Chapter 2

1065 Words
“Alena, hindi naman sa kinakampihan ko ang asawa mo, ah. Alam mong ikaw ang kaibigan ko at kahit anong mangyari, ikaw at ikaw ang papanigan ko.” Wika ni Katie. “Alam ko naman na hindi ka nag-totolerate ng mali, Katie. Pero ganon kasi ang nararamdaman ko. Wala na siyang oras sa akin. Palagi na lang siyang busy sa trabaho. Naaalala niya lang ako kapag may event siyang pupuntahan o kaya naman gathering. Doon lang niya ako kilala at sinasama.” Paliwanag ko. Nagsalin ako ng sinigang sa isang bowl para ilapag sa mesa. Kumuha ako ng isa pang bowl para sa akin at sinalinan rin iyon ng sinigang. “Sa totoo lang, ha. Hindi sa jinu-judge ko ang asawa mo. Gwapo si Liam, may pinag-aralan. Mabait at ibinibigay ang mga bagay na kahit hindi mo hingin ay kusa niyang ibibigay sayo. Pero yung age gap ninyo kasi, baks. Kumbaga, tapos na siya sa ganyang stage. Tapos ikaw papunta pa lang. Pero hindi din naman din kasi masusukat sa ganon.” “Iyon na nga,” wika ko sabay patong ng isa pang bowl ng sinigang sa mesa. Umupo ako na katapat ni Katie. “Hindi naman nasusukat sa edad, at hindi rin nasusukat ang pagmamahal sa kung gaano karami ang nabigay mong materyal na bagay. Hindi ko maramdaman na mahal ako ni Liam. Palagi na lang kaming nag-aaway. Hindi ko lang kinikwento kasi nagbabaka sakali akong magkakaayos. Pero habang tumatagal… hindi ko na kaya yung pakiramdam na parang nag-iisa lang ako sa marriage namin.” “Ang tanong, naibibigay mo rin ba yung makakapagpasaya kay Liam?” “Katie, sumasama ako sa kanya sa mga events na pinupuntahan niya kasi masaya siyang ipakilala ako sa mga kakilala niya. Nagluluto naman ako at naglilinis sa bahay. Ginagawa ko ang mga gawaing bahay dahil ayaw niya akong magtrabaho kasi kaya naman niya akong buhayin at dahil iyon ang gusto niya. Kung alam mo lang, Katie. Lahat ng gusto niya sinusunod ko. Hindi rin ako nagkukulang sa sexy time naming mag-asawa. Lately na lang talaga na hindi na namin magawa dahil puro kami away. Kapag sinusubukan kong gawin, sasabihin niya pagod siya. Saan ako lulugar?” Napabuntong hininga na lang si Katie. “Oh, anong plano mo niyan?” Tanong niya. “Hindi ko alam…” “Hindi ko rin alam ang sasabihin ko kasi hindi ka naman makakalabas ng basta-basta sa pinasok mong buhay may asawa. Di bale sana kung magboyfriend at girlfriend pa lang kayo. Pwedeng pwede kang kumalas. Ang kaso, habang buhay na kasi yang pagkatali mo kay Liam. Ano kaya kung magpa-counseling kayo?” “Hindi yon papayag. Sasabihin niya lang na hindi naman ganon kalala ang misunderstanding namin.” Tinitigan ako ni Katie at hinawakan ako sa kamay na nakapatong sa mesa. “Ipagsdadasal ko na sana maging maayos na kayo. Basta gawin mo lang yung mga bagay na ginagawa mo bilang asawa. Ipagdasal mo rin na umayos na kayo.” Tumingin ako kay Katie at tumango na lang. Umabot pa si Katie ng tatlong oras na kwentuhan tungkol sa kanyang bagong boyfriend na si Brenn at ang kanyang negosyo na mga beauty products. Ako at twenty-five years old pa lang katulad ni Katie. Magkaibigan na kami simula pa noong high school. Alam ko rin ang mga dumaan na lalaki sa buhay ni Katie at ganon rin siya sa akin. Para na kaming magkapatid dahil sa closeness na mayroon kami. Nagkakilala kami Liam sa isang hotel noong nagtatrabaho pa ako bilang Front Desk Receptionist dalawang taon na ang nakakalipas. Kasama niya ang mga kaibigan niya doon dahil pinag-usapan nila ang tungkol sa business na gusto nilang ipatayo. Doon nagsimula ang lahat hanggang sa humantong sa kasalan. Nagustuhan ako ng mga magulang niya. Narinig ko pa nga sa ina niya na maganda raw ako at magandang lahi ang maibubunga namin. Hindi naman ganoon ka-strict ang mga magulang niya. Mababait silang lahat pati na ang tatlo pa niyang kapatid. Si Bella, Benedict, at Loreen. Propesyonal silang lahat at kahit kinakausap nila ako ng maayos ay hindi ko pa rin ramdam na welcome ako sa kanila. Hindi ko iyon sinabi kay Liam dahil ayokong magdamdam siya dahil kapatid niya ang mga iyon. Ako na lang mag-isa sa buhay. Ordinaryo lang naman ang pamumuhay namin noon pero masaya. Umabot pa ng isang oras si Katie saka na siya nagpaalam umuwi. “I-lock mo ang mga bintana at pinto, ah. Huwag kang magpapapasok ng kahit sino. Sige na. Mag-ingat kahit nasa bahay ka lang.” Nagyakapan kami ni Katie at tuluyan na siyang umalis. Hinugasan ko ang mga pinagkainan namin at nang matapos ay sumandal ako sa tabi ng lababo. Pinagmasdan ko ang kusina habang may hawak akong tasa ng green tea. Inalala ko ang mga panahong masaya pa kami ni Liam. Hindi kami mapaghiwalay. Harutan kami kahit saan dito sa loob ng bahay. Sobrang alive ng bahay kahit na kami lang dalawa. Ang dami naming gustong gawin. Nakaplano. Pero hindi pa namin nakakalahati ang mga iyon. Tumingin ako sa kaliwa ko, ang sala. Nagkaroon ng bagong kasosyo sa business si Liam na kaibigan ni Kiko. Isa sa mga kaibigan at kasosyo ni Liam si Kiko. Palagi silang may meeting simula noong nakilala ni Liam ang kaibigan ni Kiko. Magkakasama pa rin naman silang magkakaibigan. Iyon ang sabi sakin ni Liam. Naniniwala naman ako. Lumakad ako papunta sa pantry kung saan namin inilalagay ang mga food namin. Binuksan ko ang pinto at mukhang kailangan ko nang mag-grocery. Halos si Liam ang gumagastos sa lahat ng pangangailangan sa bahay. Hindi niya alam na may side line ako na online-based. Ayoko rin kasing palaging umaasa sa kanya. Itinulog ko na lang ang nangyari ngayong araw at kinabukasan ng ten ng umaga ay naisipan ko nang mag-ayos para lumabas at pumunta sa supermarket. Nang makarating sa supermarket sakay ng taxi ay kumuha ako ng cart pagkapasok ko sa loob. Nagpunta ako sa aisle ng canned goods at kumuha ng iilan. Pumunta ako sa aisle ng toiletries at kumuha ng napkin at tissue. Ililiko ko na sana sa family planning aisle ang cart ko nang mabangga ko ang kasalubong kong cart. Sa lakas ng impact ay napaupo pa ako sa sahig. “Ayos ka lang, miss ganda?” Tanong ng isang lalaking matipuno. Inilahad niya ang kamay niya sa akin at napatitig ako sa kanya. Mukha siyang trouble-maker.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD