MACRESH “HELLO? Tapos ka na sa trabaho?” tanong ko sa kan’ya nang masagot ko ang tawag. “Yes, I’m looking now at the woman that I love here in my car,” usal nito na ikinagulat ko. “Nasaan ka?” marahan kong tanong sabay tingin sa paligid kung nasaan ang kotse niya. “Your right side, love. Come here,” saad nito. Mabilis akong tumingin sa sinasabi nito bago marahan akong naglakad papunta sa right side ko. Nagpalinga linga ako doon at hindi naman ako nabigo na mahanap iyon lalo pa at nagpailaw ito ng head light ng kotse. Naglakad ako papalapit doon habang siya naman ay lumabas at agad akong sinalubong ng isang yakap. Hindi ko alam pero bigla akong naluha dahil sa yakap niya. “Kinakabahan ako…” usal ko na parang nagsusumbong sa kan’ya. Naramdaman ko naman ang kamay nito sa likod ko na