Chapter 55
Busted
Sa hindi malaman na dahilan ay hindi mapakali ang kalooban ni Lorie. Hindi niya alam kung bakit pero malakas ang lukso ng dibdib niya.
Wala ngayon sina Rovie dahil nagdate na naman ang dalawa. Palagi nalang nagdedate ang mga ito sa tuwing wala silang ginagawa o kaya rest day sa trabaho.
Okay lang naman iyon kay Lorie dahil kampante naman siya kay Chris at may tiwala naman siya rito. Ano man ang mangyari ay alam niyang poprotektahan ni Chris ang kapatid niya kaya wala siyang dapat na ipag-alala.
Kasalukuyang naglilinis at nag-aayos ng mga gamit si Lorie at pinagtutupi niya ang kaniyang mga gamit. Kabilang na rin doon ang costume niya at leather jacket na suot noong nasa Japan pa siya.
Pinagtutupi iyon ni Lorie ng may makapa siyang kakaiba sa bulsa ng jacket niya. Kinuha ito ni Lorie at nakita niya ang isang kuwentas na may kasamang note.
~~
The answer is the key to everything. Reverse everything and you will get the code. One word, four letters. Everything revolves around it and one's actions define it.
It's a positive word but also hold a negative meaning when it's reversed. Just like good or bad and Yin or Yang.
~~
Iyon ang nakasaad sa note. Sasakit na naman ata ang ulo ni Lorie dahil doon. Hilig talaga ng mga magulang nila ang pahirapan sila sa mga riddles nito.
Hilig talaga ng mga magulang nila ang mga quest, puzzles at riddles. Hindi niya maintindihan kung bakit pinapahirapan pa sila ng mga ito. Alam ni Lorie na ginagawa iyon ng mga magulang para engkaso na magka-aberya ay hindi agad makuha ng mga kalaban o nino man ang message o ang code na pinapahiwatig ng mga ito.
Napabuntong-hinga na lamang si Lorie at niligpit ang papel. Nilagay niya ito sa ilalimnng jewelry box niya pati na rin ang kwentas na hindi malaman ni Lorie kung ano ba ang hugis o itsura nito. Sobrang weird kasi ng itsura nito at mukha rin itong isang piraso ng basura.
Hindi matukoy ni Lorie kung importante ba talaga ang kwentas na iyon o hindi, pero ang gagawin pa rin ni Lorie ay itabi ito dahil binilin ito ng magulang nila.
Tyaka niya nalang poproblemahin ang tungkol sa kwentas at sa riddles na ibinilin ng ina nila dahil wala siya sa mood na sagutin at mag isip ng mga bagay-bagay.
Pagkatapos magligpit ay lumabas si Lorie ng kwarto niya para kumuha ng maiinom sa ref nila. Bigla siyang nauhaw at naroon pa rin ang kabog ng dibdib niya na hindi niya mawari kung bakit nagkakaganun.
-----
Nakauwi na si Aliyah galing sa Cuba at pagod na pagod ang naramdaman niya pagkauwi sa bahay nila.
Agad na ipinikit ni Aliyah ang kaniyang mga mata para magpahinga at bumawi sa ilang araw na walang tulog.
Patulog na siya ng tumunog ang telepono niya at nakita ang pangalan ng ama nanakasulat sa loob ng screen.
Napapairap nalang si Aliyah at hindi sinagot ang tawag ng ama. Bahala na kung pagalitan siya nito mamaya ngunit wala siyang pakialam. Hindi ba siya kayang bigyan ng kaunting oras ng ama na magpahinga muna kahit sandali.
Dahil sa wala nga siyang pakialam ay pinatay ni Aliyah ang kaniyang cellphone at natulog nalang kapagkuwan. Mamaya niya nalang haharapin ang galit ng ama niya kapag nagkita na silang dalawa ulit.
--
Nang magising si Aliyah bandang hapon na ay nag-ayos lang siya tyaka siya pumunta sa head quarter nila para sa sinabing meeting ng ama.
Inaasahan na ni Aliyah na papagalitan siya ng ama ngunit hindi siya nito pinagalitan at hinayaan lang. Naninibago si Aliyah. Hindi siya sanay na hindi pinapagalitan ng ama which is kind of weird for her.
Iwinaksi nalang iyon ni Aliyah at nagconcentrate nalang sa meeting nila. Pero bago iyon ay hinanap niya muna si Lorie kung naroon ba ito sa loob ngunit hindi niya ito makita roon.
Nagkibit balikat nalang si Aliyah at umupo sa pwesto niyang upuan at nakikinig sa mga plano at mga dapat nilang gagawin.
May bago na naman silang operasyon. Walang katapusan na operasyon naman talaga sa kanila eh. Balita ni Aliyah na hindi pa rin sila tinitigilan ng mga pulis at tinutugis pa rin siya ng mga ito.
Hindi naman sa talagang nag-aalala si Aliyah sa mga pulis dahil nasanay na siya pero minsan din naman ay hangad niya ang maayos at normal na buhay. Ngunit hindi niya makakamtan iyon dahil sa magulong buhay na mayroon ang tatay niya.
Sa ginaganap na meeting palagi nilang pinag-uusapan ang tungkol sa mga pulis at naroon ang hepe ng mga ito nakikinig at nakikipagcoordinate rin naman sa kanila. Kayaaraming sindikato ang lumalago dahil sa mga katulad nila na tiwaling mga opisyal.
“Iyon na ang plano. Ipagsasanib ang kapulisan at mga tauhan natin. Isasabak sila sa giyera para naman may achievement din ang mga police kahit papaano at huhulihin nila ang magpapanggap na Lider ng grupo.” Ani ng hepe na sinasaad talaga bawat galaw at plano sa magaganap na giyera.
Pagkatapos ng pagpapaliwanag ng sinasabing hepe ng mga kapulisan ay agad na umalis si Aliyah para puntahan si Lorie at ipaalam ang nalaman niya sa naturang meeting.
Hindi na rin siya nagtawag pa ng driver at siya nalang ang nagmaneho ng sasakyan. Mamayang gabi na kasi ang operasyon kaya kailangan niyang matimbrihan din si Lorie para alam nito ang gagawin mamaya.
Pagkarating sa bahay nila Lorie ay nagtaka si Aliyah kung bakit may ibang sasakyan ang nakaparada sa grahe ng mga ito. Wala naman siyang nalalaman na binibenta ng magkapatid ang bahay at lupa ng mga ito kaya nakakapagtaka para sa kaniya.
Nakucurious na bumaba si Aliyah sa kaniyang kotse at naglakad papunta sa harap ng pintuan ay kumatok siya sabay door bell pa. Maya-maya ay bumukas ang ito at isang lalaki ang nagbukas ng pinto at walang iba iyon kundi si Chris.
Magkasing gulat ang naging reaksyon ni Aliyah at Chris ng mapagtanto ang isa't-isa. Aalis na dapat si Aliyah ngunit mabilis siyang nahawakan ni Chris at hinila papasok ng bahay.
Wala na naman nagawa si Aliyah at nagpatianod nalang hanggang sa makita na nga niya si Lorie at gulat din itong makita siya.