MY PARTE SA puso ni Daisy na hindi pa rin niya matanggap ang ginawa ni Hugo sa kaniya. May parte namang tanggap at ayos lang sa kaniya. Ilang linggo na nang makipaghiwalay ang asawa niya dahil lang sa maling akala nito. She tried to ran and approached him pero talagang matigas ito. Gustuhin man niyang matanggap, ngunit sakit na sakit pa rin siya. She loved her husband, now her ex. Kung hindi nga lang siya takot magpakatiwakal, matagal na niya iyong ginawa kaysa maramdaman ang sakit na dulot ng ginawa ni Hugo. Baka sa mga susunod na araw, matatanggap din niya ang katotohanang hindi talaga sila para sa isa't-isa.
"Iniisip mo na naman ba siya?"
Natigilan na lang siya sa malalim na pag-iisip nang marinig niya ang tinig na iyon. Hindi niya namalayan na may nakatayo na sa harap niya habang magkakrus ang mga braso nito sa harap ng dibdib at tila'y naiinis sa inakto niya. It's Jamilla, her bestfriend since elementary.
"Sinong siya?" kunwari ay walang alam niyang tanong sa kaibigan.
"Huwag nga ako, Daisy!" ani Jamilla at umupo sa upuang nasa harap din niya at ngayo'y pinagigitnaan na nila ang desk niyang punong-puno ng mga papel. "Kitang-kita ko kung paano mo iniisip ang walang hiyang ex mo. Tigilan mo nga ako. Bakit mo pa ba iniisip ang lalaking iyon? He broke up with you without knowing na bakla ang kasama mo. You know, matagal ko na itong naisip pero ngayon ko lang ibubulgar. I think, hindi ka niya talaga mahal..." lintaya ni Jamilla habang nakatitig sa kaniya.
Nagpakawala siya ng hangin sa kaniyang bibig. "That's not true, Jamilla. Mahal ako ni Hugo at nangako siya sa akin sa harap mismo ng altar. Nandoon ka kaya alam kong narinig mo ang mga pangako niya. Hugo loved me... he promised me that he wouldn't leave me pero parang nakalimutan niya iyon. Mahal ako ni Hugo, dala lang ng s—"
"—ng selos kaya niya nagawang makipaghiwalay sa iyo? Naku, tigilan mo nga ako riyan, Daisy. Huwag kang magpakabobo ngayon. Hindi talaga nagseselos ang lalaking iyon... hindi ka lang niya talaga mahal. Sabi mo nga, hindi niya inalam kung sino ba ang lalaking kasama mo. Sana'y inalam niya muna bago siya nakipaghiwalay sa iyo!"
Hindi kaagad siya nakaimik ng mga oras na iyon. My punto naman si Jamilla pero parang sa tingin niya'y sumusobra na ito. Hindi na lang niya papansin ang mga sinabi nito dahil baka pagmulan lang ng gulo o eskandalo ang gagawin niya.
"Ano nga pala ang ipinunta mo rito?" pag-iiba niya ng usapan.
"Oo nga pala. Binyag ng anak ko sa Linggo, iniimbitahan kita at isa ka sa magiging ninang. Ayos lang ba iyon sa iyo, Daisy? Huwag kang tumalikod dahil naalala ko iyong pangako mo noon sa akin na magiging ninang ka ng magiging anak ko."
Oo nga pala, naalala niya iyon. Bahagya siyang nakaramdam ng inggit, inggit na kailan ma'y hindi niya ginawa sa tanang buhay niya. Si Jamilla, kakaanak lang ilang buwan ang nakalipas tapos siya, hindi man lang nalalamanan ang tiyan niya. Hindi naman siya baog para hindi magka-anak. Nawa'y dumating ang panahon na magkaroon din siya ng sarili niyang anak.
"Oo naman, ayos lang sa akin," nakangiti niyang sagot dito.
"Thank you talaga, Daisy. Hindi ba't may catering service kayo?"
Tumango siya. "Oo, bakit?"
"Sakto, kayo na lang ang kukuhanin ko. Pag-usapan na lang natin iyan bukas kasi naghihintay na ang asawa ko sa labas. Pupuntahan pa namin ang mga ninong at ninang ng anak namin. Aasahan kita sa Linggo, ha?"
"Oo naman! Huwag ka nang umasa dahil talagang dadalo ako. Mag-ingat kayo."
"Sige, bye na. Ingat ka rin!"
Nginitian lang niya ang kaibigan kaya umalis na ito. Nang makalabas ito sa opisina niya, malalim siyang napabuga ng hangin sa bibig saka tumayo sa kinauupuan at umunat sandali. Malapit na nga pa lang maggabi at uuwi na rin siya mamaya. Bibisitahin niya pa ang papa niya sa Laguna. Imbis na mamaya, ngayon na niya napagdesisyunang umuwi. Inayos niya ang lamesa at mga gamit niya bago lumabas. Nang makalabas, kaagad niyang hinanap si Nicole. Nakita niya ito na nagse-serve sa isang customer. Matapos nitong mag-serve, sinenyasan niya ito dahilan para lumapit ito sa kaniya.
"Bakit po, Ma'am Daisy?" tanong nito sa kaniya.
"Aalis na ako, ha? Kayo na ang magsara nitong restaurant. Pupunta pa kasi ako sa papa ko."
"Ah, sige po, ma'am."
Tumango lang siya at naglakad na palabas ng kaniyang restaurant. She went in the parking lot kung saan nakatigil ang kotse niya. Nang marating niya iyon, kaagad siyang pumasok at parang pagod na hinawakan ang manibela ng kotse niya. Huwag sana siyang madisgrasya katulad ng nangyare nitong nakaraang araw. Kamuntikan na siyang makabangga ng bata dahil malalim ang iniisip niya. Gustuhin man niyang hindi mag-isip, pero ayaw talaga makisama nitong utak niya. Sa daming iisipin, bakit si Hugo pa?
Napairap na lamang siya at galit na pinanggigilan ang manibela. Kapagkuwan ay pinaandar na niya iyon patungo sa Laguna, ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaroon ng isip.
"BASED ON MY investigation, ang lalaking nakausap ng asawa mo nitong nakaraan ay bakla. He's Joshua Lacson at nang magtanong ako, close talaga silang dalawa. Ayan lang ang nalakap ko, Hugo."
"Bakla talaga ang Joshua na iyon?" tanong ni Hugo na hindi man lang tumitingin kay Francis, ang private investigator niya.
"Yes, bakla talaga siya at marami nang naging boyfriend."
Napatango siya. "Thank you for telling this information to me, Francis," aniya saka binalingan ito at nginitian pa kahit hindi niya gustong igalaw ang kaniyang mga labi.
"Okay, if you need me again, don't hesitate to call my number. I'm always on my phone."
"Thank you."
Tinanguan lang siya nito at umalis na sa opisina niya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang pagsisihan ang katangahang ginawa niya. Nakipaghiwalay siya kay Daisy dahil lang doon. Nais niya sanang bisitahin ang asawa niya pero nagulantang na lang siya sa nakita niya. A man hugged and kissed Daisy. Galit na galit siya rito kaya walang ano-ano'y hiniwalayan na niya ito. Kung lolokohin lang siya nito, sana'y sinabi nito noon pa kaysa magpakatanga siya. Mahal niya ang asawa niya pero nawala ang pagmamahal na nararamdaman niya rito dahil doon, dahil sa kapahangasang ginawa nito. Hindi pa rin sapat ang sinabi ng private investigator niya, wala siyang pake kung bakla man ang lalaking iyon... lalaki pa rin ito at may lawit pa rin!
"Parang gusto mo pa yatang mag-inom, ha?"
Natigilan na lang siya sa malalim na pag-iisip nang marinig iyon. Mula sa pinto, papasok doon ang isang lalaki. It's Uriel, his friend— his trusted friend!
"Ilang gabi na akong nag-iinom, ayaw kong mamatay nang dahil lang sa alak," aniya at sunod-sunod na umiling.
Uriel sat down in front of him. "Hindi ka mamamatay kung lilimitahan mo lang ang sarili mo, bro! Malapit nang magsarado ang hardware mo, o."
Napailing na naman siya. Nasa hardware siya ngayon, nasa opisina niya. Ang Ellis Hardware ay namana lang niya sa namayapa niyang papa. Ayaw niya sanang tanggapin pero kinulit siya nito kaya wala siyang nagawa, tinanggap na niya kaagad... na habang nabubuhay siya, siya ang mamamahala ng Ellis Hardware. Sikat ang naturang hardware at may ilang branch na sa Pilipinas at sa America, may isang branch naman. Nang siya ang namahala, unti-unti nang lumago at kumalat ang negosyo niya.
"Wala ako sa mood uminom, Uriel. Gusto kong humilata magdamag."
"Para ano? Para isipin ulit si Daisy? She's just a woman, kung hindi mo talaga siya mahal, maghanap ka na lang ng bago na hindi ka lolokohin. At kung ayaw mong maloko pero gustong may katalik, sa bar, maraming pokpok!" At tumawa ito na parang wala ng bukas.
Napailing na lang siya sa tumayo. "Tara na sa bar, I'll treat you!" wika niya saka naglakad na palabas ng opisina niya.
Naramdaman na lang niyang sumunod ang kaibigan niya. Natawa na lang siya dahil doon.
"I knew it, hindi ka talaga makaka-hindi sa akin, e," tatawa-tawang saad ni Uriel sa likuran niya.
"Nagbago ang desisyon ko, gusto ko na pa lang mag-inom," sambit niya.
Hindi na umimik pa ang kaibigan niya. Hanggang sa makarating na sila sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Nang makasakay silang dalawa, pinaandar na niya iyon patungo sa paborito nilang bar. Ilang linggo na siyang hindi nalalabasan kaya mag-aarkila siya ng babaeng makakatalik niya. Ito ang unang beses na m************k siya sa ibang babae. Iyong totoo ay si Daisy lang talaga ang unang babaeng nakatalik niya sa tanang buhay niya.
Halos dalawampung minuto ang byinahe nila nang makarating sila sa bar. He parked his car in the parking lot kapagkuwan ay sabay silang pumasok ni Uriel sa loob ng bar. Ang malakas na musika ang bumungad sa kaniya nang makapasok sila. Dumadagundong iyon sa kaniyang tainga. This is not new to him dahil sanay na siya sa ganitong lugar.
"See those girls?" Tinuro ng kaibigan niya ang mga babaeng nagsasayaw sa stage. They made sexy dances.
"I saw them..."
"And they made me hard," wika ni Uriel.
Palihim siyang natawa at iniwan na ang kaibigan. Hinawakan niya ang gitna niya na bahagyang tumigas dahil sa mga babaeng kung gumiling akala mo'y wala ng bukas.
NANG MAKARATING SI Daisy sa Laguna— sa bahay ng papa at dalawang nakakabatang kapatid ay kaagad niyang ipinarada ang kotse niya sa harap ng bahay nito. Bumaba na rin siya kapagkuwan at pumasok sa hindi naman kalakihang bahay. Mas pinili ng papa niyang manirahan dito sa Laguna kaysa roon sa bahay niya na nag-iisa lamang siya dahil nga nakipaghiwalay na ang gago niyang asawa.
"Papa, nandito si ate!" sigaw ni Drie, ang bunso niyang kapatid nang makapasok siya sa bahay.
"Kumusta na kayo, Drie?" nakangiti niyang tanong sa kapatid at inabot ang hawak niyang pasalubong dito.
Kaagad naman iyong kinuha ni Drie. "Ayos naman po kami rito, ate. Kayo po, kumusta na po kayo? Si Kuya Hugo po, bakit hindi niyo po kasama?" nakangiting tanong nito.
Oo nga pala, hindi pa niya nasasabi ang lahat sa mga ito. Wala pang alam ang papa at dalawa niyang kapatid na wala na sila ni Hugo. Ngayon lang din niya sasabihin sapagkat ngayon lang siya nagkaroon ng maraming lakas.
"Pag-usapan natin iyan mamaya. Tara na muna't maupo. Tawagin mo pala muna si Vince."
"Sige po, ate." Tinanguan lang siya nito saka tumalikod na.
Samantalang siya naman ay naglakad patungo sa sofa na malapit lang sa kaniya. Nang makaupo, pinatong niya ang hawak na susi sa center table at bumuntong-hininga.
"Anak!"
Nag-angat siya ng mukha at nakita niya ang papa niya. Kaagad siyang tumayo at nilapitan ito at mahigpit na niyakap. Makalipas ang ilang minuto, humiwalay na rin siya rito.
"Kumusta na po kayo, papa?" nakangiti niyang tanong.
"Ayos naman, anak. E, ikaw, bakit napabisita ka rito? Gabi na rin."
"Pumunta po ako rito para bisitahin kayo nina Drie at Vince. At may sasabihin din po ako sa inyo, papa."
"Ano naman iyon, anak? At bakit parang wala si Hugo? Nasaan ba siya, Daisy?" nakakunot-noong tanong nito.
Peke siyang ngumiti. "Puwede po bang pag-usapan natin iyan habang nakaupo?"
"Sige ba, anak."
Tinanguan lang niya ang papa niya at bumalik na sa pagkakaupo. Samantalang umupo ito sa harapan niya at napapagitnaan nila ang babasaging lamesa. Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na rin ang dalawa niyang kapatid. Umupo si Drie sa tabi ng papa niya samantalang si Vince naman ay umupo sa single sofa na nasa tabi ng center table. Ngayong kumpleto na sila, magsasalita na siya.
"May kailangan kayong malaman tungkol sa amin ni Hugo. Kung mapapansin niyo, wala siya. Papa..." Binalingan niya ang papa niya. Kapagkuwan ay sandaling tiningnan ang dalawa niyang kapatid at bumalik din sa papa niya. "Wala na po kami ni Hugo, ilang linggo na ang nakalipas..." bulgar niya habang unti-unting tumibok ang puso niya dahil sa kaba.
Kung ano man ang magiging reaksyon ng tatlo niyang kasama, ayos lang iyon dahil pamilya niya ang mga ito. Kahit masama ang sabihin ng mga ito tungkol kay Hugo, wala na siyang paki roon. 'Pagkatapos na 'pagkatapos niyang sabihin iyon, nakita niyang nag-iba ang awra ng papa niya.
"Totoo ba iyan, anak? W-Wala na talaga kayo ni Hugo? Paanong nangyari iyon? Ilang linggo na? Bakit hindi mo man lang sinabi noong panahong naghiwalay kayo? Wala akong maintindihan, anak..."
Bago sumagot, lumunok muna siya. "Napagkamalan niya po akong may lalaki, papa. Wala po akong lalaki at kaibigan ko lang po ang nakita niyang kayakap ko. It's Joshua. Kilala niyo naman po si Joshua, hindi ba?"
"Si Joshua, iyong kaibigan mong bakla?"
"Tama po kayo, papa. Nang dahil lang doon, hiniwalayan po ako ni Hugo. Wala naman po akong magawa, kahit hinabol ko na po siya, wala pa rin po akong napala. Hindi man lang niya ako pinaliwanag," wika niya.
"Gagong lalaki iyan! Huwag ko lang makikita ang pagmumukha niya dahil masasapak ko siya!" nanggagalaiting saad ng papa niya saka kinuyom pa ang mga kamao.
"Samahan na kita, papa. Hahawakan ko ang kamay niya." Si Vince na ikinatawa na lang niya.
"Kung balak niyo talagang saktan ang lalaking iyon, wala akong pake. Alalahanin niyo lang na baka magsumbong siya sa pulis at makulong pa kayo," aniya.
"Hindi ako natatakot, anak. Bubugbugin ko ang walang hiyang iyon. Papatikimin ko siya na mali ang ginawa niyang pag-iiwan sa iyo."
"Hindi ko na kayo masisisi. Pero sana'y pahupain niyo po muna ang panahon. Hintayin niyo ang tamang panahon."
"May tanong naman ako sa iyo, anak. Tanggap mo ba bang nakipaghiwalay sa iyo ang asawa mo? Sa mga mata mo, hindi ko nakikitang tanggap mo na ang lahat. Magsabi ka ng totoo."
"Kalahating tanggap at kalahating hindi tanggap. Hindi ko pa po alam kung kailan ko matatanggap pero sana'y matanggap ko na. Ayaw ko pong sayangin ang oras ko sa lalaking iyon dahil hindi na tumitibok ang puso ko sa kaniya," saad niya saka sunod-sunod na lumunok.
"Hindi mo pa kasi matanggap dahil mahal mo pa ang lalaking iyon. Tama ba ako, Daisy?"
Napamulagat siya. "Papa naman, o! Hindi naman po ganoon. Gusto ko na pong magpahinga. Dito po muna ako mananatili ngayong gabi."
"Tigilan mo nga ako, Daisy. Sige na, kakalinis lang ni Drie ang isang kuwarto roon sa itaas, doon ka na lang matulog..."
Nagpasalamat pa siya sa papa niya at nagpaalam sa kanila saka nagtungo sa kuwartong tinutukoy ng papa niya. Nang marating iyon, pasalampak siyang humiga sa kama at tinitigan ang kisame. Bukas, panibagong araw na naman para sa kaniya... panibagong araw nang pag-iisip sa ex-husband niyang si Hugo.
Ilang minuto na yata siyang nakahiga ngunit hindi man lang siya dinadalaw ng antok. Naiinis siyang umupo sa kama at kinuha ang bag na nasa kama rin at kinuha mula sa loob noon ang cellphone niya. She opened it and dialed Jamilla's number.
"Gabing-gabi na, natawag ka pa!" parang iritadong bungad ni Jamilla sa kaniya.
"Free ka ba ngayon?" tanong niya.
"Hindi, bakit mo naitanong?"
"Gusto sana kitang ayain mag-bar ngayon."
"Luh, hoy, luka, hindi na ako dalaga para sa ganiyan. Tantanan mo nga ako. May anak na ako, bakit pa ako magba-bar? Mamaya ay baka mahubaran na talaga ako, hindi na lang."
"Naalala mo pa iyon?" natatawa niyang tanong.
Nag-bar sila dati at lasing na lasing si Jamilla dahil nag-break sila ng boyfriend nito. At dahil sa kagagahan, ayon, kamuntikan nang mahubaran ito ng mga lasing na lalaki. Thank God, her father came kaya nakaligtas ito at nakauwi sila nang maayos.
"Oo naman, no. Nasa utak ko pa iyon ngayon. Bye na muna, antok na antok na ako."
"Sige, sleep tight and sweet dreams."
"Ikaw rin, Daisy. Huwag mo nang isipin si Hugo, okay?"
"Ok—" putol niyang sabi nang babaan siya ng lukaret.
Napailing na lang siya at ibinalik ang cellphone sa bag saka tumayo habang hawak ang bag niya. Hindi na pala siya mananatili rito ngayong gabi. Gusto niyang magpakalasing ngayon kaya pupunta siya ng bar mag-isa.
Naging detective ang dating niya ng mga sandaling lumabas siya ng kuwartong kinaroroonan niya. Mukhang tulog na naman ang mga tao sa bahay kaya hindi naging mahirap ang paglabas niya. Nang makalabas, kaagad niyang dinako ang kotse niya at minaneho iyon pabalik sa Manila para puntahan ang bar na palagi niyang pinupuntahan.