Chapter 18

1132 Words
Chapter 18 Untroubled twin   Hinihintay ni Rovie na pumasok din ang kapatid niya sa trabaho dahil gusto na niyang talagang kakausapin ito at humingi ng tawad sa kapatid. Nagbabakasakali kasi si Rovie na kahit hindi umuwi ang kapatid sa bahay nila ay papasok ito sa trabaho. Maaga pa rin naman at kaka-alas otcho pa lang ng umaga kaya umaasa siya na papasok ang kapatid kahit na late ito.   Nag time-in na si Rovie at ginawa niya ang trabaho niya habang inaabangan din ang kapatid niya. Dapat pala kinausap niya nalang ito kahapon kahit na galit siya. Hindi niya rin ito matawagan o matext man lang dahil wala itong cellphone. Ayaw nito ng cellphone o kung anong gadget kaya mahirap itong macontact kung sakali mang may emergency o kung ano ang mangyari.   Panay ang buntong hinga ni Rovie habang ginagawa ang trabaho. Nawawalan kasi siya ng gana at nalulungkot talaga siya sa tuwing inaalala niya kung paano niya tratuhin ang kapatid. It is really unfair of her to treat Lorie that way. She shouldn’t have done that nut it’s too late now and its already happened.   “Rovie, pinapatawag ka ni manager,” ani ng isa niyang kasamahan habang pinupunusan niya ang isang mesa.   “Bakit daw, Faye?” tanong ni Rovie at tinigil ang pagpupunas sa lamesa. Nagkibit balikat lang ito bilang sagot kaya pinunasan niya ang kamay at nagpuntang staff room. Inayos lang ni Rovie ang sarili sandali tyaka nagpunta sa opisina ng manager nila.   Pagkatapos mag-ayos ay kumatok si Rovie sa opisina ng manager tyaka siya pumasok sa loob.   “Magandang araw, sir. Pinapatawag mo daw po ako?” magalang na bati at tanong ni Rovie sa kanilang manager.   Nilapag ng manager ang papel na binabasa nito at ang salamin na gamit.   “Maupo ka muna, Rovie.” Muwestra nito sa kaniya kaya umupo din naman si Rovie.   “Kamusta kayo ng kapatid mo, Rovie? Maayos lang ba siya ngayon?” panimulang tanong ng manager niya sa kaniya. Hindi alam ni Rovie kung ano ang isasagot niya sa manager sa mga tanong nito.   “Maayos naman po kami, sir.” Tanging sagot nalang niya sa kaniyang manager at hindi makatingin ng maayos rito.   “Hmm, sige. Pero alam niyo naman ang company rules natin diba, Rovie? Two absences every month lang ang binibigay sa inyo mga empleyado. Pangalawang araw na ‘to ngayon ni Lorie. Kapag absent pa siya ulit bukas, I will have to take action. Hindi patas sa ibang empleyado ang ginagawa niya at kung palalampasin ko lang siya na nag-absent na hindi nagpaalam at walang sapat na dahilan. I hope you understand my point, Rovie?” straight at direct to the point na saad ng kanilang manager kaya napayuko nalang din si Rovie.   “Opo, sir. Naiintindihaan ko po. Ipagbibigay alam ko po sa kambal ko ang tungkol dito, sir.” Tugon nalang ni Rovie at napabuntong hinga. Isa rin sa pinag-aalala ni Rovie ay angg tungkol nga sa bagay na iyon. Ayaw niyang matanggal o maparusahan ang kapatid sa trabaho dahil lang sa inasal niya noong isang araw.   “Gusto ko lang talagang maging patas sa inyong lahat. Ayaw kong magkaroon kayo ng alitan at kumplikasyon mga emplayado dahil lang sa hindi ako naging fair sa lahat. Gusto kong maging maayos ang pakikitungo niyong lahat sa isa’t-isa. Alam kong mauunawaan mo ako.” Paliwanag muli ng manager na tinanguan naman ni Rovie.   “Okay, sir. Kuha ko po ang point mo. Maraming salamat po sa pagpapaalala sakin niyan sir. Mauuna na po ako sa inyo.” Paalam niya at tumayo na sa inuupuan niya tyaka siya lumabas ng opisina.   Nang magtanghalian na ay nakatanggap muli ng text si Rovie mula kay Chris na susunduin na siya nito. Napairap nalang muli si Rovie pagkatapos niyang basahin ang text. Bumalik siya muli sa opisina ng manager para magpaalam na magha-half day muna siya na agad naman siyang pinayagan ng manager.   Bumalik si Rovie sa locker room niya para magpalit at ibalik ang damit na suot niya kanina pagkapasok. Kailangan niya kasi ang magbihis dahil ayaw niya namang lumabas ng nakadamit pantrabaho siya sa unang date nila ni Chris. Gusto niya rin maging kumportable at kaaya-aya ang suot niya para magmukha siyang presentable.   Nang matapos siyang magpalit ng damit ay lumabas si Rovie ng shop at doon nalang hinintay si Chris sa labas malayo kaunti sa coffee shop. Inaabangan niya ang binate naa makarating at hindi niya alam kung saan sila pupunta. Hinawakan ng maigi ni Rovie ang suot na bag kung saan nakalagay at nakatago ang isang bagay na pwede niyang gamittin kung sakali man may ibang mangyari mamaya.   -----   Sinalubong ni Yangli ang kaibigang si Chris ng makita niyang bhis na bihis at nakaayos itto. Sobrang pormal nito na animo’y manliligaw.   “Mukhang may lakad ka, Manong ah. Saan ang may binyaagaan?” pang-aasar ni Yang sa kaibigan na ikinasimangot nito.   “I’m not attending any christening, Yang. I’m going to have a date.” Malapad ang ngiti na tugon ni chris.   Nanlaki naman ang mga mata ni Yang sa sinabi ni Chris. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Wala kasing alam si Yangli naa nalilink na babae rito kaya nakakagulat at nakakapagtaka nna meron na ittong kadate at nililigawan ngayon.   “Really? Who’s the unlucky girl?” pang-aasar pa rin ni Yangli. Nailing nalang ni Chris ang kaniyang ulo at ginulo ang buhok ni Yang. Nainis naman agad ito sa gawa niya kaya nagreklamo ito.   “Argh! For pet sake, Manong! Stop doing that! Can you not touch my hair, please?” inis na inis na si Yang at sininghalan angg kaibigan. Aasarin pa sana pabalik ni Chris ang kaibigan ng biglang sumulpot si Alexis na seryosong-seryoso ang mukha.   “ooooh… someone is not in a good mood.” Kumento Yang pagkakita kay Alexis. Tiningnan lang siya nito kaya nattahimik si Yang at ginawa ang gesture na kung saan ay zini-zip niya ang kaniyang mga lani. Palihim siyang sumenyas kay Chris ngunit kinantsyawan at inasar-asar lang siya nito.   “I see you’re ready. I’m glad that she agreed to you.” Ani Alexis na nakatingin ng seryoso at gamit din nito ang seryosong boses.   “Oo naman. I’ve got charms.” Kuminndat pa si Chris pagkatapos niyang sabihin iyon.   “I hope you won’t blow this off, man.” Seryoso pa ring untag ni Alexis na nagpaseryoso rin kay Chris.   “I won’t disappoint you, dre.” Tugon ni Chris na tinanguan lang ni Alexis.   Nagkaintindihan naman silang dalawa ngunit si Yangli ay walang kaalam-alam sa nangyayari. Magtatanong na sana siya ngunit nauhana na siya ni Chris at nag-paalam na nga ito sa kanila. Baka rin kasi kanina pa naghihintay si Rovie sa kaniya. Aayaw niyang pumalpak sa unang araw pa lang. kailangan niyang magpa-impress dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD