Kinabukasan, hindi na ako nagsayang pa ng oras para lakarin ang dapat kong lakarin. Pagkatapos ko sa post office ay dumiretso ako sa bangko para mag-withdraw ng pera. Nagpunta ako sa hotel na pinagta-trabahuhan ko para ibigay ang aking resignation letter. Nagulat sina Venice nang iabot ko iyon kay Sir Andrew. Hindi na nagulat si Sir Andrew. Para bang inasahan na niya ito. Tinanggap niya ang resignation ko at nakiusap na kung pwedeng huwag na akong pumasok. Nagpasalamat ako kay Sir Andrew dahil he got it covered. Bumalik akong muli sa apartment para iligpit ang mga damit at gamit ko sa aking maleta. Nang matapos ay sumakay ako ng grab at nagpunta sa isang travel agency. “Miss, may byahe ba pa-Siargao?” tanong ko agad pagkapasok ko sa travel agency. “Iche-check ko lang po, ma’am,” wika ng