Nang makapasok sa eroplano ay binati kami ng dalawang flight attendant katulad ng pagbati nila sa iba pang pasahero. “Welcome aboard, ma’am and sir.” Ani ng isang flight attendant. Nginitian ko lamang ito habang si Lance naman ay dumire-diretso sa pagpasok. Tinapik ko ang bandang balikat ni Lance. “Ang rude mo, Lance. Kahit ngumiti ka man lang sana.” Wika ko. Tuloy lang siya sa paglakad pero nagsalita siya. “I won’t waste my smiles to any other woman except for you. Ikaw ba siya?” Aniya. Namula ako sa sinabi niya. Nagsalita ito ulit. “Tinatanong kita. Ikaw ba siya?” Tanong niya habang tuloy lang kami sa paglakad habang nasa likod niya ako. Ngayon ko lang namalayan na hawak pala niya ang kamay ko. “Hindi,” sagot ko. Napakagat ako sa aking labi. He caressed my forearm using his thumb