Ang Pagbabalik sa Reyalidad

1019 Words
Carl Mclaine Falcon Tahimik kong inaayos ang nga gamit namin. Nakakatawang isipin na nagpunta kami dito na walang dala, ngayon uuwi na kami na maraming bitbit. Sa totoo lang hinihintay kong magsabi siya na gusto pa niyang magstay dito. Pero hanggang ngayon, wala siyang sinasabi. Matapos kong iayos ang mga gamit namin ay tinitigan ko siya. Kinakabisado ang kanyang mukha. Baka kasi ito na ang huling beses na makikita ko siya. "Lets go?" tanong ko. Nakangiti siyang tumango at umabre syete sa akin. "Balik tayo sa susunod dito ah. " sabi niya habang naglalakad kami papuntang sakayan ng bus pamaynila. "Oo ba basta magsabi ka sa akin." sagot ko. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan itong pinisil. Hindi ko alam kung sa pagbabalik namin ay mananatili kaming ganito. Ang hirap pala ng ganito. Yung may nangyari sa inyo pero wala kayong label. Pero okay na ako sa ganito. At least, nakasama ko siya kahit isang araw lang. Habang nasa byahe ay nagkukwento siya about sa kanyang work. Sa mga pangarap niya. Pangarap niyang makapunta sa Italy. Pangarap niyang yumamaman. Pangarap niyang pumunta sa Batanes. Ako? Iisa lang naman ang pangarap ko. Iyon ang mapasaakin siya. Makasama siya habang buhay. Pero alam ko namang malabong mangyari iyon. Napakanegative ko no? Pinagmamasdan ko siya habang nakasandal ang ulo siya sa balikat ko. Hindi ko pa din binibitawan ang mga kamay niya. May pagkakataong hinahalikan ko ang kamay niya. Ninanamnam ang bawat segundong kasama siya. Hapon na ng makarating kami sa Cubao. "Hanggang dito na lang Carl. Kaya ko naman na umuwi mag-isa." sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Anong kaya? Maggagabi na. Ihahatid kita hanggang Bulacan." sabi ko. "Eh di ba sa Makati ka pa? Ano yun pagdating sa Bulacan babyahe ka paMakati?" "Hindi. Remember may bahay kami sa Bulacan. Andoon ate ko ngayon. Kaya ihahatid kita hanggang sa pinto ng bahay mo. " Kinuha ko na ang mga gamit niyang dala para wala na siyang angal pa. Medyo nagtagal kaming pumila sa may Farmers Plaza. Nakapila kami sa sakayan ng UV express na patungong Marilao. Bandang alas otso na ng gabi ng makasakay kami. Pag ganitong oras talaga ang hirap makasakay. Tahimik lang kami habang binabagtas ang patungong Marilao.  Tanging radyo lang ni manong driver ang maririnig. Nang makarating kami ng Marilao ay magkahawak kamay kaming naglalakad patungong bahay nila. Nakangiti siya sa akin habang tinuturo ang sa tingin niyang mga spots na pinagtataguan ko noon. "Siguro, nagtago ka din dito no?" tanong niya at tinuro ang poste na nasa bungad ng street niya. Kamot ulo akong sumagot. "Oo. Inalam ko kung saan ka nakatira noon eh." "Hahaha! Stalker pala talaga kita!" "Hoy! Admirer ako no!" "Letticia." kapwa kami natigilan ng makita ang isang lalaki na may dalang isang bungkos ng bulaklak at pagkalaki laking teddy bear. Parehong napawi ang mga ngiti namin. This is the reality. Napansin kong dumako ang tingin ng lalaki sa mga kamay namin. Nahiya ako kaya ako na ang kusang bumitaw sa aming dalawa. "Anong ginagawa mo dito Justin?" "I've been calling you for a hundred times. Hindi mo sinasagot." sagot ng lalaki at tumingin sa akin. "Sino ka?" tanong niya. Ngumiti lang ako. "I am just her friend." sagot ko. Tumingin ako kay Letty. "Thanks for the time Letty. Hanggang sa muli." at tumalikod na ako. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon pa. I know, duwag ako and also a jerk. Alam ko naman kasing walang puwang ang isang katulad ko sa kanya. Maswerte ng napagbigyan ako kahit isang araw. Sapat na iyon sa akin. And this time, I am really moving on na. Hindi na dapat umikot ang mundo ko sa kanya. Letticia Arceo "Carl!" sigaw ko pero hindi na niya ako nilingon pa. "Sino ba iyon Letty? Ngayon ko lang nakita ang lalaking iyon." nilingon ko si Justin. Somehow bigla na lang ako naiirita sa pagmumukha niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Napangiwi pa ako ng makita ang dala niyang red roses at teddy bear. Ugghh! Ang kulit naman ni Justin. Lagi kong sinasabi na ayoko ng red roses. Mas bet ko ang tulips at ayoko din ng teddy bear. Ice cream lang okay na. Lagi na lang ganito, pinipilit niya ang gusto niya. Just like kahapon sa hotel. "I know I'm a jerk Letty. Thats why I'm here. I want to apologize." "Ganyan ka naman eh. Always mag-apologize tapos uulitin. Ano akala mo makuha mo pa ako sa mga paganyan ganyan mo? For two years Justin, sa ganito na lang tayo umiikot. Paulit-ulit." "Please Letty. Give me another chance. Babaguhin ko lahat ang mga ayaw mo. Hindi na kita pipilitin sa mga bagay bagay." napabuntong hininga ako. "This will be the last chance Justin. Kapag nabwisit ako were off."  Carl Mclaine Falcon "O Carl? Hindi mo sinabing uuwi ka ngayon." bungad ni ate Maine ng makapasok ako sa bahay. "Biglaan lang te. May hinatid lang ako dito." sagot ko. "Sino hinatid mo? Babae ba?"  tumango ako. "Oh my! Dont tell me si Letty ang hinatid mo?!" tumango naman ako. Bigla na lang siya sumigaw at niyuyugyog ako. Kilig na kilig. "Sa wakas! Nakagawa ka na ng moves sa kanya!" Hindi naman lingid sa kaalaman ng pamilya ko ang tungkol sa feelings ko para kay Letty. Sa totoo lang, suportado nila ako. "Pero ate, hindi naman kami eh." "Ha? ano? magkwento ka nga." At iyon nga, kinuwento ko ang mga nangyari. Wala akong pinalagpas kahit isang detalye. "What?! Pucha! Nagsex na kayo?!" "Ate naman ang ingay." "My God Carl! Napakaduwag mo no? Hawak mo na siya eh. Nasa iyo na pinakawalan mo pa. Torpe, duwag, nega ay nako. Grow up Carl! Walang mararating ang pagiging duwag. Nasa iyo na siya eh. Bakit bibitawan mo pa? Wag sanang darating ang panahon na pagsisisihan mo ito. Makukuntento ka na lang ba sa isang araw? Kung kakayanin mo namang makasama siya habang buhay? Hanggang dito ka na lang ba Carl? Ano?" Hanggang dito na nga lang ba ako? Natatakot kasi ako, na sa kabila ng mga nangyari sa amin ay aayawan niya ako. Oo, duwag ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD