Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko si Lex. Kaya naman pairap akong tumingin sa lalaki. "Where are you going?" tanong nito sa akin. "Wala kang pake kung saan ako pupunta," pabalang sagot ko sa binata. Pansin kong dumilim ang mukha nito sa aking mga sinabi. Kaya naman walang pakundangan na hinila ulit ako pabalik sa itaas at dinala sa kuwarto nito. "Ano ba bitawan mo nga ako!" bulyaw ko sa lalaki. "Huwag mo akong ginagalit Kara kaya kong pasabugin ang bar na iyon na kung saan ka lagi pumupunta. Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon Kara. Oras na malaman ko na naman na pumunta ka pa sa bar na iyo ay kukunin ko sa 'yo ang hindi pa dapat makuha," pag-babanta nito. "Lex, wala kang karapatan na pagbawalan ako kahit saan ako magpunta kapag gugustuhin ko, dahil hindi naman kita asawa,