pero pumiksi ito’t katakot-takot na irap ang ibinigay sa ‘kin. “You’re staying on the guest room sa second floor. Kapag ‘di ka pa nagtanda sa kalokohan mo, ewan ko na lang.” “WHAT? How can you be so cruel? Babybheloves, please…” “Hep! Hindi mo ‘ko madaan sa pag papa cute at pag pungay mo ng matang demonyo ka,” humalukipkip ito’t ngumisi. Fuck. Sinabi ko ba sa inyong kung gago ako mas siraulo si Temperance lalo na kapag bwesit sa ‘kin? She’s a vile vengeful creature wrapped in soft sexy curves that’s made to make me kneel. Right now, I’m seeing that. Hindi ko alam kung hahalikan ito sa talampakan o magtatago. “What are you up to?” “Nothing. Just thinking kung sino sa mga toys ko ang available this night. You know…a glass of wine, soft music and a vibrator on hand. Seems like a date, tama?” “Over my dead body! You’re not using those pesky toys, Temperance!” Habol ko dito habang nanginginig ang kalamnan. I’ll burn those ‘pag uwi ko mamaya. How dare her chose them over me? “Oh I will. Sisiguraduhin kong maririnig mo ang bawat unggol at sigaw ko. But you can’t do nothing cause you’re freaking grounded until further notice, wala kang access sa katawang ‘to. Manigas ka!” “TEMPERANCE!” “Mierda. I would say TMI pero puta kuya, nakakatakot ang girlfriend mo.” Natigilan ako't marahas na napamura nang marinig ang malokong boses ng kapatid. Takte. Akala ko kanina pa ito wala sa kabilan line. f**k. Me. Now. “Hayup. Kanina ka pa and’yan?” “Malamang. I’ve heard everything. Rawr. Wawa naman si Shamie, outside kulambo.” Halos matulig ako sa lakas nang tawa ng tarantado. Gusto kong sugurin 'to ng mapilipit ko ang leeg niya. “This is all your fault, Onze. I’ll wring your neck. Screw you!” “From where I was standing you're the one who's screwed. Byers!” Naiwan akong 'di malaman kung paano kakalmahin ang sarili. This day is the worst but I know that my night later would be the longest one knowing well that my fiance will do exactly what she promised. This is freaking world war three circa 2021. At wala sa plano kong magpatalo sa mga toys ni Temperance. "Uunahin ko 'yong si Lilo saka ko isusunod 'yong hayup na Elmo n'ya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD