Hindi ko napigilang matawa nang malakas. Mabilis akong tumayo at lumayo kay Lorryn. "Are you serious?!" Nakatakip sa ilong na tanong ko sa kanya. "O-oo! Kanina pa nga, e. Kaya ko nga gustong umalis ka. Mabuti na lang huminto ka dahil kung hindi talagang sasabugan ka sa mukha," aniya bago patakbong nagtungo sa banyo. "What the heck was that?" Naiiling na tanong ko sa sarili. Maya-maya pa ay tumatawa na akong mag-isa. Parang nawala tuloy bigla yung gana ko sa pakikipag-s*x. She's funny, para bang gusto ko na lang makipagkwentuhan sa kanya at magtawanan na lang kami buong magdamag. Si Lorryn lang ang may kakayahang pagpalitin ng ganoon kabilis ang mood ko. Magaan siyang kasama pero kung may problema naman ay talagang nararamdaman ko rin ang bigat.. All I know is I like her, gusto ko siya