Chapter 5 Jealousy

1711 Words
Stella * * " Nakangiti na dumungaw ako sa bintana narinig ko kasi na paparating na si Haider isang taon siya nawala naiwan lang ako mag-isa dito sa bahay. Sa pagkakaalam ko bumalik sila sa ibang bansa kung saan sila nakatira. Nawala ang ngiti ko may kasamang babae si Haider, 16 na ako ngayon ibig sabihin dalaga na ako. Pero bakit may kasama siyang babae " Huwag kang mag-alala ako ang bahala sa Luna. Aalagaan ko siya habang wala ka. " wika ng babae na sa tingin ko malapit kay Haider Malaki ang pagkakangiti kay Haider " Salamat, Abyzou. Aabutin ng isang taon ang paglalakbay ko. Kaya aasahan ko sa pagbalik ko nasa maayos na kalagayan si Stella." Wika ni Haider Tumingala siya kumaway saakin hindi ako ngumiti nakatitig lang ako nagkunwari akong walang narinig " Isa lang ang sigurado ako. May dugo akong lobo at may dugo akong bampira. Pero paano nangyari yon? Wala akong maalala. Ang alam ko lang kailangan ko mag-ingat sa oras na malaman ni Haider na may dugo akong bampira hindi siya magdadalawang isip na patayin ako. Galit siya sa bampira yon ang paulit-ulit na naririnig ko sa tuwing nag-iinuman sila. " " Stella! Baba ka dito may ipakilala ako sayo." Sigaw ni Haider " Narinig ko! Maglalayas ako sa Oras na iwan mo dito ang babae yan. Isang taon mo ako iniwan tapos pagbalik mo iiwan mo ang babaeng yan para alagaan ako? Hindi na ako bata 16 na ako kaya ko mabuhay mag-isa." Galit na sigaw ko sinarado ko ang bintana " Hindi pala maganda ang ugali ng Luna Stella. Spoiled brats pala siya. " wika ng babae " Kakausapin ko! Isang taon kasi akong nawala. " Tugon ni Haider Naupo ako sa kama ilan sandali lang bumukas ang pinto bumungad si Haider para bang gusto ko siya yakapin pinigilan ko ang sarili ko " Kailangan ko kasi manatili sa kinaroroonan ng wolf pack ko. Marami akong problema na kailangan ayusin. Nag-aaral ka kaya hindi kita pwede isama." mahinahon na Paliwanag ni Haider Naupo siya sa tabi ko hinawakan ang kamay ko " Sabi mo ako ang Luna mo ako ang future wife mo. Bakit hindi mo ako isama sa bansa na pinagmulan mo? Handa naman ako sumama Ano ang dahilan bakit kailangan mo ako itago? " Tanong ko " Kailangan ko kasi masiguro na wala kang dugong bampira. " Tugon niya " Makakalabas kana pagod ako sa school kailangan ko na magpahinga." Tugon ko nahiga ako Narinig ko siya nagbuntong hininga " Hey! Ayaw ko ng ganyan. Kausapin mo naman ako Stella." malambing na wika niya " Maghanap ka ng ibang Luna huwag ako. " tugon ko " Magpalipas ka muna ng sama ng loob. Pag-iisipan ko kung ano ang pasya ko." Wika niya Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto Bumangon ako dumungaw ako sa bintana Ubod ng lakas ako tumalon nakatayo ako na bumagsak sa lupa tumakbo ako papasok sa kakahuyan. Unti-unti naging pula ang paningin ko tumalas ang pandinig ko bumilis ang takbo ko. " Tumalon ang Luna. Tika Paano nangyari yon?" Tanong ni Mace " Hanapin nyo habulin nyo bilisan nyo. Suriin mabuti kung Anong klasing nilalang siya. " sigaw ni Haider Tumigil ako sabay talon sa ibabaw ng puno. Pinanood ko sila na tumakbo at nag-anyong Lobo " Anak! Stella! Pumunta sa mundo ng mga tao, Ikaw lang ang tanging makakatanggal ng sumpa na bumalot sa bayan natin. Napadilat ako ng may maalala ako para bang siya ang aking Ina. Paunti-unti bumabalik ang alala ko. " Bakit nandito ako sa mundo ng mga tao? Ano ang kailangan ko dito? Bakit at ano ang kailangan kong gawin para tuloyan bumalik ang alala ko? Saan ako nagmula? Ako lang ang tanging makakatanggal sa sumpa ng bayan na pinagmulan ko? Paano ko gagawin yon? Saan ako nag-umpisa? Ina! Ama! Saan ako nagmula. 8 years na kayo paulit-ulit na dumadalaw sa panaginip ko? Ano ang kailangan kong gawin?" Umiiyak na sambit ko " Stellaaaaa... Bumalik kana." Sigaw ni Haider Tumalon ako papunta sa ibabaw ng isang puno patuloy ang palipat lipat ko sa Itataas ng puno naging kulay itim narin ang buhok ko naging kulay dugo ang labi ko naging matapang ang pulang mata ko. Nanginginig ang kamay ko para bang nauuhaw ako. Patuloy ako sa pagtalon sa itaas ng puno hanggang sa tuloyan ako makalayo Nakarating ako sa kabahayan. Napapakamot ako sa ulo habang nakatitig sa magkasintahan na magkapatong sa ilalim ng puno ng mangga. Napalingon ako sa baka nag-iisip ako kung pwede ko ba bawasan ng kaunting dugo ang baka. " Baka mamatay ang baka pag kinagat ko ang leeg. Nakakadiri naman kung kakagatin ko ang leeg ng kawawang baka. Kahit sana dugo ng hayop okay lang. Pwede kaya dugo ng tao? Saan ako maghahanap? " kausap ko sa sarili ko Tumalon ulit ako pero sa ibabaw na nang kabahayan. Napatigil ako sa isang bahay may naririnig ako na sigawan. " Saklolo! Parang awa nyo na tulongan nyo ako." sigaw ng isang babae Tumalon ako papunta sa bubong ng bahay. Tumalon ako paibaba Kalmado na sinipa ko ang pinto bumungad saakin ang tatlong kalalakihan na naka mask palapit sila ng palapit sa dalaga. Sabay-sabay sila napalingon saakin napangiti ako mabilis ko nilapitan ang isang lalaki. Walang kahirap-hirap na hinampas ko siya sa leeg gamit lamang ang kamay ko agad ako sinunggaban ng dalawang lalaki mabilis ako umilag. Magkasunod na sinipa ko ang dalawang lalaki sa lakas ng pagkakasipa ko tumama sila sa pader nawalan ng malay " S-salamat! " pautal na wika ng babae Naupo ako sa upuan napatitig ako sa babae. Umiiyak siya na tumakbo saakin sabay yakap ng mahigpit Habang nagpasalamat ng paulit-ulit Nakatulogan ng babae ang pag-iyak binuhat ko siya papasok sa kwarto, tinali ko ang tatlong lalaki gamit ang komot naghanap ako ng panulat. Nilagyan ko ng sulat ang malaking karton na nakita ko sa labas ng bahay ng babae. " Huwag tularan Rapist kami. " Basa ko sa sinulat ko lumabas ako ng bahay na hila-hila ang kumot kung saan nakabalot ang tatlong lalaki Tumalon ako papunta sa bubong ng isang bahay pagtalon ko kasabay nito ang pagsigaw ng tatlong lalaki pasan-pasan ko sila na parang magaan lang na bagay palipat-lipat ako sa bubong ng kabahayan bawat bahay na madaanan ko nagbubukas ng ilaw. Tumalon ako sa harapan ng police station. Nagulat pa ang pulis sa pagsigaw ng tatlong lalaki inilapag ko ang dala ko naglakad ako palayo sa police station. Ng makalayo ako nag-umpisa ako tumakbo hanggang sa makapasok ako sa kakahuyan. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa lahat ng galit sa dibdib ko kusang maglaho unti-unting bumabalik sa dati ang paningin ko hanggang sa tuloyan nang maging kulay ginto ang buhok ko. Nakatayo ako sa malaking puno kung saan kami madalas tumambay ni Haider nakatanaw ako sa unti-unting pagsikat ng araw. Hanggang sa tumama ang liwanag ng sikat ng araw sa balat ko napapikit ako. Nararamdaman ko ang sakit sa balat ko para bang masusunog ako pero hindi ako umalis hinayaan ko na masanay ang balat ko sa sikat ng araw hanggang sa unti-unti nagiging normal na saakin ang lahat. " Anong nilalang ba talaga ako? Bakit nasasabik ako sa dugo? Bakit nagiging pula ang kulay ng mga mata ko sa tuwing kabilugan ng buwan. Bukod sa pagiging Lobo at bampira Anong dugo pa ang meron saakin? Para bang may nakasilyo pa na isang bahagi ng pagkatao ko na hindi pa lumalabas. Anong nilalang ang may mata na kulay berde? Ang daming katanungan sa pagkatao ko pero ni isa wala akong makuha na kasagutan. 16 lang ako bawat taon na lumipas palakas na palakas ako. Lumalabas narin ang pagiging bampira ko. Kagabi nakaya kong pigilan ang sarili ko na huwag uminum ng dugo. " " Stella." Naputol ang malalim na pag-iisip ko napadilat ako pagdilat ko tumambad sa mga mata ko ang mukha ni Haider bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. " Isasama na kita! Huwag kana ulit maglalayas. " Wika ni Haider " Bumalik kana sa bansang pinanggalingan mo. Hindi ako ang Mate mo hindi ako ang Luna mo Haider. 16 lang ako hindi ko nga kilala ang sarili ko. Kalimutan mo ako humanap ka ng babaeng karapat-dapat sayo. I Reje--- Hindi ko natapos ang sasabihin ko tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya " Don't you dare to reject me Stella. Naghintay ako ng matagal na panahon para sa pagdating mo. Hindi ako papayag na Iwan mo ako. Sasama ka saakin sa ayaw at gusto mo. " Galit na sabi nito Sabay buhat saakin na parang sako ng bigas. " Hinding-hindi ako papayag na iwan mo. Matagal kitang hinintay na dumating sa buhay ko. Isang beses ka lang darating sa buhay ko tapos gusto mo ereject ako. " Pagalit na wika nito " Alam ko na masama ugali ni Haider nakita ko kung paano siya magalit. Apoy ang kapangyarihan niya mabilis magalit at maikli ang pasensya. Pwes gagawin ko ang lahat para mas lalo kang galitin. Hanggang sa kusa mo akong palayasin. Sa Oras na mapatunayan ko talaga na may dugo akong bampira ako sa harapan niya iinum ako ng dugo. Sa ngayon hindi ko pa kaya mamuhay mag-isa marami pa akong hindi kayang gawin. Isa lang ang alam ko hindi ako napadpad dito sa mundo ng mga tao para mag-asawa. Hahanapin ko ang Lugar na pinagmulan ko. " Piping sambit ko " Tsk! Siraulo! Papatayin mo lang din ako sa Oras na may dugo ako ng Bampira ngayon mo na gawin papahirapan mo pa ako. " Inis na wika ko " Sinusubukan ko na alamin ang buong pagkatao mo. Kakatapos lang ng digmaan namatayan ako ng magulang. Kaya kailangan ko mag-ingat, Obligasyon ko ang protiktahan ang Wolf pack ko. Pasensya na! Huwag kang mag-alala hindi naman ako kasing sama ng iniisip mo." Mahinahon na wika niya habang naglalakad na buhat parin ako " Lol makahanap ka ng kausap. Siraulo! " Inis na tugon ko " Pwede ba kagabi pa ako nagtitimpi sayo Stella. Hindi kana bata " Galit na bulyaw niya " Alam ko bata pa ako! 16 lang ako kumpara sayo Lolo na nga kita eh." Inis na tugon ko " Arayyyy ." Gulat na daing ko hinampas niya ang pwet ko gamit ang kamay niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD