Chapter 5 After 5 Years

1203 Words
Kendra Pov... Limang taon na ang lumipas simula nang ako ay malugmok sa kalungkutan at halos mabaon ang aking paa sa putikan. Ayaw kong balikan ang bagay na iyon at yun ang pinakahuling bagay na gagawin ko pero wala akong choice. Kailangan kung bumalik para sa negosyong iniwan sa akin ni Letty. Halos kalahati na ang construction ng branch namin sa Pilipinas and I need to be there. I'm not scared of going but my instinct is giving me chills of worries and concern. Iyon ang bumabagabag sa akin at gayunpaman kailangan ko pa rin na bumalik sa aking bayang sinilangan! "Kendra just tell me exactly why you are hesitant to go there?" Tanong ng kaibigan ko. Napatingin ako sa kanya na nag-iisip pero hindi ko masabi sa kanya. Ang hindi maipaliwanag na pakiramdam na ito ay nakababahala at pabigat sa akin. Makakahanap ako ng solusyon kung alam ko kung ano ito ngunit blangko ako. "Sa totoo lang Sha hindi ko alam. Kaya lang habang nalalapit na ang araw ng flight ko ay hindi ako komportable at laging nababahala. Napupuno ng kaba at pag aalala ang aking kalooban." Matapat kong sabi sa kanya. "Huwag kang mag alala. Kasama mo naman ang the best secretary ng ating kompanya! Hindi ka iiwan ni Danny!" Siniguro niyang saad. "Maasahan naman talaga siya at hindi niya talaga ako pababayaan pero paano kung hindi sa trabaho!" Sagot ko na may malalim na buntong-hininga na nakakaramdam pa rin ng pag-aalala. Kung si James yun naka-move on na ako sa kanya at marunong na akong makitungo pero hindi naman ganun. Ito ay iba. Wala naman akong kaaway kaya bakit ganito ang nararamdaman ko? "Naku! Kung ganun baka may utang kang nakalimutan!" Nagkomento siya. Umiling ako. Utang o kaaway wala akong mga yan pero ang sakit ng pagtataksil, siguro! "C'mon, you need a drink to wash away your worries. I told you, need to break a leg and get married. Thank god it's Friday!" She brims excited. I rolled my eyes 'coz I know kung saan niya ako dadalhin. Lumabas kami para mag-unwind sa anumang bar o pub house na una naming makita. She dragged me as I'm not interested to stay awake the whole night but being Sharon, she succeeded in bringing me out of my house! Ang pub house na napag-check-in namin ay napakasigla at nakaka-inviting. Bigla akong nag-eenjoy makinig sa komedyante. Nakakatuwa siya sa mga biro niya at hindi ko rin napigilang mapangiti at tumawa. Nakalimutan ko na tuloy ang kaba ko sa pag uwi ng Pilipinas. "So, hindi ka pa rin ba mapalagay ngayon?" Tanong ni Sharon bago ilapat muli ang aknyang labi sa kanyang inumin. "Hindi na Sha! Baka napuno lang ako sa office. Ayokong ma-disappoint sa akin sina Letty at Arthur. They trusted me their business?" Paliwanag ko sa kanya. "Hindi sila madidis appoint sa'yo Kendra! Sapat na ang tiwala nila sayo kaya ikaw ang pinili nila! Hindi simple ang kanilang negsoyo na iniwan sa'yo at higit sa lahat alam nila kaya mong pamunuan ito. Nakita na namin ang pamamalakad mo and we agree to their desisyon!" Pagpapamukha niya sa akin. Isang tiwala na ayaw kong masira kahit minsan. "Yeah! Thank you Sharon for always having my back!" Nakapouty kong sagot sa kanya. Ngumiti siya at niyakap ako. "Kendra just always remember I am here for you no matter what! It's not the end. You already survive heartache and betrayal. Another leap of faith in yourself to pass through another obstacle. What you are feeling right now is need a break!" Mahaba at ipinaintindi niyang sambit sabay kumindat. Ayaw ko ang kindat na yan! Tama siya! Dalawang taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Letty dahil sa brain tumor. Lahat ng kanyang trabaho, pangako, at pananagutan ay mabilis na ibinato sa akin. Napupuno lang ako at kailangan kong huminga minsan. "Salamat Sharon! Utang ko sa iyo ang lahat." Sagot ko sa pag-appreciate ng effort niya. Siya ang unang taong naging kaibigan ko pagdating ko dito dahil busy lagi noon si Letty. Ang limang taong paglalakbay sa pagbuo ng aking pangarap ay hindi naging maayos habang ako ay nahihirapang emosyonal, mental, at pisikal. Siya at si Letty ang nagbigay ng bagong pag asa at kumupkop sa akin hanggang sa makatayo akong muli sa sarili ko. "If you need a husband just tell me. I know where to find the best for you!" Biro niya. Natatawang umiling ako. Asawa? Hindi na yata ako makakapagtiwalang muli pagkatapos ng kabiguan na aking pinagdaanan. "Hindi ko kailangan ng asawa Sha!" I enunciated shaking my head at hindi sumang-ayon sa kanyang mungkahi. "Well see about that! You just need to meet that person for you to want it." Giit niya nang may lalaking huminto sa table namin. "Hi, ladie-" Panimula nung lalaki pero seryosong pinutol niya ito. "Sorry we're taken!" Agad niyang sagot na nakatitig sa kanya. Umalis ang lalaki na napahiya. "Anong ginawa mo sa kawawang iyon!" Iyak ako ng tawa na hindi makapaniwala. "Hindi siya ang para sa'yo Kendra! Alam ko sa unang tingin kung sino ang mas bagay sayo!" Nagtaas siya ng kilay na sambit. "Ano! Si Sharon, gusto lang niya ng kaibigan o kausap. Paano kung, may problema siya?" Nanghihina kog saad. Kawawa naman siya! "See! Yan ang problema sa'yo! Masyado kang inosente at mabait na hindi mo matukoy ang nagpapanggap na anghel at tunay na anghel. Ang mukang yun ang sinungaling!" Napailing niyang saad para tumagay muli. Ang lalim naman ng inis niya. "Your driving! I think we drink too much tonight. We need to leave now." Pinigilan ko siya sa muli niyang pagtagay at hinila palabas ng pub house. "Huwag kang mag-alala ang mukhang isang lasing na lasing ay isang bluff lang, Kendra. You need to learn this trick!" Bigla niyang saad sabay seryosong tumayo sa sarili niyang mga paa na parang walang nangyari. Sa dami ng kanyang ininom lasing lasingan lang pala yun. Kakaiba ang kanyang galing. Tinitigan ko siya kung okay lang ba talaga siya at talagang okay nga lang siya. Lumabas siya ng pub na parang hindi man lang umiinom ng alak ngayon. Tulala ako at walang imik na naglalakad sa likuran niya. "Wag ka ngang tumunganga dyan Kendra! Maglakad ka na parang pagmamay-ari mo ng kalye!" Untag niya na akala mo naman may mata ang kanyang likuran. "Madalas mo bang gawin ito?" Nagdududang tanong ko. "Depende sa sitwasyon Kendra. Kung walang sakit si Letty ay siguradong tuturuan ka niya kung paano mamuhay dito. Tama nga ang sinabi niya sa akin na bantayan ko ang likod mo dahil masyado kang mabait para hindi balewalain!" Kanyang pagpapamukha sabay talikod sa akin. Kinagat ko ang aking labi dahil tama siya! Kung hindi ako masyadong mabait, hindi ako lolokohin ni James ng ganyan! "Ngayon, ang kailangan mo ay isang lalaki na ipaparamdam sa'yo na isa kang babaeng may dekalidad." She emphasize as if she already married but I heard the head of the security team is courting her for years. Siguradong mahal siya ng lalaking iyon na maghintay ng isang taon at nililigawan pa rin siya. I don't think there is someone like that for me out there because if there is, I wouldn't be here surviving for years and more years to come!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD