Haider
*
*
" Nahanap nyo na si Stella?" Galit na sigaw ko
" Alpha biglang naglaho si Luna kasama ang sasakyan. " Tugon ni Mace
Napamura ako hindi ko naman kasalanan kung may mga babaeng lumalapit saakin. Lalaki ako may pangangailangan At isa pa wala pa naman kami relasyon.
" Tangna! Mace paano manligaw?" Galit na tanong ko
" Aba Alpha ibang usapan na yan! Itigil mo muna pangbabae mo bago ka manligaw. Pero wala akong alam sa panliligaw Halikan mo nalang at lambingin pagkatapos ayain magpakasal. " Tugon ni Mace
" Hayst! Hindi ko naman talaga gusto ang mambabae kasalanan to ni Ryxiel pati ako nadamay sa kalokohan niya." Inis na wika ko
" Hanapin nyo si Stella ibalik nyo dito." Galit na sigaw ko
Hindi siya umuwi kagabi tangghali na wala parin.
*
*
Stella
*
*
" Huwag mo ibalik sa dati ang Lugar na to. Hayaan mo lang ganito. Pansamantala dito ang magiging ligtas na lugar para saatin. Mahirap ang kinakaharap natin princess. Sa oras na malaman ng Angkan ng Bampira at Wolf na galing tayo sa Lycan Kingdom sigurado pagtatangkaan nila ang buhay natin. Hindi pa bumabalik ang kapangyarihan ko. Hindi ako makakatulong sayo. Nag-aalala ako sayo princess mapanganib si Haider kahit na Ikaw pa ang mate niya sigurado papatayin ka niya sa oras na malaman may dugo ka ng bampira." Nag-aalala na wika ni Kuya Luther
" Kuya Luther! Sa totoo lang natatakot ako ngayon kasama na kita. Hindi ko alam kung saan kita dadalhin para maging ligtas ka. Maglakbay na kaya tayo?" Nababahala na wika ko
Nandito kami sa loob ng yungib nakaupo may beer sa harapan namin
" Princess! Gumawa ka ng paraan para mapaibig ng husto si Haider yan ang pinaka mabisang panlaban sakanya. Alam ko mahal mo siya! Kaya samantalahin mo ang pagkakataon na to para makasama siya, Ibigay mo na ang sarili mo, Nakita ko sa aking panaginip na pinalayas ka niya. Kahit na hindi kayo nagkatuloyan basta magkaroon ka lang ng anak na magsisilbing bunga ng minsan pag-iibigan nyo habang buhay mo siya mamahalin. Hindi ka rin malulungkot magkakaroon ka ng dahilan para lumaban sa buhay araw-araw. " Mahinahon na wika ni Kuya
Tumayo ako hinila ko si kuya Pinapasok ko siya sa sasakyan ilang sandali lang nasa Parking lot na kami ng mall.
Lumabas kami ni kuya sa sasakyan nakanganga si kuya namangha sa mga nakikita.
Ginala ko si kuya namili kami ng mga damit ni kuya Kumain sa mamahalin restaurant.
" Kuya pansamantala dito ka maninirahan, nabili ko ito ng nakaraan taon. Alam mo na kung paano mag withdraw ng pera diba? Kung paano mamili? Sa ngayon mamumuhay ka muna na malayo saakin. Mamuhay ka tulad ng pankaraniwang tao. Simula bukas Pag-aralan mo kung paano makibagay sa mundong ito. Saka tayo magkita pag naganap na ang sinasabi mo. " Seryoso na wika ko habang nagluluto ng pagkain
" Good! Sige ako na ang bahala. Mag-iingat ka princess. Itigil mo ang pag-inum ng dugo maaamoy yan ng mga lobo. " Wika ni Kuya
" Hindi ako uuwi! Gusto pa kita makasama gusto ko matutonan mo muna ang lahat ng gawain bahay bago kita iwan. " Wika ko
" Princess diba nag-aaral ka? " Tanong ni Kuya
" Kuya! Pag-aralan mo mabuti kung ano-ano ang pwede natin gawin sa kaharian natin sa pagbalik natin. Gusto ko magkaroon ng modern kingdom. Napag-iwanan na tayo. Ilaw na gawa sa langis parin ang nagbibigay ng liwanag saatin. Samantalang dito kuryente na. Kuya magaganda din ang tela na ginagawa nilang damit. Nag-aaral ako gumawa ng mga kasuotan. Gusto ko ng magagandang kagamitan dito. Kuya Ano sa tingin mo?" Nakangiti na wika ko
" Una! Kailangan natin paghandaan ang paparating na digmaan. Wolf at Bampira ang kalaban natin, Kahit na ayaw natin silang labanan kailangan natin ipagtanggol ang ating kaharian. " Malungkot na wika ni Kuya
" Gusto lang naman ni Ina tanggapin nila tayo, Hindi naman masama ang lahi na pinagmulan natin, Hindi naman basta-basta witch ang nakalaban nila dati. Half demon yon! Paano nila naisip na witch ang may kagagawan ng nakaraang digmaan? Ang witch at wizard ay iisa lang witch ang tawag pag babae wizard paglalaki. Gustohin ko man gamitin kapangyarihan ko Hindi maaari. Nakatuon saakin ang pansin ng anak-anakan ni Haider, Pinaghihinalaan niya na Witch ako. " Naluluha na wika ko
Lumapit saakin si Kuya niyakap niya ako ng mahigpit
" Gusto lang naman natin nakisabay sa pagbabago ng ikot ng mundo. Wala naman tayong ginagawa masama. Ihanda mo ang sarili mo sa oras na nag-umpisa ang pangalawang digmaan itatago ulit natin ang ating kaharian. Kaya gagawin ko ang lahat para matuto sa maraming bagay na makakatulong saatin kaharian. Ang kailangan mong gawin ang magkaroon ng anak kay Haider yon lang ang pag-asa natin na tatanggapin nila tayo. " Wika ni Kuya
" Nakakalongkot lang Kuya Luther. " Wika ko
" Magiging maayos din ang lahat princess." Malambing na wika ni Kuya
Hindi ako umuwi sa mansion ni Haider pero pumapasok parin ako sa school unti-unti narin nakikibagay si Kuya
Kinabukasan paglabas ko ng campus nagulat ako ng nakahilira ang mga taong lobo sa gate ng campus nakasandal si Haider sa sasakyan
Naglakad ako pagtapat ko kay Haider bigla niya ako hinila sa braso sabay kabig sa batok ko. Nanlaki ang mga mata ko sakop ni Haider ang labi ko pilit niya Pinapasok ang dila niya sa bibig ko kinagat niya ang pang-ibabang labi ko kaya malaya niya naipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko naglilikot ang dila niya Para bang may hinahanap
Hindi ko alam kung bakit ang tamis ng labi niya.
" Namiss mo ba ako? " Pang-aasar ko
" Hmmp! Amoy lalaki ka! Sino ang kasama mo nitong mga nakaraan araw? Niloloko mo ba ako?" Galit na tanong ni Haider
" Hahaha! Selos ka? Tara nagugutom na ako gusto kita isubo." Natatawa na tugon ko
Nanlaki ang mga mata ni Haider
" Hindi na ako magpapakipot pa. Magiging malandi na ako dapat bago niya malaman na may dugo ako ng kinamumuhian niya may anak na kami. Yon lang ang magiging alaala ng pag-iibigan namin. Tanggap ko na hindi kami habang buhay magsasama. Una palang alam ko na kinamumuhian niya ang dugong nanalaytay saakin. "
" Bakit namumula ka?" Natatawa na tanong ko
Pagpasok namin sa kotse agad ako Sumandal sa dibdib ni Haider
" Anong nangyayari sayo? Bakit parang ibang tao kana? Hindi ko gusto ang kinikilos mo. Ayaw ko sa babae ang katulad ng kilos mo masyado kang wild. Gusto ko ang pagiging inosente mo." Naiinis na wika ni Haider
" Ayaw nya ng wild? Pambihira pero gusto niya ang mga bayaran babae. " Piping sambit ko
Napahiya ako sa sinabi niya nanlulumo na lumayo ako nag umpisa magmaniho ang driver umayos ako ng upo
" Kailangan ko na mabuntis sa lalong madaling pahanon! Hindi pwede magtagal kami dito sa mundo ng mga tao. Kailangan ko mabuksan ang lagusan pabalik sa kaharian na pinagmulan namin. Kailangan maibalik ko si Kuya sa kaharian namin. Hindi pwede magtagal si kuya sa mundong ito kung wala siyang taglay na kapangyarihan baka ikamatay niya. Mabilis tumanda ang mga tao." Nababahala na sambit ng isipan ko
" Hey! Bakit ang lalim ng iniisip mo. kanina pa kita kinakausap." Wika ni Haider
Napalingon ako kay Haider bakas ang pag-aalala sa mukha ko
" May problema kaba? " Tanong ni Haider
" Sorry kung naging mapangahas ako! Simula ngayon hindi na ako lalapit sayo.." Malungkot na tugon ko
Habang nasa byahe kami hindi ko na kinausap si Haider para kasing sasabog ang ulo ko sa dami ng iniisip
" Galit ka naman? Itim na naman yang buhok mo." Wika ni Haider Pagdating namin sa Mansion
Naglakad ako papasok sa kwarto ko Kumuha ako ng blanket. Lumabas ako ng Kwarto ko naglakad ako papunta sa mini bar Kumuha ako ng Red wine gumawa ako ng portal papunta sa gitna ng kakahuyan naupo ako ilalim ng puno nakabalot ang blanket sa katawan ko habang nagtutungga ng alak
" Paano ko mapapagana ang ibang kapangyarihan ko? Paggawa lang ng portal ang alam ko bukod sa pagbuhay sa Patay. Nagiging malakas na ang Pagiging bampira ko dahil sa ginamot ko si Kuya. Kaya nagkaroon ng Itim buhok ko dahil sa paggamot ko kay kuya.
Natigil ang malalim na pag-iisip ko ng marinig ko magsalita si Haider
" Bakit naglayas ka naman! Alam mo bang nag-aalala ako sa tuwing umaalis ka?" Pagalit na tanong ni Haider nagpalit anyo siya bilang tao hubot-buhad siya Tinanggal ko ang blanket sa katawan ko Tinapon ko sakanya binalot niya ang kanyang katawan naupo sa tabi ko inagaw ang Alak na iniinum ko
" Kilan kapa natutong uminum?" tanong niya sa mahinahon na boses
" Pasensya kana kung pinag-alala kita. Gusto ko lang nasayin ang sarili ko na malayo sayo. Hindi ako karapat-dapat sa isang maharkikang tulad mo. Isa lamang akong mababang nilalang. I Am Stella I reject y----
Hindi ko natapos ang sasabihin ko bigla niya kinabig ang batok ko mapusok na inangkin ang labi ko
" Bakit gusto mo ako ereject? Ano naman ngayon kung mababang nilalang ka? Sa ilang araw mong pagkawala napagtanto ko kung gaano kita kamahal. Hindi ko na nga kaya mabuhay na wala ka! Pati sa pagtulog hindi na ako sanay na wala ka. Mahal na Mahal kita Stella. Pakasal na tayo. Tatanggapin kita kahit Anong nilalang kapa. " Halos pabulong na wika niya
" Mahal mo ako. Pero hindi mo alam ang buong pagkatao ko? Balang araw ikaw mismo ang kikitil sa buhay ko. Balang araw kamumuhian mo din ako. Balang Pati sa alaala mo buburahin mo ako. Kaya ngayon pa lang Kalimutan mo na ako." Garalgal na tugon ko
" Sino ka nga ba Stella? May naalala kanaba? Sabihin mo kung sino ka pakilala ka saakin? Hindi naman mahalaga kung sino ka! Ang mahalaga Mahal kita. " Pagsusumamo niya
Yumuko lang ako para bang ang bigat ng dibdib ko hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Gustohin ko man sabihin kung sino ako pero natatakot ako na kamuhian niya ako. Gusto ko pa magkaroon ng anak sakanya. Gusto ko magbunga ang minsan pag-iibigan namin. Kahit na hindi ko siya makasama habang buhay.
Umiiyak ako habang nakayuko.
" Alam ko pinipigilan mo ang sarili mo na mahalin ako. Kahit na pinapaselos kita wala kang pakialam. Stella hindi ako nanbabae! Simula ng makilala kita hindi na ako tumingin sa ibang babae. Pinagseselos kita baka sakaling marinig ko ang isang salitang Gustong-gusto ko marinig. Mahal na Mahal kita Stella Please pakasal na tayo. " Pagsusumamo niya nakaluhod na siya sa harapan ko may nakabukas na box lumuliwanag ang laman niyon na sing-sing natatamaan ng sinag ng buwan
Luhaan na tumingin ako kay Haider umiiyak ako habang nagsasalita
" Stella ang totoong pangalan ko. Hindi pa ako handa para sabihin kung ano ang lihim sa pagkatao ko. Pero isa lang ang sinisiguro ko sayo. Hindi kami masamang nilalang. Katulad nyo rin kami naghahangad ng kalayaan at masayang kaharian. Uulitin ko hindi kami masamang nilalang. Hindi ako masamang nilalang, Sana sa Oras na malaman mo kung sino ako sana matanggap mo parin ako Sana kung mawala ako Sana Hanapin mo ako. Kung dumating ang araw na kamuhian mo ako sana kahit sa Alaala mahalin mo parin ako." Umiiyak na wika ko
" Sana sapat na ang pagmamahal na nararamdaman ko para matanggap ka ng buong-buo. Hahanapin kita kahit saan ka magpunta. Kahit na abutan pa ng ilang daang taon. Matagal naman ang buhay ng mga katulad natin. Hindi tayo tulad ng mga tao na hindi nga umaabot ng isang daang taon ang buhay. Kaya marami akong panahon para mahanap ang nag-iisang babaeng nakatadhana saakin. Please merry me Stella." Nakangiti na tugon niya
" Yes." Tipid na tugon ko
Nagulat ako sa biglang umalingawngaw sa paligid ang malakas na alolong ng mga Lobo
" Yes ba ang sagot mo Mahal?" Gulat at hindi makapaniwala na tanong ni Haider
Tumango ako bilang tugon niyakap niya ako