Chapter 4

1055 Words
Sumapit ang Sabado at nag-empake na ako. Uuwi kami ng Wednesday morning nila Katie. Sakto raw na nag-promo ang travel agency na pagmamay-ari ng kaibigan niya kaya kinuha na niya ito. Pinili ko ang mga bikinis na isusuot ko dahil gusto kong maramdaman na kahit papaano ay kaakit-akit pa rin ako. Pagkatapos akong tawagan ni Katie noong isang araw ay sa araw ko rin na iyon tinext si Liam na sasama akong mag-out of town kina Katie. Tumagal ng tatlong oras bago niya ako ni-replyan at sinabing, “Sige. Enjoy.” Mas lalo ko lang naramdaman na kailangan ko munang magpakalayo at magpakasaya sa sarili ko. Naluluha ako dahil hindi ko na maramdaman ang asawa ko. Tumawag si Katie at sinabing nasa labas na raw sila at hinihintay ako sa tapat ng bahay. Lumabas silang dalawa ni Brenn mula sa kotse at sinalubong nila akong dalawa. “Baks!” Niyakap ako ng mahigpit ni Katie. “Baks, ito pala si Brenn, boyfriend ko. Brenn, si Alena, best friend ko.” “Hi, Alena. Nice meeting you.” Inilahad ni Brenn ang kamay niya at nakipagkamay naman ako. “Nice to meet you din, Brenn.” Ngiti ko sa kanya. “Ako na, mukhang mabigat ang dala mo.” Hinila ni Brenn ang maleta ko at ipinasok sa trunk ng sasakyan. Tinusok ko naman ang tagiliran ni Katie habang busy si Brenn. Kinilig naman ang bruha. “Mahilig ka talaga sa naka eyeglasses at mukhang mabait, ha.” Pabulong kong sabi kay Katie. “Alam mo naman ang mga tipo ko, baks.” Umalis rin kami kaagad at dumiretso sa airport. Umabot ng isang oras at kalahati ang direct flight namin. Nang makababa sa plane ay tila ba may napansin akong pamilyar na likod ng lalaki na nakasakay namin sa plane. Natabunan siya ng mga nakasakay namin hanggang sa hindi ko na siya mahagilap. Nagkibit-balikat na lang ako. Marahil ay namalik-mata lang ako. Nakarating din kami sa wakas at dumiretso sa hotel kung saan kami nagcheck in online. “Grabe! Nakakapagod ang byahe pero sulit!” Wika ni Katie. “Magpahinga muna kayo ni Alena, babe.” Suhestiyon ni Brenn habang pinapasok ang mga maleta nila. Itinabi ko naman ang maleta ko sa tabi ng isang kama. Sigurado kasing magkatabi sila sa isa pang kama. “Katie, okay lang ba kung lumabas muna ako?” Iniangat ni Katie ang ulo niya at tumingin sa akin. “Baks, anak ba kita para magpaalam ka pa? Go and enjoy the day!” Ngumiti lang ako saka na ako lumabas. Naisipan ko lang munang maglakad-lakad at baka sakaling may makita akong tanawin. Malapit na rin mag-sunset. Nagsisibalikan na ang mga tao sa kani-kanilang mga hotel pero may mga ilan pa rin na nasa labas. Suot ko na ang bikini kong navy blue pero naka-shorts ako na maong at see through na pang-itaas. Sakto naman na hawak ko ang phone ko at naisipang kuhanin ng picture ang magandang tanawin ng dagat. Naalala ko bigla si Lance. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Naisipan kong tingnan sa contacts ko ang number niya. “Balak mo ba akong tawagan?” Halos mapatalon ako sa gulat nang matakpan ako ng anino ng taong nasa likod ko. “Lance?!” Hindi makapaniwalang sambit ko. “Sino pa ba?” Aniya. Katulad ng una naming pagkikita ay presko pa rin ang awra niya. Naka-plain na sando top ito na parang T-shirt na walang sleeves at sobrang laki ng butas sa sides nito. Naka athletic shorts rin ito. Sumisigaw talaga ng danger ang katauhan niya para sa akin. “Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?” Natawa ito na labas sa ilong. “At bakit ko naman gagawin yon? Ikaw lang ba ang pwedeng mag-out of town? Nasaktuhan lang siguro na nagkita tayong muli. O baka fated talaga tayong magkita ulit, diba?” Ngiti nito. “Nakita na kita kanina sa plane. Ang kaso busy kang kausap ang kaibigan mo kaya hindi na kita nilapitan. Sigurado naman kasing pareho lang ang destinasyon natin.” Napakagat ako sa aking labi nang i-emphasize niya ang salitang destinasyon. “Nakita ko naman na may balak kang tawagan ako ngayon kaya sakto rin ang dating ko rito sa spot mo.” He crossed his arms. “Bakit mo ako gustong tawagan?” Napaiwas ako ng tingin. “Gusto mo akong makausap, ‘no?” May bahid ng pang-aasar ang kanyang boses. Tinusok niya ako sa tagiliran. “Ano ba.” Iwas ko sa kanya. “Dali na. Bakit gusto mo akong tawagan?” “Wala napatingin lang ako sa number mo. Wala naman akong balak kausapin ka o tawagan.” “As if I’m going to believe that. Alam ko namang gusto mo akong tawagan. Here I am.” He spread his arms at nagpameywang. “Ako lang mag-isang pumunta rito. Gusto ko kasing maranasang mag-travel mag-isa. Ang sarap pala sa pakiramdam. Parang achievement,” dagdag pa niya. Napangiti ako sa sinabi niya. “See? Mas maganda ka lalo kapag nakangiti ka.” Tama na siguro ang pagpapakipot. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Sadyang hindi ko lang siguro akalain na komportable siya agad na kausapin ako kahit hindi naman namin kilala ang isa’t isa. “Pasensya ka na sa inasal ko,” wika ko. Tumingin ako sa dalampasigan. “It’s okay. Naiintindihan ko naman.” Cool niyang sabi. “Teka, nasaan ang kaibigan mo?” “Iniwan ko muna sila sa hotel na tinutuluyan namin. Gusto ko lang munang lumabas at magpahangin.” Hindi nagsalita si Lance kaya napatingin ako sa kanya sa likod ko. Hindi ko alam na sobrang lapit niya pala sa akin at halos magdampi na ang likod ko sa kanyang dibdib. “Alam kong may hinahanap ka.” Aniya. Napakunot ang noo ko at humarap sa kanya. “Ha? What do you mean?” “Alam kong naghahanap ka ng makakausap.” Napangiti na naman ako. Pakiramdam ko mayroon kaming weird connection na tanging kami lang ang nakakaramdam at nakakaalam. “What if oo?” Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. “Then, nandito ako para makausap ka. Let’s talk about anything. Just you and me.” Dahil doon, pakiramdam ko ay attractive ako. Pakiramdam ko ay valuable pa rin ako. I just stared at him with a hint of seduction on my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD