(Leonor) PAPATULOG na ako at magbi-beauty rest na sana nang biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Haylee. Napangisi ako ng malaki, alam kong hindi ‘to tatawag ng ganitong oras kung walang nangyari o kung wala siyang anumang kailangan. “Yes, my dear Haylee?” “Leonor, nasaan ka?” Napatingin ako sa cellphone ko at napataas ang kilay. Oh, tunog umiiyak! Exciting! “Uhm, nasa bahay ko na, eh. Papatulog na nga sana, sa katunayan. Bakit? Ano bang nangyari? May problema ka ba? Wait, you sound crying…” Hinaluan ko ng drama, pag-aalala at simpatya ang aking boses. “Are you crying?” “Pasensya ka na. Naabala ba kita?” “Ah hindi naman, ayos lang, Haylee. Ngayon sagutin mo na yung tanong ko, bakit ka umiiyak?” “Nag- naggo-grocery ako kanina tapos- tapos hindi ko inaasahang mak