Humiga si Lance sa tabi ko at itinungkod ang kanyang kamay sa side ng ulo niya. Nakapatong naman ang isa pa niyang kamay sa tiyan ko. Nakatapal lang kaming pareho ng kumot. “Kailan ang uwi ni William sa Manila?” Tanong ni Lance sa akin habang nilalaro niya ang kaunting hibla ng buhok ko. “Hindi ko alam. Nasa Cebu pa rin siguro siya hanggang ngayon sa La Consolacion hotel kasama sina Mr. Sevilla and others.” Sagot ko. Tumahimik saglit si Lance pagkatapos ay nagsalita rin. “Paano kung bumalik na siya sa Manila at hanapin ka?” He asked again. Walang bahid ng lungkot o kung anong emosyon si Lance nang itanong niya iyon. Para bang nagtanong lang siya ng simpleng tanong. Gusto kong maramdaman niya yung lungkot kapag hindi na kami pwedeng magkita pang muli. Gusto kong maramdaman rin niya yung