(Dominic) I WAS heading my way somewhere when I unexpectedly saw my sister’s car heading somewhere. May kung ano sa akin na parang bumulong na kailangan kong sundan ang kapatid ko. She ended up parking her car in front of the huge building of Camilo Food Corporation. Napakunot-noo ako sa palaisipang biglang sumagi sa utak ko. Anong ginagawa ni ate Jiselle sa lugar na ‘to? May investment ba siya sa business na ‘to? Is she a shareholder of this huge company? Hindi ko inasahan ang susunod kong makikita, literal na natigilan ako nang ilang sandali. Si ate Jiselle na malambing na hinahaplos ang pisngi ng isang lalaki at hindi ito bastang kung sinong lalaki lang! Natatandaan kong ito yung lalaking kasama ni Haylee noon sa hospital! Pagkatapos ng paghaplos sa mukha, niyakap pa ni ate ang lalaki