Trishia Cecilia's POV "Gwapong gwapo ka nanaman ba sa 'kin?" nakangising tanong ni Jack na kinailing ko. "Tumigil ka nga sa kakapuri sa sarili mo, Jack" kumakain kami ng ice cream ngayon bago pumunta sa fiesta na sinasabi ni Denmark. "Bakit kasi titig na titig ka sa akin habang kumakain ka ng ice cream?" tanong ni Jack, Tinitigasan tuloy ako." "Iniisip ko lang kung pumasok ka na kaya sa ospital. 'Di ba yun naman talaga ang gusto mo. Hindi na kita body guard o driver kaya pwede ka ng makapag trabaho bilang doctor" hindi ko na lang inintindi ang huli niyang sinabi. Kanina ko pa iniisip ang tungkol sa pagiging doctor niya. Sigurado kong marami siyang magagamot. "Ayoko na muna, gusto kong ilaan ang oras ko sayo, miss madam ko" aniya. "Malaki pa naman ang ipon ko kaya aabot pa 'to ng pang