Ikinasal sina Katie at Brenn a week after ng huling pagkikita namin ni Liam. Sinurpresa ni Brenn si Katie sa kanyang paguwi at nagpakasal sa lalong madaling panahon. Naiyak ako noong ako na yung magbibigay ng speech noong nasa reception na. Naiyak rin si Katie sa speech ko kaya lumapit siya sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Magkapatid ang turing namin sa isa’t isa kahit hindi kami pareho ng magulang. She will always be my best friend until we grow old. Pinayuhan ko rin si Brenn na alagaan ang best friend ko. Maraming beses nang umiyak si Katie sa mga lalaki na nakilala niya noon. At alam kong hindi siya pababayaan ni Brenn. Alam kong aalagaan niya si Katie at hindi sasaktan. Pagkatapos ng wedding kinabukasan ay naisipan ko nang magpaalam sa kanilang mag-asawa para bumalik na ako ng