Chapter 43

1091 Words
Chapter 43 Love moves in Mysterious Ways Rovie readied the take away she bought for her twin sister and went to her room to check on her. When she reached her twin sister’s room, she unlocked the door and opened it then she saw her sister still sleeping. She must’ve been really tired and weak from the accident. Rovie uttered to herself and she went out to go to her room to get change. When she reached her room she change herself to her pyjamas and went to their living room to wait for her sister to wake up later. Gusto niyang sabayan ang kapatid sa pagkain kasi. Matagal-tagal din na hindi sila nagkakasabay sa pagkain dahil nga nagkaroon sila ng alitan dalawa at hindi nagkikibuan. Ayaw na ni Rovie na maulit ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi maganda sa pakiramdam at ayaw niya talagang hindi sila magpapansinan ng kapatid niya. Ayaw niyang magkaroon sila ng lamat dalawa dahil wala na silang ibang makakapitan kung hindi ang isa't-isa nalang din. Kapag nagkasira sila ng kapatid maghihiwalay at magkakaroon na sila ng pagkakaiba ng landas. They will have to take on each other's lives and carry on with their own separate ways. Ayaw ni Rovie na mangyari pa iyon at hindi niya naman talaga hahayaan. Biglang tumunog ang cellphone ni Rovie na nakalapag sa lamesita. Kinuha niya ito at nakita ang pangalan ni Chris sa screen. Napapairap nalang si Rovie at ikancel sana ang tawag bagamat naputol na ito bago pa man niya nagawa iyon. Ilalapag na ni Rovie sana ang cellphone niya ngay dumating naman na text mula kay Chris. Binasa ito ni Rovie at hindi niya alam pero bigla nalang siyang kinilig sa text message nito. ~ Hey beautiful, The night is cold and dull being alone. I wish you’re here beside me right now. I hope I can see you tomorrow and spend time with you. Have a good night and sleep well, sweetheart. ~ Iyon ang laman ng text at sobrang kilig talaga ang naramdaman ni Rovie dahil doon. Pakiramdam niya ay gumagalaw ang mga bituka niya sa tiyan niya dahil sobrang kilig. Kung pwede lang siyang tumili ay baka nagawa na niya. Nang magising si Lorie ay agad siyang lumabas ng kwarto niya at nahuli niya ang kapatid na nakangiti at parang kilig na kilig. Napataas nalang ang kilay ni Lorie at lumapit sa kapatid na nakatingin pa rin sa cellphone nito. “Anong nginingiti-ngiti mo riyan, Rovie? Nakatanggap ka ba ng matamas na salita mula sa manliligaw mo?”pang-aasar ni Lorie sa kambal. “Hindi ah!”mabilis nitong reaksyon sa sinabi ni Lorie. “I-I mean may p-pinapanood kasi ako.”Utal-utal na dagdag ni Rovie ng mapagtantong napasigaw siya. Malikot din ang kaniyang mga mata at hindi makatingin ng maayos kay Lorie. “Humm sige. Sabi mo eh.”ani Lorie at tumabi ng upo sa kapatid. “Nagdala ka ba ng pagkain?”tanong ni Lorie na tinanguan din ni Rovie. Inabot ni Rovie ang paper bag na pinaglagyan ng pagkain na inorder niya at nilapag sa lamesita. “What did you bought sis?”usisa ni Lorie at binuksa ang paper bag. “Is this thai food?”masayang pagkukumpirma ni Lorie sa kambal at nilingon ito. Nakangiting tumango si Rovie at tinulungan ang kapatid na ilabas angga pagkain. Nang malatag na nila ang lahat ng pagkain ay kaniya-kaniya silang dalawa na pumili ng kakainin. Habang kumakain ay nagku-kuwentuhan lang silang magkapatid hanggang sa umabot ang usapan nila tungkol kay Chris. “Kumusta naman kayo nung Chris?”nginunguya ni Lorie ang pagkain habang tinanong sa kapatid iyon. “Okay naman. Hindi ko lang sure kung seryoso ba talaga siya. I feel like, he’s doing it because he wants to gain something or know something, I don’t know. Masyadong unexpected iyong ginawa niyang panliligaw. He can’t fall for me in an instant and in just a short period of time, right?”pag-amin ni Rovie sa kapatid. Isa rin iyon sa mga bagay na nagpapagulo sa isipan ni Rovie. “Ohh... Did you confront him? Did you ask him why?”usisa pa ni Lorie. Umiling si Rovie at napapayuko. Tinigil niya rin ang pagkain at humarap sa kapatid niya. “I didn’t ask him again nor confront him, sis. Every time when I’m with him everything was just so good and wonderful. Being with him was so nice that I felt like floating in the air. But even so, I can’t let my self completely fall for him,”biglang lumungkot ang boses ni Rovie at napayuko. Bigla naman nakaramdam ng guilt si Lorie dahil sa sinabi ng kapatid. Lorie knew that her sister is holding back from her feelings towards the guy. And it will be shameful of her to take her sister’s happiness away from her. “You’re holding back. Why? Is it because of me?” diretsahang tanong ni Lorie na nagpa-angat sa ulo ni Rovie. Hinawakan ng huli ang kamay ni Lorie at pinakatitigan ito sa mga mata. “I’m holding back because I am not sure if he’s real and if it will be worth it. I don’t want to take a risk just yet until I figure it out. And yes, I don’t want to neglect you, sis. I don’t want to make you feel alone.”Pagtatapat ni Rovie. Natouch si Lorie sa sinabi ng kapatid bagamat mali rin na hayaan niya na ganoon nalang ang mindset ng kapatid niya. Ayaw niya ng magpaka-selfish na. “I appreciate your concern and love for me, Rovie but if you’re really happy being with him then do it. Grab it, sis.” Nakangiti at sincere na tugon ni Lorie. “I admit, I don’t want to share you with someone else just yet but I can’t be selfish and take your happiness away. Besides, I won’t let you leave me just like that lah! You’re still stuck with me even if you already have a boyfriend.”seryoso ngunit may halong kakulitan na saad ni Lorie. Iyon naman kasi talaga ang totoo. Kahit anong mangyari. Magkaroon man ng boyfriend o hindi magkasama pa rin silang dalawa. Maaasahan pa rin nila ang isa't-isa. Niyakap ni Rovie ang kambal at ganoon din naman ang ginawa ni Lorie. Nagpasalamat si Rovie at gayon din naman si Lorie na nagpasalamat din sa kapatid. “Love moves in mysterious way, right?”pang-aasar pa ni Lorie na tinawanan naman ng kapatid na mangiyak-ngiyak na dahil sa sayang nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD