Malungkot akong pumanhik ng aking silid pagkatapos namin mag-usap ni ate Sara. Masyadong late na para magpaliwanag pa ako sa kanya. Hating gabi na pero heto pa rin ako hindi pa rin dalawin ng antok. Peste! sabay gulo sa buhok ko. Padabog akong umalis ng kama, kailangan ko ng alak. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Kaunti lang ang iinomin ko para makatulog lang ako. Naka tatlong baso na ako ng wine pero parang hindi pa rin ako tinatablan. Sa inis ko tinungga ko na na lang ang bote ng wine at tuloy tuloy na nilagok na akala mo'y tubig lang. Hingal na higal ako sa pag-inom, tiningnan ko ulit ang hawak kong wine, napangisi ako nang lahos maubos ko. "What are you doing woman?!" Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Nang tumingin ako rito ay muntik na akong mahimatay sa karisma nitong