Chapter 3 Running Away

1138 Words
Kendra Pov... Naalimpungatan ako sa lamig na bumabalot sa aking katawan. Idinilat ko ang aking mata at nakita ko ang bakas ng katangahan ko kagabi. Ang alak nga naman maraming nagagawa sa isang tao. Nagiging matapang ka at tanga lang naman. I didnt't regret doing this kahit na masakit ang aking katawan higit sa lahat ang aking p********e. Parang inopera lang naman sa sakit! Bakit naranasan mo na bang maopera Kendra! Bulong ko sa aking sarili. Lumingon ako sa lalaking swerte na nakakuha ng aking virginity. Hindi hamak naman na gwapo siya kaysa kay James. Matangkad siya, may magandang katawan at balingkinitan ang balat na nababagay sa pagkabrusko ng kanyang katawan at gwapong mukha. Mukha siyang isang Italian Model o ang mga artista na napapanood ko lang sa mga Tdrama. Tumayo ako at pinulot ang aking mga damit sa sahig at agad na isinusuot. Nagdahan dahan akong gumalaw para hindi siya magising. Hindi ako handang makita siya ngayong wala na ang bisa ng alak sa aking sistema. Matapang lang ako dahil sa alak. Bago ako tuluyang lumabas ay muli ko siyang sinulyapan. Hindi siya nakakasawang tignan kahit buong magdamag pero wala akong oras ngayon niyan. Nagluluksa pa ang puso kong sinugatan. Sabi nga sa kanta. Sinaktan mo ang puso ko Sinaksak mo ng kutsilyo Binuhusan mo ng asido pinukpok ng martilyo Sinaktan mo ang puso ko Ngayon ako'y naghihingalo Mauubusan na 'ko ng dugo Sinaktan mo ang puso ko Kaya wala akong oras magpantasya sa'yo. Salamat nalang sa nagawa mo para sa akin kagabi. Sana pasaya rin kita. "Salamat pogi at ikaw ang nakakuha sa akin kagabi. Worth it naman ang aking katangahan sa gwapong tulad mo. Hindi ko nga lang matandaan kung anu ang mga ginawa ko sa'yo kagabi. Sana lang worth it din sa'yo." Aking sambit bago dahan dahang isinara ang pintuan. Agad akong tumakbo papuntang elevator baka magising pa siya at habulin niya ako. Naku! Kagabi lang ang tapang ko ngayon hindi na. Nauupos na nga ako ngayon sa hiya. Paano kung may nakakakilala sa akin na lumabas ng hotel ngayong umaga. Naku Kendra! Assuming lang na hahabulin ka! Malabo yun Kendra! Sita ko naman sa aking sarili. Minsan kasi nakakalimutan kong hindi ako kagandahan at hindi pwedeng panlaban sa kagwapuhan niya. Hindi muna ako bumalik ng Cebu. Pumunta ako sa apartment ni James para tapusin ang kahibangan ko sakanya. Sayang ang aming walong taon na relasyon. Mauuwi lang pala sa wala. Nagsabay pa talaga sa pagkawala ni lola. Nagyong mag - isa nalang ako sa buhay. Sisikapin kung maitaguyod ang buhay ko ngayon. Tapos naman ako sa pag - aaral. Maghanap nalang ako ng trabaho o magbukas ng maliit na tindahan o karinderya dahil magaling naman ako magluto at iyon ang hobby ko. Nakatayo na ako mismo sa pintuan ng apartment ni James ngunit hindi ko magawang kumatok. Paano kung nasa loob pa ang babae kaya ko na ba talaga silang harapin? Lakas ng loob lang ang kailangan mo Kendra. Hindi ka naman duwag na katulad niya. Harapin mo siya ng taas - noo. Pagbibigay kong lakas loob sa aking sarili. Iniangat ko na ang aking kamay para kumatok nung kusnag bumukas ito at iluwa nga ang babaeng kasiping ni James kagabi na halos luwa ang kaluluwa sa kanyang suot na damit. "Sino ka!" Gulat niyang tanong. Nagumiti ako sakanya. "Hi. I'm Kendra. Pwede ba makausap ang may - ari ng apartment na ito?" Tanong ko sakanya. "Ako! Ako ang may - ari ng apartment. Bakit mo ako gustong makausap?" Napakunot noo niyang tanong. Para akong tinamaan ng kidlat sa kanyang sagot. Siya ang may - ari ng apartment? Anu si James dito? "Babe bakit antagal mo naman jan!" Tawag ni James sakanya na sinundan siya na ang suot lang ay boxer para iplastar ang yummylicious niyang katawan pero di hamak na mas masarap yung lalaking kaulayaw ko kagabi. "Sorry babe! This woman stops by at gusto daw niya akong makausap pero hindi ko naman siya kilala." Paliwanag niya. Hindi man lang nagulat si James na makita ako. Sinadya ba niyang marinig ko sila kagabi para ipamukha sa akin na hindi lang ako ang may butas na pwede niyang pasukin? "It's okay babe! Siya yung sinasabi ko sa'yo na humahabol sa akin at siansabing boyfriend niya ako." Paglalamibing niyang sagot sakanya na hinalikan niya ang kanyang labi sa aking harapan pero ang kanyang mata ay nakatuon sa akin. Napipi akong hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. Gusto ko sanang magsalita para kontrahin siya pero para saan pa! Hinusgahan na niya at tinuldukan ang lahat. So totoo na sinadya niya ang lahat kagabi. Hindi lang niya ako pinagmukhang tanga kundi pinaglaruan niya ako. Sisiguraduhin kong balang araw siya ang hahabol sa akin pero ni katiting wala siyang makukuha sa akin. "What!" Gulat na pagbulalas nung babae na nakatitig sa akin ng masama pero ngumiti ako sa kanya. Naniwala ka naman sa manloloko mong boyfriend. Natigilan si James kung bakit ako nakangiti. Ang alam niya siguro ay mag eeskandalo ako sa pagpunta ko rito at makita silang dalawa. Never! Hinding hindi ko gagawin yan para sirain ang natitirang dignidad sa buhay ko. "Oh sorry sweetheart. Nagkakamali ang nobyo mo. Andito ako para sabihin sa kanya na 'wag siyang mag ilusyon dahil hindi ako interesado sakanya. Gusto ko rin sabihin na ang boyfriend ko ay naghihintay sa akin sa hotel ngayon. Pasensya na sa maagang pag aabala sa inyo. Hindi po mauulit!" Malumanay kong paghingi ng paumanhin kalakip ng ngiti sa aking labi. Nagulat si James na nakatitig sa akin pero isnag malupit na ngiti ang iginawad ko sa kanilang dalawa. Pagbabayaran mo ang lahat James! Tangi kong marka sa aking isipan. Ito ang una at huling maiinsulto ako ng lalaki at paglalaruan ang damdamin ko. Sisikapin kong maging isang taong pagkakaguluhan ng lahat! Isinumpa ko sa aking sarili ng lihim habang nakatitig sa kanilang dalawa. James ikaw ang luluhod balang araw pero huli na ang lahat para sa'yo. Kagat labi akong tumalikod at naglakad paalis sa kanila. Naghanap ako ng taxi na maghahatid sa akin sa airport pabalik ng Cebu. Doon ko hihilumin ang sugat sa aking puso. Pagdating ko ng Cebu ay agad kong inasikaso ang tindahan. Dahil ginawa ko itong full time at nagluto na rin ako ng mga lutong ulam, at merienda. Wala akong sinayang na oras para makabangon muli. Nakatapos naman ako pero wala sa puso ko ang paghanap ng trabaho. Gusto ko munang dumito sa bahay. Sa pagtagal ng panahon at mabilis na pagdaan ng araw ay lumaki ang aking tindahan. Naging sari sari store. Kumuha na rin ako ng makakasama ko para magbantay ng tindahan at magtakal ng mga umuuorder ng lutong ulam. Isinabay ko ang pag aaral online kung paano naman gumawa ng cake at magdagdag ng kaalaman sa larangan ng pagluluto. Baka balang araw magiging hotelier din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD