Chapter 63
Destruction
Napasinghap ang lahat sa ginawang face reveal ng naturang emperor ng organisasyon. Everyone didn’t expect it to happen. The emperor doesn’t look old or young either. He look matured but in a good complexion as well.
Ngunit napapansin ni Lorie na kakaiba ang awra nito ngayon kaysa sa awra nito noon. Napapakunot ang noo ni Lorie habang sinusuri ang emperor na ngayon ay wala ng maskara.
“Hail to the Emperor!” sabay-sabay na untag ng mga naroon at tuwang-tuwa dahil sa wakas nakikita na nila ang mukha nito at hindi na nakamaskara.
Nagbubunyi ang lahat ngunit hindi si Lorie. Bumabalik na naman sa kaniya ang nangyari sa ina nila at nasasaktan siya sa tuwing naaalala niya ang paghihirap ng mama niya. Kung ano ang ginawa nitong kababuyan sa ina niya ay nagngingitngit ang kalooban ni Lorie.
Ngayon na alam na niya ang tunay aj itsura nito ay hindi na siya mahihirapan pa.
“Have you taken pictures, Lorie?” bulong na tanong sa kaniya ni Aliyah.
Oo nga pala. Muntik na niyang makalimutan. Mabuti nalang pinaalalahanan siya nito kaya mabilis niyang ginawa ang bagay na iyon. Gamit ang special contact lense niya ay kinuhanan niya ng picture ang emperor sa pamamagitan ng pagkurap niya sa kaniyang mga mata.
Pagkatapos makakuha ng iilang litrato ay iniba na ni Lorie ang tingin niya at nakipag-usap nalang kay Aliyah.
-----
“Sam, may natanggap akong file mula kay Lorie.” Sigaw ni Rovie mula sa sala dahil naroon ang binata na nagluluto ng magiging hapunan nila.
“Sandali nalang sweetheart. Malapit na maluto itong ulam natin.” Sagot naman ni Chris mula sa kusina.
Hindi na rin naman nangulit pa si Rovie at tinitingnan ang mga litrato na pinadala sa kaniya ng kapatid ngayon-ngayon lang.
Hindi alam o kilala ni Rovie ang taong nasa picture at wala rin caption na nakalagay kasama sa mga pictures. Baka nakalimutan ilagay ng kapatid niya ang caption at isa pa ay baka bantay sarado rin ang mga galaw nila doon.
Tinitingnan lang ni Rovie ang mga files na nasa laptop at ina-analyze ito ng maigi.
Biglang bumukas ang front door ng bahay nila Rovie at pumasok si Alexis na maraming dala. Isang kahot, back pack at mga eco bags ang dala nito ng makapasok sa loob ng bahay nila.
Ginawa na nga nilang head quarter ang bahay nila dahil halos ng mga gamit nila ay nasa bahay na ng kambal. Si Chris ay piniling doon nalang tumira dahil mas madali at maiging naroon lang siya para na lang din daw na mabantayan at maprotektahan niya si Rovie.
Si Alexis naman ay nagdesisyon na rin na lumipat sa bahay ng kambal pero paminsan-minsan ay umuuwi pa rin ito sa condo niya o di kaya sa bahay ng mga magulang nito.
“Seryoso na ba iyang paglilipat bahay mo, Lex?” natatawang biro ni Rovie sa binata na inilingan lang nito.
Hindi talaga mabiro ang taong iyon. Bulong ni Rovie sa kaniyang sarili at hinayaan nalang itong mag set-up sa mga gamit nito.
Lumabas si Chris mula sa kusina at nakita si Alexis na nag-aayos ng kaniyang gamit.
“Sakto ang dating mo, bro. Kakakuto lang ng magiging hapunan natin.” Pag sasaad ni Chris na tinanguan lang ni Alexis.
Maayos na naman silang dalawang magkaibigan ngunit nag iba na talaga ang pakikitungo nito sa kaniya. Nagiging mailap na rin ito at mas lalong hindi na nakikipag-usap maliban nalang kung importante.
Napapabunting hininga nalang si Chris at lumapit sa nobya na pinapanood ang mga files at pictures sa laptop niya. Tumabi si Chris ng upo rito at hinawakan ang bewang ng dalaga.
“Tingnan mo ‘to, Sam. Iyan lang ang sinend ni kambal. Iisang mukha pero iba’t-ibang anggulo. Wala rin siyang nilagay na caption kasama sa pictures.” Pagbibigay alam ni Rovie sa kasintahan.
“Baka pinamamanmanan niya iyan sa atin, mahal.” Tugon naman ni Chris sa sinabi ng kasintahan.
Tumunog ang telepono ni Lorie at pangalan ng kapatid ang lumitaw sa screen kaya mabilis na sinagot ito ni Rovie.
“Hello sis! I’m glad you called. We received your files but we don’t understand it. What’s with all the pictures?”
“That’s the emperor’s face. He revealed his face to everyone last night. Please search everything regarding with that man. I have a feeling he’s not the right one yet.” Lorie answered from the other side whispering and both of them looked at each other.
Chris signaled Rovie to go on and asked for further questions.
“How can you say so sis? Didn’t you say he revealed his face?” Rovie confusedly asked her sister.
“I had a gut feeling he’s not the one. Just make the research and we will know the truth. I need to hang up now, there’s been an attack in the compound.” Mabilis na nagpaalam si Lorie at pinatay ang tawag.
Nagkatinginan na naman silang dalawang magkasintahan. Kinabahan din naman si Rovie sa huling sinabi ng kapatid at mabilis na nagdasal na sana ay maayos lang ang kapatid niya roon.
-----
Kaniya-kaniyang kuha ng mga baril sina Lorie at mga kasamahan niya pagkarinig ng malakas na pagsabog sa gilid ng palasyo. Rinig na rinig nila ang pagsabog dahil malapit lang ang Gustavo’s Residence sa palasyo.
Nagsilabasan silang lahat sa residence at humanap ng sasakyan na posible nilang gamitin sa pagtakas. Limang helicopter ang nasa himpapawid at tinatarget ng mga missiles nito ang mga residence at mas lalo na ang palasyo.
Hinawakan ni Lorie ang kamay ni Aliyah ng hindi ito magkamayaw at napapaiktad sa nangyayari.
“My dad! We have to save my dad!” tumitiling saad ni Aliyah at napapayuko dahil sa mga nangyayaring pagsabog.
“Stay here. Don’t move, okay? I’ll come back. Just stay here!” utos ni Lorie kay Aliyah at ibinigay ang isang rifle sa huli. “Use this as self defense.” Dagdag ni Lorie at iniwan si Aliyah doon na mag-isa para kunin at iligtas tatay nito.
Bumalik sa loob ng residence si Lorie at pumunta sa opisina ni Gustavo. Naroon pa nga ang matanda ngunit may sugat ito sa binti sanhi para hindi ito makalakad at may tama ng bala ang tiyan nito.
Dinaluhan agad ito ni Lorie at para na rin sagipin ngunit umiling ito at may kinapa sa bulsa ng coat nito.
“Give this to my daughter. Tell her, from now onwards she will lead the group as my successor. Protect my child. I failed to do so as her father. T-Tell her, do n-not trust anyone.” Nahihirapang bigkas ni Gustavo at umaalpas na ang dugo sa kaniyang bibig.
Tinanggap ni Lorie ang ibinigay na crest ni Gustavo at isinilid iyon sa bulsa ng costume niya.
Tumayo si Lorie upang umalis na sana ngunit pinigilan siya ni Gustavo sa pamamagitan ng paghawak nito sa paa niya.
“K-Kill.... E-Emperor... J-J--onas...” hindi na ituloy ni Gustavo ang sasabihin dahil pinanawan na ito ng buhay.
Hindi man alam ni Lorie ang ibig sabihin niyon pero isinaisip niya ang tatlong salitang iyon.
Kill, Emperor at Jonas.
Napayuko at napatakip ng sarili si Lorie ng biglang may sumabog na naman sa ‘di kalayuan.
Mabilis na umalis si Lorie at lumabas ng residence tyaka niya binalikan si Aliyah.
“Where’s my dad?” nag-aalalang tanong ni Aliyah kay Lorie.
“He didn’t make it. Now we have to leave!” Sagot ni Lorie at hinila si Aliyah patungo sa isang sasakyan na nakita niya pagkalabas niya.
Mamaya na poproblemahin ni Lorie ang mga katanungan ni Aliyah sa kaniya. Ang mahalaga sa mga oras na iyon ay makaalis at makaligtas sila.