(Dominic)
I was totally moved and stunned seeing for the second time around the woman who helped me when I met an accident few weeks ago! I couldn’t seem to say or utter any word, I just found myself endlessly staring at her pretty face.
Naalala ko pa, kahit masakit pa’t kahit parang hindi pa kaya ay pinilit ko pa rin ang sarili kong bumangon at tumayo saka lumabas ng kuwarto para habulin ang babaeng ‘yon noong araw na ‘yon. ‘Ni hindi ko man lang kasi natatanong pa ang pangalan niya!
Iika-ika ako sa paglalakad habang hawak ang braso kong may mga galos nang makita ko ang likod niyang naglalakad. “Miss, sandali lang-“
Natigil lang ako sa paghabol nang makitang may sumalubong na lalaki sa kanya. Sandali silang mukhang nag-usap at pagkatapos ay marahang hinaplos ng lalaki ang maganda niyang buhok saka naglakad na sila sa elevator para bumaba at malamang ay para lumabas na sa hospital na. Tumabi ako at nagtago para hindi na niya makita pa ang pagsunod ko.
May boyfriend siya… Malamang! Sa ganda niyang babae, natural may magmamahal at may magmamahal sa kanya! I just sighed sa naisip ko. Akala ko pa nama’y nakahanap ako ng love life sa aksidenteng nangyari sa akin… but sadly, pag-aari na pala siya ng iba.
Looking the same woman now, hindi pa rin natakpan ng nude niyang make-up ang kanyang natural na inosenteng dating. Her red dress just made her so sinfully sexy, damn it! Her now curly hair made her look bold and daring and alluring. She looks like an angel but an angel on her sexiest she could be!
Leonor never mentioned to me that her friend, actually, looked as gorgeous as this! Ang sabi lang niya, brokenhearted ngayon ang kaibigan niya dahil nagloko ang fiancé nito at sa best friend pa talaga ng napakagandang babaeng ito. Naalala kong bigla ang mukha no’ng lalaking umakay dito noon sa hospital. ‘Yon ba ang tinutukoy ni Leonor na lalaking bumasag sa puso ng babaeng ito? Ha! Gago naman pala 'yon, eh! Tanga lang ang mananakit sa damdamin ng anghel na nasa harapan ko ngayon!
“You must be Dominic?” she asked naively.
Marahan akong napangiti. Talaga nga namang kahit ayusan pa ng pagka-daring-daring ang babaeng ito, mangingibabaw pa rin talaga ang softness nito sa mahihinhing palang na mga kilos at malumanay na pagsasalita nito.
Tumango ako sa tanong niya. Hindi ko maiwasang pakatitigan ang kanyang mga mata. Naaalala man lang kaya niya ako? Naaalala man lang ba niyang ako yung minsang lalaking tinulungan niya sa aksidente sa daan…
“And you are?” Sa wakas, matatanong ko na rin ang kanyang pangalan.
Nag-iwas siya. “Haylee.”
“Nice meeting you, Haylee.” I extended my hand for a hand shake.
Matagal na nasa ere ang palad ko, naghihintay ng pagtugon niya samantalang siya’y nakatitig lang doon. Ibababa ko na sana dahil alam kong mabibigo ako pero hindi ko pa man nagagawa’y tinanggap na niya’t nakipagkamay nga nang tuluyan sa akin. Malambot ang kamay niya, kasing lambot siguro ito ng puso niya…
Hindi nagtagal naupo na kami sa dining table na naghihintay sa amin saka kumain. Napansin ko ang katahimikan niya, mukhang hindi siya mapalagay. ‘Ni hindi nga niya nagagalaw ang alin man sa mga pagkaing nakahain sa harapan namin.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko.
Tumango siya. “Oo.”
“Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, wala ka bang gana?”
“Medyo busog pa kasi ako.”
Hindi na ako nagsalita, nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang hindi inaalis ang mga mata ko sa kanya. I just really couldn’t take my eyes off of her.
“Ang tahimik naman ng atmosphere, kung gusto mo pupuwede kang magkuwento sa akin.”
“Wala akong ikukuwento sayo,” she said straightforwardly while she couldn’t look straightly into my eyes.
Napangiti ako. Suplada pero napupukaw niya ang interes ko. “Kung gano’n ako na lang magkukuwento sayo. Ganito kasi ‘yon, a few weeks ago I met an accident on a road but there was a wonderful woman who never hesitated to rush me to the hospital and she had been there, she never left me until I got conscious again. I wasn’t able to ask for her name nang umalis kaagad siyang hindi ko man lang naitatanong kung anong pangalan niya, but now guess what? I already knew her name.” Nilapit ko mukha ko sa mukha niya, mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko ngayong nakikita ko ang pagiging mailap niya. “Haylee. She’s Haylee.”
Natataranta siyang tumayo at lumayo mula sa akin. “I’m sorry, sorry pero hindi ko na kaya ‘to.”
Ngumisi ako at amused na tinitigan siya.
“Uhm, honestly, this isn’t really my thing. Hindi ako nakikipag-blind date at na-set up lang ako ni Leonor, but I just can’t continue this anymore,” she explained, bothered.
Tumango-tango ako. “I know. Alam kong sinet-up ka niya para sa blind date na ‘to para kahit papaano, makalimutan mo ang sakit na kasalukuyan mong pinagdaraanan. Finding out that your boyfriend for five years who happens to be your fiancé at the moment is, actually, cheating on you for your own best friend? Napakasaklap nga naman.”
(Haylee)
Everything’s not getting comfortable. Pakiramdam ko’y matutunaw ako habang kasama at kaharap ang lalaking ito dito. He’s physically attractive. Sa itsura’y wala akong anumang maipipintas, mukha siyang artista. Sa tindig at height niya, wala rin akong masasabi kundi tunay na tunay siyang lalaki. Sa pananamit, he’s only wearing a white t-shirt, a black pants and a white rubber shoes, casual lang pero sobrang madating siya. He’s ruggedly handsome. Alam mo yung tipong parang maangas tingnan pero yung lambot ng ekpresyon ng mukha niya parang ang bait at napakaamo, ganoon na ganoon si Dominic Herrera!
Kung sa ibang pagkakataon siguro o kung ibang babae lang siguro ako, matutuwa akong kasing gwapo at kasing kisig niya ang ka-date ko, but knowing who he is and my terrible purpose for this date? Hindi ko kaya! Nakakakonsensya!
“Finding out that your boyfriend for five years who happens to be your fiancé at the moment is, actually, cheating on you for your own best friend? Napakasaklap nga naman.”
Kung alam lang niya, kung alam lang niyang ate mismo niya ang dahilan kung bakit kailangan kong pagdaanan ngayon itong sakit na kailanma’y hindi ko pa nararanasan sa buhay ko! I wanted to shout it out to his face na ang ate Jiselle niya ang best friend ko na ka-affair ng fiancé ko pero hindi ko magawa! Walang anumang lumalabas mula sa bibig ko.
Wala na akong sinabi, tinalikuran ko na lamang siya dahil aalis na ako. Akala ko kasi’y dahil sa sakit at galit ay kaya kong mandamay ng taong walang alam sa tunay na nangyayari pero hindi pala, hindi ko pa rin pala talaga kaya. This man doesn’t know anything about me nor about his sister’s affair with a supposed marrying man, and I just can’t involve him nor use him for my revenge!
“Teka sandali, Haylee!” Agaran niya akong hinabol at hinawakan sa braso kaya awtomatiko akong napatigil.
Para akong nakukuryente sa pagdampi ng balat niya sa braso ko kaya kaagad kong winaksi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. “Bitawan mo ako!”
Thank God, he did. Hindi ko siya matingnan sa mga mata niya. Ang mga mata niya’y malalalim at pakiramdam ko’y tinititigan niya pati buo kong pagkatao sa paraan ng mga tinging ipinupukol niya sa akin. Sobrang nadi-distract ako sa presensya niya!
“Where are you going?” he asked.
“Aalis na, uuwi. Hindi ko na ‘to kaya. Alam mo, I’m sorry, sorry for bothering you.” I had penny chances for taking a glance on him while I’m talking, talaga lang na hindi ko kaya patagalin ang mga mata ko sa mga mata niya dahil napapaso talaga ako. “Alam kong napilitan ka lang din na pumunta rito at pumayag sa blind date na ‘to dahil hindi ka makatanggi kay Leonor, but- but you can, actually, go now. Let’s just stop this. Tigilan na natin ‘to.”
“Paano kung sabihin kong gusto ko na ‘to ngayon at nag-e-enjoy na ako sa set-up na ‘to?” he challenged. “Oo, aaminin kong no’ng una napilitan lang ako dahil pinilit lang ako ni Leonor, but upon seeing you as my date tonight? Gusto ko nang e-enjoy ang moment na ‘to.”
“Hi- hindi mo kasi naiintindihan, eh.” I just can’t deceive you, use you nor involve you just to get even to your sister!
Tinalikuran ko ulit siya ngunit kaagad siyang humarang sa harapan ko.
“Kung gano’n, edi ipaintindi mo sa akin. Kung ano man ‘yang sinasabi mo, sabihin at ipaintindi mo sa akin nang maintindihan kita at nang hindi mo ako kailangang iwanan ng basta-basta na lang dito. Besides, sayang naman itong pina-prepare na dinner date para sa ating dalawa ni Leonor, ‘diba? Siguradong hindi birong halaga ang ginastos at binayad niya rito. She really extended effort para mag-click tayong dalawa tapos lalayasan mo ako ng gano’n-gano’n na lang? Isipin mo naman si Leonor, Haylee.”
Napaiwas ako. Kung alam mo lang ang totoong pakay ni Leonor kung bakit siya nakikipagkaibigan sayo! Kung alam mo lang!
Umiling ako’t nilagpasan ulit siya. Lumabas ako ng balkonahe at pagkalabas ay ang suite na kung saan ako inayusan ni Leonor kanina. She’s not here anymore.
“Haylee, sandali. Sandali lang—“
Hindi ko na pinakikinggan o pinapansin ang pagsunod ng lalaki sa akin basta tuloy-tuloy na lang ako hanggang sa pinto ng suite. I really have to get out of here, of this place, away from this clueless man!
Pagpihit ko ng seradura ng suite, umigting ang panga ko. Damn? It’s freaking locked! Pinilit-pilit kong buksan ang pinto pero ayaw talaga!
“Haylee…” sambit ni Dominic sabay buntong hininga.
“Don’t come near me.” Iminuwestra ko ang kamay ko para manatili lang siya sa dalawang metrong layo niya sa akin.
Pinilit ko ulit na pihitin ang seradura. Ano ba ‘to?! I know, I know pakana na naman ito ni Leonor! She wouldn’t lock this door without any purpose! I just need to get out of here right now!
“Kahit anong gawin mo, you won’t really be able to open that door lalo’t kapag sa labas ka mismo pinagsaraduhan ng pinto para ikulong dito sa loob,” pasimpleng pahayag ni Dominic saka prenteng naupo sa gilid ng kama.
Tiningnan ko siya ng masama. “Hindi ka man lang nabo-bother na kinulong tayong dalawa dito sa loob at hindi natin pareho alam kung kailan tayo makakalabas?!”
He just smiled sexily. “Why would I be bothered? We’re on a date kaya okay lang sa akin. Usually, people on dates love to spend over night to be together.”
Kinilabutan ako sa sinabi niya. Seriously, ganoon talaga ang expectation niya sa set-up date naming ito?! Hindi man lang ba siya kinikilabutan o ano?!
“Leonor convinced me on going for this date and she said it’s because you are lonely and you need somebody to comfort you. Now, here I am, I am willing to comfort you all night long. Wanna take revenge and rebel against your unfaithful fiancé? Here I am, use me. Tinulungan mo ako ng walang pag-aalinlangan noon kaya hayaan mo akong tulungan kita ngayong paligayahin at kahit sandali’y makalimutan mo ang sakit na dinudulot sayo ng fiancé mo…”
Is he even aware of what he’s saying?! Pakiramdam ko mali talaga siya ng iniisip sa akin! For pete’s sake, I didn’t come here to seek for comfort from the man I rarely know and mostly, I didn’t come here to get laid for a night just to forget or rebel! Hindi ako ganoong klaseng babae!
He started removing his wristwatch as well as his t-shirt. Nilapag lang niya ang mga ‘yon sa bedside table at lalo akong kinilabutan sa lagkit na ngayon ng pagkakatitig niya sa akin. Yes, he is, indeed, a man that every woman who would dream of getting laid on ‘cause everything about him seems perfect. Ngunit iba ako! Kahit kita ang katawan niyang hubad at nasa pefect places ang mga abs niya, hindi ko kayang gawin ang iniisip niyang gagawin namin ngayong gabi lalo na ang ini-expect ni Leonor na magagawa ko ngayong gabi kasama ng lalaking ‘to. I maybe brokenhearted, but I’m not a b***h who would crave for s*x just because there’s this hot half-naked man in front of me!
He extended his hand to invite me to bed. "Come here, Haylee…"
Umiling ako. Naitakip ko ang aking mga braso sa aking dibdib. Kung anuman ang iniisip niya, hinding-hindi ko 'yon magagawa!
Ngumisi siyang mukhang inaakalang naglalaro lang ako o nagpapa-hard to get para mas maging mainit lalo ang gabi sa pagitan namin. I hate him for thinking that way to me and I hate him for thinking I am that kind of woman just because I'm brokenhearted!
"Sige. Ako na lang pupunta sayo… You really want it this way? Sige." Tumango-tango siya at tumayong muli para lapitan ako.
He tried to tenderly touch my cheek pero agaran kong iniiwas ang mukha ko!
Sinubukan muli niyang hawakan ang kabilang pisngi ko naman ngunit iniiwas ko pa rin ang mukha ko!
"Huwag kang matakot sa akin. Iingatan naman kita, eh. I promise, I'll take good care of you with complete gentleness…"
"Huwag!" Nangingig kong pigil sa kanya nang tangkain niya akong hawakan sa balikat ko.
He smirked. Sinandal niya ang kanyang siko sa pader sa may tabi ng ulo ko. He was obviously cornering me.
"Know why women often end up disappointed after going on a blind date with me that dates like this never worked on me?" he asked seductively and huskily.
I just stared at his deep-seated eyes.
"It was because hindi ko sila mapagbibigyan sa mga gusto nila sa akin. Women always wanted same thing from me, and that's I, sleeping with them. Hindi ko magawa. I couldn't just go on a date and sleep with every woman I went on a date with, pero ngayon?" Mas lumagkit lalo ang pagkakatitig niya sa mga mata ko pababa sa labi ko. "Ngayon gusto kong subukan sayo… Gusto kong ituloy 'to. Gusto kong ibigay sayo yung tanging kahilingan ng mga babae sa akin kapag nakikipag-date sila. Gusto kong gawin 'yon sayo, Haylee…"