LETTICIA ARCEO
S.Y. 2009-2010
Second Year Highschool
FPA
"Bilisan mo ang kilos mo Letty! Kahit kailan talaga mabagal ka pa sa pagong kung kumilos!" napakamot na lang ako ng ulo nang marinig ko ang bunganga ni Mama.
Ke-aga aga parang machine gun na ang bibig niya. Ganoon siguro ang mga nanay noh? Matalak? Ganoon din ba nanay niyo?
Tumayo na ako at nagsimula ng mag-asikaso. Ngayon ang unang araw ng pasukan. Hindi ako tulad ng ibang mga estudyante na excited na excited pumasok. Ayoko talagang pumasok. Tamad na tamad ako mag-aral.
Kaso nga sabi nila ang edukasyon lang ang maipapamana ng ating mga magulang. Kaya ito kahit ayaw ko eh papasok pa din. Saka obligasyon nating mga anak na mag-aral.
Habang kumakain ako ay may kumakatok na sa aming gate.
"Letty!! Tara na!!!" sigaw ni Ange. Napasimangot ako. Tumayo na ako at binitbit na ang bag ko. Paglabas ko ay bumungad sa akin ang mukha ng bestfriend ko.
"Tara na Letty! I'm so excited!!" sabi niya at hinatak na ako. Nagsimula na kaming maglakad at halos lahat ng mga estudyante ay nakasalubong namin.
"Bakit ka ba nakabusangot diyan?" tanong ni Ange.
"Nakakatamad pumasok." sagot ko.
"Ano ka ba? Di pa ba sapat yung dalawang buwan na bakasyon? Hindi ka ba excited? Balita ko may mga transferees ngayon. Mukhang marami sila. Malay mo makakita ka ng gwapo doon!!"
"Wala ako pake. Gusto ko lang matulog."
"Tulog ka diyan? Kaya ka tumataba. Wala ka ng ginawa kung di kain-tulog. Paano ka magugustuhan ng boys niyan?"
"Alam mo bhess, kahit mataba ako maganda ako. At saka bata pa tayo. Fourteen years old lang tayo. Malayo pa ang mararating natin." sagot ko.
Totoo naman di ba? Hindi naman dapat minamadali iyon di ba?
Pagdating namin sa school ay totoo ngang maraming transferees sa aming year level. Kung noong first year kami ay isang section lang, ngayon ay dalawa na.
At mayroong isang transferee ang nakakuha ng attention ko.
Matangkad, moreno, medyo payat at malaki ang mata.
AUGUST, 2009
"Naks, ganda ng mp4 mo ah." napatingin ako kay Raymundo. Natigilan pa ako ng makita kung sino ang kasama niya.
Tamang tambay lang ako dito sa tapat ng comshop na katabi lang mismo ng school habang hinihintay magpasukan.
"Mukhang sira nga eh. May virus yata. Biglang nabura yung mga kanta." sagot ko.
Well, si Raymundo ay classmate ko na medyo may pagkaspecial. A child with special needs. Madalas mabully ng mga classmates ko pero mabait naman yan.
"Nga pala Letty, si Jose." pakilala niya sa kasama niya. Natigilan ako at napa-iwas ng tingin.
"Kailangan mong ireformat yan." sabi niya habang kinuha ang mp4 na hawak ko.
"Padadala ko na lang ito kay papa para maipaayos niya."
Jose Hipolito. Fourteen years old. Second Year section B.
Hindi ako stalker, admirer ako Hahaha!
Kinuha ko na ang bag ko nang marinig namin ang bell, hudyat na kailangan ng pumasok sa loob ng campus.
--
"Hoy! Pumasok kayo sa room dali!" sabi ng classmate naming si Eric.
"Bakit naman?" tanong ni Ange.
"May confession na nagyayari doon." so dahil may pagkatsismoso kami ng kaibigan ko ay umakyat na kami at pumasok. Doon, nakita ko si Jose nakaluhod hinihintay ang matamis na oo ng classmate kong si Ludy.
Pati yata mga taga-kabilang section ay nasa room na namin. Witnessing the confession of the century. Siguro dahil napressure si Ludy ay sumagot siya habang umiiyak. Nang tumayo na si Jose ay tumayo na din si Ludy mula sa pagkakaupo at tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.
Ano ako? Nanay niya?
Okay, ang crush ko nagconfess sa classmate ko. Medyo masakit pala.
S.Y 2010-2011
THIRD YEAR HIGHSCHOOL
FPA
Ang dating dalawang section noong second year kami ay naging isa ulit nang tumuntong kami ng third year. Marami yatang umalis ngayong taon. At ngayon ko lang narealize na.magkaklase na kami ni Jose.
May pagkakataon na nagtatabi kami ni Jose. At doon ko nakilala ng husto si Jose. May tinatago din palang libog ang lalaking ito. Sabagay, lalaki eh tapos bata pa. So syempre ako interesado ako sa mga ganoong bagay.
Usapang Libog. Ikaw kaya may mga kaibigang lalaki na halos araw-araw yun ang usapan.
Kapag binibiro ako ng green jokes eh sinasabayan ko siya. Akala niya siguro magagalit ako. Sad to say gusto ko ang mga ganoong usapan.
"May gusto ka pa rin kay Ludy?" tanong ko.
"Oo. Di naman nawala. Liligawan ko ulit siya."
"Eh di ba sinagot ka noong last year? Ano nangyari?"
"Ayun, kinabukasan nakipagbreak."
"Hahaha!! Di man lang kayo naka one week hahaha!!"
Puta. Medyo masakit.
S.Y 2011-2012
AUGUST 2011
FOURTH YEAR HIGHSCHOOL
FPA
"Letty, may sasabihin ako." napatingin kami ni Ange kay Alex. Isa sa barkada namin.
"Ano yun?"
"Alam mo bang liligawan ka ni Jose?" napatigil ako sa pagsipsip ng softdrinks sa sinabi ni Alex.
"Seryoso? Baka hot sauce yan ah."
"Oo nga. Nagkayayaan kasi kami kina Rommel kahapon. Tapos nagpaalam sa amin si Jose kung pwede ka ligawan. Eh di sabi namin pwede. "
Okay Letty. Hingang malalim. Wag masyado pahalata.
Tangina! Ang tagal kong naghintay sa araw na ito!
Ibig sabihin nakapagmove on na siya kay Ludy!
Bago mag-uwian ng araw na ding iyon ay tinawag ako ni Jose at lumabas kami ng room.
"Bakit?" tanong ko.
"Ano kasi pwede ba manligaw?" tanong niya.
Okay. Wag masyadong kiligin Letty.
"Sure. " sagot ko.
"Talaga?" tumango naman ako.
Pagpasok ng room ay agad kong nakita ang nga barkada kong babae at tila kilig na kilig. Kinuha ko ang handbook ko at binuklat ang page kung saan may calendar. Namimili na ako ng date kung kailan ko siya sasagutin.
Syempre konting pakipot muna.
At dumating nga ang araw ng pinakahihintay ko.
SEPTEMBER 15, 2011 ang araw na sinagot ko si Jose.
---
Habang mag-on kami ni Jose ay napansin ko na malibog talaga siya. Kapag magkatabi kami nararamdaman ko ang kamay niya na gumagapang. Minsan sa hita ko, minsan sa dibdib ko. May pagkakataon pa na yayayain niya ako sa cr para halikan ako. As in laplapan. Higop kung higop!
Wapakels sa mga sasabihin niyo, hindi ako pakipot at aminadong may pagkamalandi din ako.
Hindi na uso ang dalagang Filipina.
Dumating din sa puntong naibigay ko na ang Vcard ko sa kanya.
Pero habang mag-on kami pakiramdam ko ako ang nagbubuhat ng relasyon namin. Ni minsan hindi niya ako nalibre sa canteen kahit manlang fishball. Hindi na ako nagrerecess para lang may maipangpaload mamaya sa kanya. Wala daw kasi siyang pera para pangload.
Pero meron siyang pera pang Dota niya. Kapag pangkompyuter lalabas ang pera niya at pakiramdam ko nakakalimutan niya ako.
Hindi siya nag eeffort sa pag-aaral niya. Kahit tamad ako mag-aral ay marunong akong mangcomply sa mga projects. Kaya para may grades siya ay ako na din ang gumagawa ng projects niya.
Hanggang sa may nangyari sa amin. That was February 13,2012. Kinabukasan Valentines day, nagtaka ako dahil hind niya ako pinapansin o nilalapitan man lang. Andoon lang siya kasama ng kanyang barkada.
Doon ko napag-isip isip na kaya siguro ganoon ay dahil nakuha na niya ang gusto niya. Kaya kung daan daanan na lang niya ako ay ganun ganun na lang.
Kaya di ko pinatapos ang buwan ng February ay ako na mismo ang nakipagbreak sa kanya.
--
"Yung 3 years kong hinintay ay nagtagal lamang ng limang buwan. " sabi ko at bumuntong hininga.
"Saklap ng first love mo Letty." sabi ni Carl.
"Carl, gusto ko ng magkape. Sa Starbucks!" sabi ko at tumayo na sa pwesto namin sa food court.
"Starbucks talaga?"
"Oo. Di pa ako nakakapasok doon eh. Hindi pa ako nakaranas magstarbucks." at tinungo namin kung nasaan ang starbucks.