Kinabukasan, gamit ang naipon kong sweldo sa pagsi-sideline ko ay hindi ko na pinag-isipan ng malalim ang pag-book kong muli sa El Nido. Nagpunta ako sa isang travel agency para magpa-assist ng booking sa mismong araw na iyon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at gusto kong pumunta muli doon. Marahil ay doon ko naramdaman ang peace noong nandoon ako kasama si Lance. Hinahanap ng isip ko ang payapang lugar kung saan pwede kong hindi isipin ang aking mga problema. Hindi ko na inabala pang isama si Katie dahil mas gusto kong magpunta na ako lang mag-isa. Busy rin siya lately sa shop kaya ayoko nang abalahin pa siya. Marami na siyang iniisip at ayoko na muna siyang abalahin. Bumalik ako sa bahay para mag-empake ng mga gamit. Dinagdagan ko ang mga dala ko dahil gusto kong libangi