LEX LORD. Nakaupo ako sa akin opisina habang nakataas ang mga Paa. Nang biglang pumasok ang isa sa mga tauhan ko. "Nahanap ninyo ba?" tanong ko rito. "Paumanhin po boss 'yung taxi po na sinasakyan ni Maam Kara ay biglang nawala sa paningin namin," Nakatungong, sabi sa akin ng tauhan ko. "Paanong nawala? Sige na! Hanapin ninyo siya, siguraduhin ninyong hindi siya pupunta ng bar!" hiyaw ko sa mga ito. "Opo boss, masusunod po," magalang na wika nito sa akin. Napakatigas ng ulo mo babae. Humanda ka talaga sa akin oras na magkita tayo. Kuyom ang mga kamao ko ng mga oras na ito. Mayamaya pa ay may biglang kumatok sa pinto at pumasok ang isa sa pinagkakatiwalaan ko. "Kamusta? May nakalap ka na bang ibedinsiya?" tanong ko rito. "Malinis ang pagpatay sa mga magulang mo boss, kaya hindi