Kabanata 1

1693 Words
Pagdating ko sa mansiyon ng mga Salvacion ay kaagad na sinimulan ko ang aking trabaho. Kaedad ko lamang ag bunsong anak nilang si Anandale. Mas kilala siyang si Miss Ann at kasalukuyang kolehiyala. Mayaman ang pamilya nila. Halos sakop ng buong angkan nila itong lugar namin. May kamalditahang taglay si Donya Rufina ganoon din si Don Joselito kaya pinagbubutihan ko ang aking trabaho. Malimit sa akin ang magkamali dahil katumbas nu’n ay ang kaltas sa aking suweldo. Ang panganay nilang anak ay si Agustus na nagma-manage ng ibang negosyo nila. Gustuhin ko mang mag-aral subalit malayo ang bayan. Matanda na rin si lola at hindi ko siya kayang iwan doon sa amin. Mahal din ang matrikula kapag nasa kolehiyo na. Mahihirapan akong suportahan ang sarili ko at si lola kaya mas pinili ko na lang na magtrabaho para kahit papaano’y makatulong. Pinupunasan ko ang malaking bintana ng mansiyon na gawa sa glass. Maingat at sinigurado ko na walang makikitang ni isang alikabok dahil mapapagalitan ako kapag nagkataon. “Carmila,” tawag sa ‘kin ni Linda. Nilingon ko naman siya at nginitian nang tipid. “Bakit?” “Ang seryoso mo naman diyan. Mamaya ay pupunta kami ng bayan pagkatapos ng trabaho. Pista sa karatig barangay natin kaya maraming mga nakakaaliw na palaruan. Tiyak na magugustuhan mo roon. Gusto mong sumama?” tanong niya. Nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko at umiling. “Pasensiya ka na Linda. Alam mo naman si, Lola ‘di ba? Ayaw na ayaw niyang ginagabi ako sa daan. Lalo pa at medyo liblib ang daanan papunta sa amin. Panigurado kasing mag-aalala siya sa ‘kin,” tanggi ko sa kaniya. “Ay, sayang naman. Sa bagay kahit ako matatakot talagang umuwi sa inyo kapag gabi na lalo pa at walang kuryente. Wala ba kayong balak na lumipat dito sa purok-sais? Malaki naman ang lupain niyo rito ah,” usisa niya. “Alam mo naman ang Lola ko, hindi iyon kayang mamuhay sa maingay na lugar. Hindi rin iyon sanay sa mga modernong kagamitan ngayon. T’saka okay na rin iyong nandoon kami tahimik at nakapagtatanim siya ng mga gulay niya. Mas nagkakaedad mas maganda ring nasa bukid siya at malayo sa ingay ng mga sasakyan. Hirap iyon makatulog kapag maingay,” sagot ko. “Oo nga pala, mas gusto nu’n ang ingay ng mga kuliglig sa gabi. Pero sa day off mo puwede ka namang gumala ‘di ba? Sige na, gumala ka naman. Maraming mga paninda roon na baka maibigan mo tapos murang-mura. Hindi ba mahilig ka sa ukay-ukay? Alam mo may tagdi-diyes sila roon,” aniya. Naeksayt naman ako sa turan niya. Sa susunod na araw na ‘yon. “Marami ring mga ulam na panindang paniguradong mapapabili ka sa mura. May mga tanghalan doon na sobrang nakakaaliw. Maraming pakulo kaya paniguradong mag-e-enjoy ka,” dagdag niya pa. Napangiti naman ako. “S-sige, pero magpapaalam muna ako kay, Lola. Sana payagan niya ako,” sagot ko. Pumalakpak naman siya sa kagalakan. “Papayag ‘yon, t’saka kasama mo naman ako eh. Kilala na ako ni, Lola. Maaga naman kaya paniguradong papayag ‘yon. Maraming lalaki rin doon, Carmila baka may matipuhan ka at ng magkanobyo ka na rin,” tudyo niya sa ‘kin. Napailing naman ako. “Sige na, kung papayagan ako ni, Lola ay pupunta ako sa inyo nang maaga. Mga alas-siyete ng umaga para hindi ako gabihin pauwi at baka ako’y hindi na makauulit pa,” saad ko. Tumawa naman siya. “Sige Carmila, talagang tinigil ko ang pagkukusot ng panty ng Donya para puntahan ka. Sasabihan ko na rin si, Meling at Lina. Paniguradong matutuwa iyon,” aniya at umalis na. Naiwan naman akong nakangiti at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi man lang tumagal ay pumasok na si Miss Ann. “Ano’ng nginingiti-ngiti mo riyan? May nakakatuwa ba sa pagiging ultimong katulong?” tanong niya. “W-wala po,” sagot ko. Umirap naman siya at sumandal sa mamahalin nilang couch. “Kuha mo nga ako ng juice, iyong fresh orange juice ha. Pagawan mo na rin ako ng egg sandwich,” wika niya. Tumango naman ako at pumunta na sa kusina para sabihan si Meling. Kaagad na sinunod naman niya. Hindi kami magkandaugaga rito kapag nandito sila. Mas naaawa nga ako sa mga kapwa katulong ko rito lalo na ang naa-assign sa kusina. Halos araw-araw pinupuna ang ginagawa. Hindi naman kami makareklamo dahil trabahante lang kami. Kahit papaano ay malaki-laki na rin ang tatlongdaan at limampo na sahod kada araw. Kada akinse at katapusan ng buwan ang sahuran namin kaya hindi na rin masama. Malaki na rin ang tulong nito lalo sa amin ni lola. Si Lola naman ay naglalako ng mga gulay niya kaya nakakapagipon pa rin ako kahit papaano. Bandang alas-singko ng hapon ay nagmamadali na akong maglakad pauwi. Malapit ng mag-agaw ang liwanag at dilim. Kapag ganito ay kinakabahan na ako dahil sa mga asong umaalulong. Minsan nga ay pakiramdam ko ay may sumusunod sa ‘kin. Nu’ng minsang ginabi ako ay pakiramdam ko lumulutang ako sa hangin. Minsan nakikita ko si lola na may dalang sulo at itim na sarong habang naghihintay sa ‘kin kaya napapanatag ang loob ko. Binilisan ko ang aking hakbang at napahinga nang malalim nang makalabas ako sa masukal na kakahuyan. Kailangan kong daanan iyon. Walang sino mang nagtakangkang pumunta rito sa amin lalo na’t gabi na dahil sa takot. Maski ako nga ay takot pa rin sa bandang doon. Nakita ko si lola na nagpapakain ng mga alagang manok niya. Kaagad na nagmano ako sa kaniya. “Kaawaan ka ng Diyos.” Napatigin ako sa lumang orasan at alas-singko kuwarenta y singko na pala. “Pinahirapan ka na naman ba ng anak ni, Donya Rufina?” tanong niya. Umiling naman ako at ngumiti. “Hindi naman Lola,” sagot ko. “Hindi mo na kailangang magkaila, alam kong masama talaga ang ugali ng batang iyon noon pa man. Hayaan mo apo, ang taong mapagtiis ay may naghihintay na malaking grasya. Ang taong mapanghusga ay paniguradong madidisgrasiya,” aniya. Natawa naman ako. Pumasok na kami sa loob ng kubo at maghahanda na rin ako ng hapunan namin. “Carmila, tila may gusto kang sabihin sa ‘kin,” aniya. Pinunasan ko ang aking kamay nang matapos hugasan ang bigas at isalang. Dinagdagan ko pa ng panggatong at nang hindi agad maapula ang siga ng apoy. Umupo ako sa lumang upuan at nginitian siya. “Wala yata akong maitatago sa inyo eh,” biro ko. “Apo, mahalagang alam mo kung ano ang iniisip ng isang tao. Nang sa ganoon ay alam mo kung ano ang intensiyon nila. Sa panahon ngayon marami ang nagbabalat-kayo. Mahirap magtiwala dahil ang pagiging mabuti ay hindi na inuugali. Ginagawa na nilang maskara para itago kung ano ang totoong pakay nila sa isang tao. Titigan mo ang mga mata nila at malalaman mo,” saad niya at ngumiti sa ‘kin. Napakunot noo naman ako. Hindi ko maintindihan ang ipinapahiwatig niya. “Maiitindihan mo rin ang lahat pagdating ng panahon. Sige na, sabihin mo na sa akin.” “Si, Linda po kasi inaaya akong pumunta ng karatig barangay natin kasi may pista. Kaya sabi ko ay magpapaalam muna ako sa ‘yo,” sagot ko. Tiningnan niya ako at tinanguhan. “Talaga po?” nakangiti kong tanong. “Carmila, huwag mo sanang mamasamain ang paghihigpit ko sa ‘yo. Walang problema sa akin kung may araw pa. Huwag ka lamang papagabi at hindi ko maipapangako sa ‘yong mapoprotektahan pa kita. Matanda na ako at unti-unti na ring nawawalan ng lakas. Paubos na ang oras ko,” wika niya. Kaagad na parang nilakumos naman ang puso ko sa narinig. “Huwag po kayong magsalita ng ganiyan, La. Mabubuhay ka pa nang matagal. May awa ang Diyos at alam ko pinagpapala niya ang mga taong mabuti ang puso,” sagot ko. Nginitian lamang niya ako nang tipid. “Carmila, may mga bagay na hindi mo maiintindihan sa ngayon. Bata ka pa at natatakot akong baka maligaw ka ng landas. Kaya’t habang nabubuhay ako ilalaan ko ang lahat sa ‘yo. Ang mga anino ay nakapaligid sa ‘yo. Naghihintay lang ng pagkakataon na sunggaban ka. May mga bagay na hindi nakikita ng normal na mata. May mga bagay na mas nakatatakot pa sa mga buhay. May pagkakataon ka pang lumaban kung buhay ang kalaban mo. Pero ang patay na nagpapakabuhay ay wala kang kawala. Wala kang takas at paniguradong hindi ka maliligtas nino man,” wika niya. Kaagad na kinilabutan ako sa sinabi niya. “Magdala ka ng rosaryo sa bulsa mo at sili iyong hinog. Ang kasamaan ay walang pinipiling oras. Kapag may tumitig sa ‘yo, titigan mo rin. Huwag mong ibababa ang tingin mo hangga’t hindi sila ang unang umiwas. Huwag kang papagabi bukas at mag-enjoy ka rin. Minsan ka lang makapag-day off sa trabaho mo. Bumili ka rin ng mga gusto mo. May naitago akong pera riyan para sa ‘yo. Kumain ka ng mga pagkaing gusto mong kainin,” dagdag niya. Kaagad na gumaan ang pakiramdam ko. Minsan talaga si lola ay binabaliw ang katinuan ko. Minsan nga ay nagigising ako nang madaling araw na wala siya sa tabi ko. Makikita ko siyang umiiyak sa harap ng altar niya at nananalangin. Minsan sinasabayan ko rin siya. Tinapos ko na ang paghimay ng malunggay at nang maluto ang kanin ay nagsalang na rin ako ng tubig sa kaldero. Noodles na chicken at lalagyan ko ng malunggay. Mag-iihaw rin ako ng isdang tuyo. Si Lola naman ay lulutuan ko ng purong gulay dahil natatakot akong baka magka-UTI ulit siya. Masiyadong mahilig kasi sa maalat noon. Bandang alas-siyete ay handa na kaming matulog. Sa sobrang pagod ng katawan ko ay nakatulog na. Naalimpungatan ako dahil si Lola ay napansin kong nakahawak sa aking ulo. May binibigkas siya at umiiyak. Sobrang inaantok naman ako sa tuwing may lumalabas sa bibig niya. “Oh Dios! Mantén a Carmila alejada de cualquier daño. Daré mi vida. Mantenlo fuera de las manos del enemigo. No dejes que el diablo se apodere de ti. Tener compassion!” “Perdóname por mi pecado.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD