"Can w-we t-talk Aiden? " naiiyak pa na tanong ko sa kabilang linya. Matapos kong sabihin ang pangalan n'ya, kanina agad na s'yang pinatawag ni Daddy, sa 'kin.
"Wait, are you crying Baby? " tanong n'ya sa kabilang linya. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.
Nilayo ko muna ang cellphone sa bibig ko, at suminghot muna. Para hindi n'ya mahalata.
"Hindi 'no, sinisipon lang ako kanina, " dahilan ko pa.
"Uminom ka na ba ng gamot? " tanong n'ya pa ulit.
"Mamaya na, pwede ba tayong mag-usap ngayon as in ASAP?" muling tanong ko. Dahil nakatingin sa 'kin sila Mommy at Daddy. Baka mas lalo silang magalit sa 'kin. "In person Aiden, this is important, " dugtong ko pa.
"Of course Baby, i'll always make time for you," sagot n'ya. Kaya nakahinga ako ng maluwag."Where do you want to meet? " he asked again.
"Nasaan ka ba ngayon? " balik na tanong ko.
"I'm on work right now," agad na sagot n'ya. Linayo ko muna muli ang cellphone sa 'kin. Tumingin ako kala Daddy, na nakatingin sa 'kin kanina pa.
"Dad, can we meet him after work--."
Gusto ko sana pagkatapos na lang ng trabaho n'ya, dahil baka mapagalitan pa s'ya ng boss n'ya. Alam ko kung gaano n'ya iniingatan ang posisyon n'ya ngayon, dahil hindi biro ang pinagdaanan n'ya mara mapunta do'n. At isa ako sa mga saksi sa journey n'ya na 'yon.
"No! " he cut my words.
"Iha, we need to talk about this as soon as possible, " sabi naman ni Mommy.
Tumango ako at muling linapit sa 'kin ang cellphone ko.
"Baby are you there--. "
"I'm here Aiden, " putol ko sa sinasabi n'ya. "Can we meet on coffee shop near your place?" tanong ko pa.
"Of course, can i know kung tungkol ba sa'n ang pag-uusapan natin Baby? Because ypu sound serious, kinakabahan tuloy ako," he said. Sinabayan pa n'ya ng kabado na tawa.
"Sasabihin ko na lang sa 'yo mamaya," sagot ko. "Bye, i'll just see you there," paalam ko na. Dahil parang maiiyak na naman ako sa kaba.
"Wait Baby," he stopped me from hanging up the call.
"Why? "
"I love you," aniya. Ramdam ko ang emosyon sa boses n'ya. Hindi na 'ko sumagot at pinatay ko na ang tawag.
"What did he said? " Dad, immediately asked. "Pananagutan ka ba n'ya?!" dagdag n'ya.
"Of course Dad," agad na giit ko. "He loves me," sabi ko pa.
"Siguraduhin mo lang Xiana!" he shouted me. "Nakakahiya 'to, nabuntis ka na agad. Hindi pa kayo kasal! " sigaw n'ya pang muli.
"Dad, pananagutan n'ya naman ako," muli kong giit. Sigurado ako na, papanagutan ako ni Aiden. Hindi na s'ya sumagot muli. "Magbibihis na po ako," paalam ko pa. Hindi ko na hinintay ang sagot nila agad na 'kong umakyat sa taas ng hagdan at nagbihis.
Bago ako magbihis ay hindi ko maiwasan tingnan ang sarili ko sa salamin. Lalo na ang tyan ko, wala pang ubok. Pero ramdam ko na, may laman na 'tong buhay.
"Hold there, My little Angel," I whispered while caressing my tummy.
Pagkatapos no'n, ay agad na 'kong nagbihis. Isang ruffled white dress at pinaresan ko lang ng flat shoes.
"Come on sweety, kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo sa sasakyan," agad na salubong sa 'kin ni Mommy. Pagkababa ko ng hagdan. Tumango ako at agad na hinawakan ang kamay n'ya.
Para akong batang inaalalayan ni Mommy, pasakay ng sasakyan.
"Where we will meet him? " agad na tanong ni Daddy, pagsakay ko ng kotse. Magkatabi sila sa likod ng kotse ni Mommy, habang ako ay nasa tabi ng driver.
Agad ko naman ibinigay ang address, sa driver.
Hawak ko lang ang tiyan ko, buong byahe namin. Halos mabingi kami sa katahimikan.
Alam nila na may boyfriend ako, pero kahit kailan hindi nila na-meet si Aiden, ng personal. Dahil akala nila, laro-laro lang para sa 'kin. Daddy, will always say that magsasawa rin ako at hihiwalayan ko rin si Aiden.
My Daddy own a big company, kaya naman kahihiyan para sa kan'ya ang nangyari sa 'kin ngayon. Pero na sa right age na ako. Pero tama rin s'ya, ang bagay na ginawa namin ni Aiden ay hindi dapat ginagawa ng mga hindi pa kasal.
Kaya ngayon palang, hiling ko na hindi magaya sa 'kin ang magiging anak namin ni Aiden.
Ilang sandali pa ay agad na kaming nakarating sa Caffeine cafè, pangalan ng coffee shop na malapit sa opisina ni Aiden. Dito din kami madalas magkita noon, dahil lagi s'yang busy kaya ako na ang dumadalaw sa kan'ya. Lalo na pag break time n'ya.
Naalala ko pa ang unang pagkikita namin dito noon.
"This cafe, is so weird, " he mumbled on himself nang makaupo na kami sa upuan namin. Bagong bukas pa lang 'to, ngayon. Tamang-tama lang din, kasi malapit lang sa opisina n'ya. May matayambayan na 'ko, pag hihintayin o dadalawin ko s'ya.
"Yeah, biruin mo Caffeine shop ang pangalan," i agreed to him. He laughed. "Sabi pa nga nung waiter kanina, mamatay ka sa sarap," dagdag ko pa.
"Are they sure? " taas kilay n'ya na sagot. Nginusuan ko lang s'ya.
Hindi din ako sure e', napakataas kasi mg standard ng lalaking 'to.
"Baby," i called his name. Kinakalikot n'ya lang ang cellphone n'ya, habang hinihintay namin na i-serve ang order namin.
Agad s'yang nagtaas ng tingin sa 'kin. "Why? " agad na pang tanong n'ya. Umiling ako at humalukipkip sa harap n'ya. Nagulat ako ng umurong s'ya sa harap ko at binigyan ako ng halik sa noo. Agad akong napangiti, kasabay ng paglipad ng mga paro-paro sa tyan ko. "My girl, is so cute," sabi n'ya pa at kinurot ang ilong ko.
Agad ko namn hinawakan ang ilong ko, na sigurado akong namumula. Dahil may pangigil n'ya 'tong kinurot kanina. "Ang sakit Aiden," reklamo ko.
He smiled at mabilis 'tong hinalikan. "Ano masakit pa ba? " he asked.
Tumago ako at tinuro ang labi ko. "Dito din masakit," biro ko. Ngumiti ulit s'ya at binatukan ako.
"Just one kiss a day Baby," he joked too.
"Xiana, are you okay? " nagising ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Mommy.
Tumingin ako sa labas ng bintana, na sa labas na si Daddy. May kausap na tao, pero kita ko uniporme na nagtatrabaho din 'to sa Caffeine Cafè.
"Yes Mom," i answered her. She nodded. "Sinong kausap ni Daddy, Mom? " kyuryosong tanong ko pa.
"The manager of the cafè," sagot n'ya. Wala sa sarili na lang akong napatango at napatingin sa labas ng bintana. Hindi pa sabihin ni Mommy, gets ko na agad kung anong ginagawa ni Daddy ngayon.
Maya-maya pa ay kumatok na sa bintana namin, isa sa mga body guards namin. Hindi ko alam na pinasunod pala ni Daddy.
Binuksan ni Mommy, ang bintana. "Why? " agad na tanong n'ya pa.
"Pwede na daw po kayong lumabas," he answered.
Tumango lang si Mommy. Agad s'yang pinag buksan ng bodyguard, nang makababa s'ya. Ako naman ang pinag buksan.
Agad akong pumunta sa tabi ni Mommy, inalalayan pa kami ng bodyguard hanggang makarating kami sa harap ng pinto ng Cafe. Kung saan naghihintay na rin si Daddy.
Tama nga ang kutob ko, dahil pagpasok namin sa Cafè ay walang ibang tao kundi si Aiden. Mayroon pang nakabantay na isa pang body guard sa tabi n'ya. But he just looked unbothered and calm. That's my boy.
Nangunguna ako sa paglalakad, habang kasunod ko sila sa likod. Ng makita n'ya na paparating ako, ay agad s'yang tumayo para sana salubungin ako, pero agad s"yang hinarang at pinabalik sa pagkakaupo. Susubukan n'ya sanang manlaban,pero agad ko s'yang inilingan.
Agad n'yang nakuha ang ibig kong sabihin at agad na din umupo pabalik.
Agad akong umupo sa harapan n'ya ng makarating na 'ko sa lamesa. Dahil isa yong parihaba na lamesa ay sa gitna si Daddy at Si Mommy naman ay sa tabi ko.
Pagkaupo namin lahat ay walang salita ng umalis, lahat ng bodyguards. Nakita ko kung pa'no, pasadahan ng tingin ni Daddy, si Aiden.
Pero si Aiden, ay nag-aalalang nakatingin lang sa 'kin. Nakatitig lang din ako sa kan'ya. Nagsisimula ng mag-imagine, kung amo ang magiging reaksyon n'ya mamaya.
"I'm Xiara, mother of Xiana," biglang pakilala ni Mommy, kaya naputol ang pagtitinginan namin. Hindi maglahad ng kamay si Mommy, mukha na s'yang mataray ngayon. "And this is Ian, father of Xiana. And of course my husband." Turo n'ya naman kay Daddy.
Aiden smiled. "I'm Aiden Mom, Sir and I'm Xiana's long time boyfriend," pakilala naman nito.
"When is the wedding? " hindi inaasahan ng lahat na tanong ni Daddy. Si Aiden, pa ang unang nakabawi.
"Sorry sir," paghingi n'ya pa ng tawad. "But what do you mean on 'When is the wedding'? " he asked.
Daddy just smirk on him and looked at me. "You didn't tell him yet? " he asked me. Tumango ako. "Then, sabihin mo na ngayon," utos n'ya.
"What is your Daddy talking about Baby? " naguguluhan na tanong naman sa 'kin ni Aiden.
Napahawak ako sa tiyan ko, bago ko kunin ang bag na dala. Para ibigay sa kan'ya ang pregnancy test ko.
Nanginginig pa ang mga kamay ko ng inabot ko 'to sa kan'ya. "What is this? " naguguluhan na tanong n'ya.
"I-its PT," i answered him. "Its pregnancy test a-and I-i'm p-pregnant," utal na dagdag ko pa, gamit ang mababang boses. Nakatingin lang ako sa lamesa, habang sinasabi ko 'yon sa kan'ya. Dahil natatakot akong makita ang kan'yang reaksyon.
"I'm g-going t-to be a D-daddy," i heard him mumbled, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na tignan s'ya.
"Pananagutan mo ba ang anak ko?" tanong na naman ni Daddy. Mukha pang naguguluhan si Aiden, sa pagsagot. Unti-uting kong naikuyom ang kamao ko sa sobrang kaba. "Yes or No lang ang hinihingi kong sagot. Dahil kung hindi mo naman s'yang kayang panagutan, kaya-kaya ko s'yang hanapan ng mas deserving na mapapangasawa," muli pang sabi ni Dad, ng hindi sumagot si Aiden.
Tahimik lang ako na nakatingin kay Aiden, hinihintay rin ang magiging sagot n'ya.
"Yes Sir, I-I'm g-going t-to marry your d-daughter sir. I'm going to marry Xiana."