"Are you Happy?" tanong sa 'kin ni Lily. Napatigil ako sa pagtingin ko sa sarili, ko sa salamin. Pero agad din akong nagpatuloy na parang walang narinig. "Xiana, please answer me, "pagmamakaawa n'ya pa sa 'kin.
Tinignan ko s'ya sa salamin. Walang emosyon ang mukha ko, sigurado ako do'n. Kasi hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ngayon o alam ko pero hindi ko lang talaga maramdaman.
"For what Lily? Para saan pa kung sasagutin ko yung tanong mo? "walang emosyon na tanong ko pa sa kan'ya.
"Da*n Xiana! Answer me because this is important, h-hindi 'to laro-laro lang! "pasigaw n'ya sa 'kin, pero kontrolado ang boses. Dahil baka may makarinig na ibang tao sa kan'ya.
Humarap ako sa kan'ya. Mukha s'yang problemadong-problemado sa 'kin. Lihim na lang akong napangiti, dahil kahit paano ay meron pang tao ang may pakialam sa nararamdaman ko.
"My feelings here doesn't matter anymore, "i answered her. Pagkatapos ay naglakad ako papunta sa kan'ya at hinawakan ang dalawa n'yang kamay. Yinuko n'ya ang ulo n'ya. "Hindi ko nga alam kung may nararamdaman pa 'ko, "dagdag ko pa sa kan'ya.
Nag-angat s'ya ng tingin sa 'kin. Doon ko nakita ang mata niya na may nangingilid na luha.
"You don't deserve this pain, "aniya pa sa 'kin.
Pinilig ko ang ulo ko. "No one deserves pain, pero anong magagawa ko lahat naman talaga nakakaramdam no'n 'di ba? "
"Mahal mo ba s'ya? "tanong n'ya sa 'kin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kahit hindi n'ya sabihin ang pangalan n'ya. Alam ko na kung sino ang kan'yang tinutukoy.
Agad rin naman akong nakabawi. Binitawan ko ang kamay n'ya at muling humarap sa salamin. Tinignan ko muli ang buong repleksyon ko do'n.
"Ikakasal na 'ko, "halos pabulong kong sagot.
Nakasuot ako ngayon ng isang simple pero elegante na gown. Na saktong-sakto ang pagkakagawa. Nakayakap ng maigi sa katawan ko.
"Pero Xiana--. "
"Wala ng pero Lily. Ito ang desisyon ko, 'tsaka tapos na rin naman ako sa plano ko. Patas na kami ngayon, "putol ko sa sasabihin n'ya. Humarap muli ako sa kan'ya. "Wag ka na kasing masyadong mag-alala. Alam mo naman kung gaano ako kamahal ni Nyx, 'di ba. I'm sure that he's not gonna do the same mistake he did to me, "pag-aalo ko pa.
Malakas s'yang bumuntong hininga. Magsasalita pa sana s'ya ng pumasok si Jeanne, sa loob ng kwarto. She have a wide smile on her face.
"Anong drama yan girls. Ba't hindi ako kasama, "sabi n'ya sa 'min. Pasimpleng pinunasan ni Lily, ang luha n'ya. Bago s'ya muling humarap kay Jeanne. "Magtatampo ako n'yan sige kayo, mahirap pa naman akong suyuin, "kunyaring pang biro n'ya.
I chuckled. "It's nothing Jeanne, "sabi ko dito.
Naniningkit ang mga mata s'yang tumingin sa 'kin. Bago ako dinuro ng daliri. "Ikaw Xiana, wag kang magtago ng sikreto sa 'kin. Magiging sister in law mo pa naman ako, "aniya pa.
"Wala akong tinatago Jeanne, remember i'm already done, "aniya ko.
"Sigurado ka ba? "paniniguro n'ya pa. "You know how much my brother love's you right? Kaya hinayaan ka n'ya nung bumalik ka sa kan'ya para sa plano mo, tapos ka na naman 'di ba? "umaasang tanong n'ya.
"Tapos na Jeanne, "diretsong sagot ko sa kan'ya. Pero sa likod no'n marami pa ring tumatakbo sa isip ko.
Mukha s'yang nakahinga ng maluwag dahil sa sagot ko. "Mabuti naman, "narinig ko pang bulong n'ya. Pagkatapos ay lumapit s'ya sa 'kin at mahigpit akong niyakap. "I love the both of you. . . I don't want anyone to get hurt Xiana, "she whispered to me. Ginantihan ko s'ya ng yakap. Parang pinapahiwatig n'ya na sumunod ako sa plano, para wala ng masaktan.
Nagkatinginan kami ni Lily. Umiiling s'ya, habang nangingilid na naman ang luha. "Walang masasaktan Jeanne, "sagot ko sa kan'ya.
Naramdaman ko ang pagtango n'ya sa balikat ko. "I'm happy to hear that, "mahihimigan ang kasiyahan sa boses n'ya. Pagkatapos ay lumapit s'ya sa 'kin at pinasadahan ng tingin ang suot ko. "By the way girl, you look so beautiful Xian, i'm excited to see my big brother's reaction later, "she mumbled. Habang iniikutan ako. I just smiled at her. "Bagay na bagay talaga kayong dalawa, "dagdag n'ya pa.
"Thank you, "ang tangi kong nasagot sa kan'ya.
"Let's take a picture,"pag-aya ni Lily, sa 'min. Agad naman tumango si Jeanne, at pumwesto sa tabi ko.
Pagkatapos naman ayusin ni Lily, ang cellphone ay agad dun s'yang pumwesto sa tabi ko. They both look gorgeous on the dress they're wearing right now. It's an up-shoulder sweetheart dress.
Jeanne is my maid of honour because aside from being my closest friend. Lily said na dapat s'ya na talaga dahil, kapatid din s'ya ni Nyx… my soon to be husband.
That thought made me feel mixed emotions.
"Who's gonna click the camera button? "Jeanne asked. Nagkatinginan kaming tatlo. Exactly on time, someone knocks on the door. One of the wedding staff. He looked at me.
"Ma'am--."
"Take a picture of us please, "I cut him off. He nodded after that Lily, run to him and handed him the phone she set up earlier. Agad s'yang bumalik sa tabi ko.
"1, 2, 3,"the staff counted. We all posed and smile on the camera. Nakailang kuha pa kami, bago sila ma-satisfied.
Maya-maya pa ay pumasok na muli ang make-up artist at muli akong inayusan. Tapos na kaming mag-video kanina. Retouch na lang 'to. Dahil nagkaroon daw ng kaunting delay sa driver ko kanina.
But everything is under control now.
"Mauuna na kami sa simbahan future sister in law,"sabi sa 'kin ni Jeanne, habang nakatingin s'ya sa cellphone n'ya. "See you there, "paalam n'ya pa muli. Lalapit pa sana s'ya sa 'kin para bumeso pero inaayusan ako kaya kumaway na lang s'ya. Ngiti na lang ang iginanti ko rito.
Sumunod naman agad na tumayo si Lily, hanggang ngayon nakikita ko pa rin sa mga mata n'ya ang pag-aalala. "See you later Xian, "she said. Before waving her hands too. Sabay na silang lumabas ng pinto ni Jeanne.
Binalot ng katahimikan ang buong kwarto, pero binasag ito ng nag-aayos sa 'kin.
"Ma'am what are you feeling right now?"biglang tanong ng makeup artist, habang inaayusan ako.
"I don't know, "I honestly answered.
She looked at me in the mirror. Before doing my make-up again.
Ilang sandali pa ay natapos na rin kami sa pag-aayos. Pagkatapos isuot ang belo, ay kinuhanan pa 'ko ng litrato. I felt Deja vu. Ginawa ko na 'to lahat noon e'. Pangatlong beses na. Ang pagkakaiba lang doon, mahal ko yung pakakasalan ko.
'Natututunan naman mahalin ang isang tao 'di ba? '
Inalalayan nila ako palabas ng kwarto. Para sa simbahan na 'ko dumiretso. Magsisimula na ang kasal ko. This is supposed my big day right, dapat masaya ako. Pero bakit hindi ko man lang magawang ngumiti ng totoo. Bakit hindi ko ramdam.
Pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa mga staff, para makasakay na 'ko sa kotse. Agad na 'tong umandar.
Nagsimula ng tumibok ng mabilis ang puso ko hindi ko alam kung excitement o kinakabahan.
Napatingin ako sa unahan, nakasuot ng cap ang driver. Hindi ko makita ang mukha n'ya.
Tumingin na lang ako sa bintana sa likod, nakasunod lang sa 'min ang ibang staffs.
Pinagsiklop ko ang dalawa kong palad. Nagsisimula na 'kong magdalawang isip. Kaya malalim akong bumuntong hininga.
"Xiana, wag mong gawin ang ginawa n'ya sa 'yo noon. Wag mong gagawin sa taong mahal na mahal ka, "mahinang bulong ko sa saril. "Forget the past, forget about him. Just focus on your future husband,"i added.
Para namang nabawasan kahit konti ang bigat ng dibdib ko.
"Malayo pa ba tayo? "tanong ko sa driver, ng mapansin kanina pa kami naandar. Hindi ko alam kung saan ang simbahan, dahil wala naman akong inasikaso sa kasal na 'to. Nyx insisted na s'ya na daw ang bahala, all just i do is to trust him. Hindi sumagot ang driver. Patuloy lang s'ya sa pagmamaneho. "Are we still far on the church? "pa-english na tanong ko na. Dahil baka hindi 'to nakakaintindi ng Tagalog, nakalimutan ko rin na nasa ibang bansa kami.
Pero wala pa rin akong nakuha na sagot. Hindi ko alam kung bakit kinabahan na naman ako. Tumingin ako sa likod, wala na yung kotseng sumusunod sa 'min kanina. "Where would you take me?!"i shouted.
Naramdaman kong lalong bumilis ang takbo ng kotse. Tatayo na sana ako para tingnan ang driver, pero bigla itong lumingon sa 'kin. Then he sprayed something on my face.
"My wedding. . ."I whispered before I lost my consciousness.
~
Nagising ako ng may nararamdaman akong humahawak sa paa ko. Agad akong bumalikwas ng higa.
Lalo na ng muling pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.
"Who are you?!"sigaw ko sa lalaking na sa paahan ko. Hawak n'ya ang isa sa mga heels na suot ko kanina. Nakasuot pa rin s'ya ng suot n'ya, pang-driver. Naka-cap at naka-facemask pa rin.
Hindi s'ya sumagot sa 'kin. Yumuko lang s'ya ulit at muling inabot ang paa ko. Pero agad ko 'tong iniwas sa kan'ya.
He faced the wall after what I did, he looked frustrated when he removed his cap. But not his mask.
Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon, para tumayo. Tatakbo na sana ako sa pinto, pero dahil isa na lang ang suot kong heels. Ay ika-ika ako, at kamalas-malasan pang natumba ako.
Ramdam ko na sa likuran ko na s'ya ngayon. Sinubukan n'ya 'kong ipangko, pero iniwas ko muli ang sarili ko.
"Please l-let m-me l-leave, "i beg on him. Kahit ayokong gawin 'yon, i don't have a choice. "I have w-wedding--."
"Shut up! "he growled on me. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang boses n'ya. Hindi ako pwedeng magkamali. I've known him more than myself.
"A-aiden, "I whispered his name.
He didn't answer, pero pumunta s'ya sa 'kin at mabilis akong pinangko. Dahil sa gulat sa nalaman ay hindi ako nakapalag at nakapagsalita man lang. Agad n'ya kong nilapag sa kama at pinagpatuloy na ang pagtanggal ng isa kong heels.
Bago n'ya alisin ang mask na suot n'ya. At tama nga ang hinala ko, it's him.
"You're not gonna marry anyone Baby, you think I'll let that happen? "he said to me. Mabilis ang pagtibok ng puso ko. "After what you did to me!"
Napapikit ako sa biglaaan n'yang pagsigaw. "We're just even now Aiden! "balik na sigaw ko.
"You fooled me! "he shouted again. He's looking at me dangerously.
"You did that first! "I answered him.
He let out a deep breath. Pinasadahan n'ya ng kamay ang buhok n'ya. "I'm the one who run away, but I'm also the one who's chasing. . ."