"Jack akin na ang susi" tapos na kaming mag lunch at nakapag pahinga na ko at nakapag-ayos na. "Sa loob ka lang ng village mag dri-drive, miss madam" sabi niya sabay abot ng susi sa akin. Lumabas agad ako ng bahay at sumakay sa kotse. Sumakay rin si Jack at naupo sa shot gun seat. "Mag seat belt ka" utos ko sa kanya pero hindi ko na kinabit ang seat belt ko. "Hindi na kailangan, miss--" hindi na niya natapos ang pagsasalita niya ng pinaharurot ko ang kotse. "Holy f**k!" asik niya. "Sabi mo ayaw mo mag seat belt e" sarcastic na sabi ko habang patuloy pa rin sa pag papatakbo ng mabilis. Maluwag naman ang kalsada sa village na 'to kaya hindi ako masyadong nahirapan. "Mas seat belt ka na muna, miss madam!" sigaw niya. Napatingin ako sa kanya at nakakapit siya sa upuan. Hindi ko maiwasan n