Chapter 57
Untold Secrets
Nagngingitngit ang kalooban ni Alexis sa kaniyang nasaksihan. Hindi alam ni Alexis kung ano ang irereact niya sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng maigi ng mga ito. Hinding-hindi niya talaga maipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Galit siya na magkahalo na ewan. Hindi niya talaga maipaliwanag.
Galit na nilisan ni Alexis ang lugar at hindi niya alam kung saan siya pupunta o dadalh8n ng galit niya.
He felt so betrayed, back stabbed and worst is he felt abandoned. The people or the person he trusted the most betrayed him.
Sabi na nga ba niya eh wala talaga siyang mapagkakatiwalaan na kahit sino sa larangan ng trabaho niya. Kahit kaibigan o katrabaho mahirap pagkatiwalaan dahil ano mang oras ay pwede silang trumaydor sayo. Iyon nga ang nangyari kay Alexis ngayon.
“Pinagkakaisahan niyo ako ha." Galit na untag ni Alexis sa kaniyang sarili habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.
Nagngingitngit talaga ang kalooban niya at nagdidilim ang paningin ni Alexis. Hindi niya mapigilan ang sarili at gusto niyang ilabas ang galit na nararamdaman niya.
Everyone in his life betrayed him. Ever since he was born he lives through lies and pretentions.
-----
“Ano sa tingin mo ang gagawin ng kaibigan mo pagkatapos ng nalaman niya?” tinanong ni Lorie si Chris pagkatapos makaalis ang kaibigan nitong si Alexis na galit na galit sa kanilang lahat.
“Kilala ko si Alexis. Kahit gaano pa ka galit iyon hinding-hindi iyon magpapadala at basta-basta nalang gumagawa ng desisyon. Lahat ng bagay ay pinag-iisipan niya muna. Oo, galit ito ngayon pero ang gagawin niyon ay magpapalamig na muna bago siya gagawa ng desisyon o hakbang.” sagot ni Chris sa tanong ni Lorie.
“Eh etong kaibigan mo na anak ni Gustavo, mapagkakatiwalaan ba iyan? Baka ilaglag din tayo niyan pagdating ng oras at kapag nakahanap siya ng pagkakataon.” Pahabol ni Chris na mabilis inilingan ni Lorie.
“Hindi mangyayari iyon. Minsan na akong tinulungan at niligtas ni Aliyah. Ginawa niya ang isnag bagay na alam niyang ikakapahamak niya kapag nabulabog siya. Oo, naghinala ako. Pinaghinalaan ko pa rin siya pagkatapos ng ginawa niya pero alam ko at ramdam ko na hindi niya gusto ang buhay na mayroon siya ngayon. That’s enough reason to trust her and include her with our plans.” Mahabang sagot ni Lorie sa binata.
“Then that’s good if so. It’s great to work together and aim one thing. Justice for all.” Iyon lang ang naging tugon ni Chris sa sinabi ni Lorie at nagkaintindihan din naman silang lahat.
“Won’t you follow your friend and talk to him?” Rovie asked Chris when they all sat down and settled in the couch.
“Hahayaan ko na muna si Alexis. He needs time to cool down and think. It’s better that he’s alone for now and release all the anger he’s feeling.” Chris answered his girlfriend truthfully.
It’s right and a must. Alexis need some time alone and to think. He needs to process what he learned and it’s hard for him. Chris knows it because he knew Alexis’ story.
Matampuhin at mapagdamdam si Alexis buhat na rin na palagi itong naiiwanan at naloloko noong bata pa ito. Puno ng kasinungalingan ang buhay nito kaya maiintindihan ni Chris kung bakit ganoon nalang ang galit nito sa kaniya.
“Okay, if you say so, Sam. Your friend is very dramatic and fond of walking out.” Rovie said half laughing which made him laugh as well.
Lorie and Aliyah laughed as well with them. Rovie has really had a great sense of humor. She can lighten up the mood so easily and quickly like no heavy event happened.
Nagtawanan lang silang lahat sa nangyari at hinayaan na iyon na lumipas.
-----
“Anong bago ngayon, Yang? Matagal-tagal din na hindi ka dumadalaw dito ah. Akala ko nakakalimutan mo na kami.” salubong ni Kira kay Yang na kakarating lang at kabababa lang ng motor.
“Magagawa ko ba iyon sa inyo. I was too busy with work and other personal stuffs that’s why I couldn’t come and visit you often.” Sagot naman ni Yangli sa sinabi nito at nagbibirong sinuntok ito sa braso.
“Namiss ka lang namin Yang. Pati si Cast miss na miss kana rin.” asar sa kaniya ni Kira na nagpairap kay Yang.
“Ewan ko sayo, Kira! Saan pala si Senseii?” tanong pabalik ni Yang sa kaibigang lalaki.
Oo, lalaki si Kira. Hindi niya alam kung bakit Kira ang napili nitong code name. Marami namang magaganda na pwede nitong gamitin pero hindi nito iyon pinili.
“Si Senseii naghahanda na sa kasal namin.” mabirong tugon ni Kira sa kaniya kaya binatukan ito ni Yangli.
“Kasal ka diyan. Asa ka, Kira. Hindi ka type ni Senseii. Mas type nya si brother Alexis kaysa sayo. Blehhh.” asar pabalik ni Yang dito at tumakbo siya papasok ng bahay.
Sino nga ba sila Kira sa buhay ni Yang? Sila ang mga kababata niya na nakasama niya sa bahay ampunan noon. Ito ang mga nakagisnan niya simula ng maulila siya. Nung unti-unti silang naampon ay hindi pa rin sila nawawalan ng komunikasyon at nagkikita pa rin silang apat na magkakaibigan.
Sila ang unang humubog sa pagkatao ni Yangli kaya hindi niya makalimutan ang mga ito. Palagi niya pa rin tatanawin ang nakaraan niya kahit gaano na karangya at kakumportable ang buhay na meron siya ngayon.
Walang matinong tao ang iiwan ang kaibigan pagkatapos ng natamasang karangyaan. Aaminin man ni Yangli ay mas kumportable siyang kasama ang mga ito at panatag siya. Mas naiexpress niya ang sarili niya kapag kasama niya ang mga ito.
Mas nagiging transparent siya sa tuwing mga ito ang kasama niya. Unfair man na maituturing ngunit iyon talaga ang totoo.
Pagdating kela Chris ay Alexis ay iba naman iyon. Sila ang mga kaibigan na tinuturing niyang mga kapatid. They were the brothers she never had and it doesn’t mean that she love them less.