Papasok na ako ng bahay nang marinig ko ang boses ni mama na galit na galit. At tila may kaaway ito. Biglang napatingin si mama sa akin at galit na sinugod akobsabay sampal sa mukha ko. "Ano na naman ang ginawa mo at muntik nang mapahamak ang kapatid mo?!" hiyaw ni mama sa akin. Nagulat ako at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. "Ma, puwede ba," saad ni ate Sara sabay awat kay Mama. "Walang kasalanan si Kara, nagkataon lang na nandoon din siya ng dukutin ako. Ako talaga ang puntirya nila, Ma at huwag mong sisihin si Kara," paliwanag ni ate Sara. Pakiramdam ko'y nagkaroon ako ng kakampi sa katauhan ni Ate Sara. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lamang ito. "Ma, matagal na panahon nang wala si kuya kahit ano'ng gawin natin ay hindi na siya babalik pa. Aksidente ang nangyari sa kany