MACRESH ISANG pares ng nanlilisik na mata ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa opisina ni Sir Jem. Alam ko naman na kung bakit dahil bago ako pumasok dito ay nakita ko si Zeiah na may bangas ang mukha. Sabi ni Kheil ay pagkarating na pagkarating ni Sir Jem ay agad na pinapasok doon si Zeiah at lumabas na lang na putok na ang labi. “Good–” “What so good in the morning, Ms. Lopez?” seryosong usal niya na ikinabahala ko. “Wala naman po lalo na po kung kunot ang noo ninyo,” saad ko at napangiwi dahil bigla kong nakita ang galit at iritable nitong mukha. “You have the guts to joke around? After you disobey my rules?” usal nito at mabilis na tumayo sa upuan niya. “Are you enjoying my punishment too much, that's why you always disobey me?” tanong nito habang naglalakad papalapit sa a