Napagpasyahan kong hintayin na lang sa pag-uwi si Liam. Mas maganda kasi kung masabi ko sa kanya ang mga gusto kong sabihin sa personal. Hindi ako sigurado kung magiging maayos ang ending ng usapan namin pero tama si Katie. I have to talk to him kung gusto kong maayos pa ang marriage namin.. O kung tatapusin na. Siguro sa pagbalik niya ay mas handa na akong sabihin ang lahat. Ngunit hindi pa lumipas ang isang araw ay dumating na siya kaagad sa bahay. Ilang oras pa lang bago ako nakauwi galing sa shop ni Katie. “Liam? Akala ko doon ka muna sa inyo mag-stay?” Tanong ko sa asawa ko habang nagva-vacuum ako sa sala. Dumiretso si Liam sa kwarto na para bang may nakalimutan na kung ano. Dinaanan niya lang akong nakatayo dito sa sala na parang hangin. “May kukunin lang ako.” Tipid niyang sago