Episode 18

2201 Words

Trishia Cecilia's POV "Kailagan pa ba talagang pumunta tayo dito?" iritadong tanong ni Jack habang naglalakad kami. "Kaibigan ko si Denmark kaya dapat lang na bisitahin ko siya tsaka niligtas niya rin ako" pagka-uwi naming agad akong nag-ayos para bisitahin namin si Denmark dito sa ospital. "Ganyan ka ba talaga sa mga kaibigan mo?" "Alam mo naman na ngayon lang nagdadagdagan ang kaibigan ko," gusto kong pahalagahan lahat ng kaibigan ko tulad ng ginagawa ng mag ka-kaibigan. "Alam mo kasi yan si Denmark baliw yan tulad ng kuya niya," napatingin ako kay Jack pero patuloy pa rin kami sa paglalakad. "Kilala mo ang kapatid ni Denmark?" Hindi close si Denmark at Jack at palaging napipikon si Jack kay Denmark kaya nakakapagtaka na kilala ni Jack ang kapatid ni Denmark. "Oo" maikling sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD