Para akong hindi nakakaramdam ng pagod. Kahit pa ilang beses yata kaming magtalik ni Lorryn ay hinding-hindi ako mananawa na paulit-ulit siyang dal'hin sa langit. Matapos ang mainit na tagpong pinagsaluhan namin ay bumaba muna kami upang kumain. Late na nga sa tanghalian kung tutuusin dahil alas dos na ng hapon. Inabutan namin si Jenny sa sala. Kakaiba ang ngiti sa mga labi ng babae lalo na sa tuwing titingin ito kay Lorryn. Alam ko ang ibig sabihin ng makahulugang titig na iyon ni Jenny, kapansin-pansin din na parang iwas naman si Lorryn sa kapwa nurse nito. Napailing ako at napangiti. "So, tapos na ba agad ang session?" Nakangiting tanong niya sa amin habang pinapalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Lorryn. "No. Kakain lang kami," tugon ko. "I see.. ah- Sir.. Pwede ko bang masolo