MACRESH MATAPOS kong mailapag sa table ni Sir Jeremiah ang whiskey niya ay nagpaalam ako rito about sa pagpunta ko ng restroom dahil nanlalagkit ako. Malamang dahil ba naman sa ginawa nito sa akin. Mabuti na lang at hindi na ako nito tinanong ba. Tumango lang ito kaya naman mabilis kong ginawa ang pagpunta ng banyo. Habang tinitignan ang sarili ko sa salamin ay bahahyang hinihilot ang mga braso at balikat dahil sa pag-iipit ni Sir Jeremiah sa akin ay hindi sinasadyang nasagi ko ang parte ng balikat ko na kinagat niya. "Aray…" mahinang daing ko. Bago ko tignan ay muli kong pinindot dahilan kaya muli akong napadaing. Halos nanlumo naman ako nang makita kong namumula at nangingitim ang parte na kinagat nito kanina. Hindi dapat makita nila nanay itong balikat ko lalo na si tatay kung hi