Chapter 21

2002 Words
    THIRD PERSON'S  POV Naglalakad sina Jasmine papasok, kung saan naroon iyong sinasabi nilang Arien. Na naging dahilan upang ma-hospital si Lhaica. Nananahimik lang siya kanina, nang sinabi ng doctor na masyadong nanghina si Lhaica dahil sa ginawang pananakit dito. Lalo pa at hindi ito nakainum ng gamot nito. Napapailing na lang si Jasmine dahil sa pagiging pabaya nito sa gamot na iniinom. Nang makapasok sila sa silid kung saan naroon si Arien, ay mariin siyang napatitig dito. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito kay Lhaica. Ngunit kailangan niyang maging kalmado at hindi magpadalos-dalos sa pagkilos. Isa siya sa nakakataas sa mafia, kaya dapat ay maging kalmado siya sa ganitong sitwasyon. "You brat!" Nakita niyang agad na sinugod ni Marissa si Arien na nakaupo at nakatali. Sinipa ito sa mukha ni Marissa, kaya bumaliktad ang upuan kung saan ito. nakaupo. Tinanguan ni Jasmine ang ilang tauhan niya, upang iayos si Arien. Akmang susugurin ulit ito ni Marissa nang hawakan niya ito. "Enough," pigil niya dito. Marahas nitong sinipa ang bagay na malapit dito at naglakad papunta sa gilid. Lumapit siya kay Arien na ngayon ay nakatingin sa akin. Bakas ang pasa sa mukha at dugo sa gilid ng labi nito. Nasisiguro niyang sinaktan rin ito ni Rhaine. Kahit hindi nito ipakita sa kanya ang takot nito, nararamdaman niya pa rin ito. Kumuha siya ng upuan at umupo paharap dito. "You must be, Arien Arellano," sabi niya dito. Napangisi siya dahil sa pag iwas nang tingin niya sa akin. "Alam mo ba ang nagawa mo?" muling sabi niya dito. "Pakawalan niyo na ako, hindi niyo dapat ito ginagawa sa akin," sabi nito habang hindi nakatingin kay Jasmine. Naramdaman ni Jasmine na balak magsalita nang kasama niya, pero pinigilan niya ang mga ito. "You know what, I can kill your whole family right now, because of what you've done," mariing sabi niya dito, na kinagulat naman ni Arien at napatingin sa kanya. Mas nilapit niya ang mukha dito at iniharap sa kanya ang mukha nito. "You know me right? I am the mafia Empress. I am the ruler of Montero Academy and Ellhaica Reyes, she's mine. I don't want someone who will hurt, what its mine," seryoso niuang sabi dito. Nakitaa niya ang takot sa mga mata nito, habang mariin niya itong tinitigan. Hinaplos niya ang mukha nito. "Dahil sa ginawa mo, nasa hospital si Lhaica. Kaya hindi ko palalampasin ang ginawa mo," sabi niya at marahas niya itong binitiwan saka siya tumayo. Napabuntong-hininga siya at pinakalma ang kanyang sarili. "Pakawalan niyo na sya at ihatid sa labas. Hinihintay na siya ng pamilya niya," sabi niya sa tauhan niya. "A-Anong ibig niyong sabihin, na nandito ang pamilya ko," nagugulat nasabi ni Arien. Bumaling si Jasmine sa kanya at walang emosyong tiningnan. "You're a daughter of one of our Alliance. We can't kill you or do something against our law. But you made a mistake that you need to pay. For now, this is just a punishment for what you did to one of my family. Hindi ka muna papasok sa Montero academy sa loob nang isang linggo. Tandaan mong mabuti, Arien, kapag sinaktan mo ulit si Lhaica o kung sino sa pamilya ko o may inaapi ka sa loob ng teritoryo ko. Kamatayan ang magiging pasura mo at maging ang buong pamilya mo," mariing sabi ni Jasmine dito. Mayamaya ay tumingin siya kay Charisse at tumango. Sabay silang naglakad palabas. Napabuntong-hininga siya, dahil sa nalaman niyang nandito na si Jhasselle ay kailangan niya itong makita. "Si Rhaine?" tanong niya kay Charisse. "Hindi ko alam," sagot ni Charisse sa kanya. "Huwag niyong sabihin kina Jayree ang nangyari. Ayokong magkaroon sila nang problema, doon sa mission na binigay ko," sabi niya at bumaling kay Marissa.. Tumango ito at iniwan sila ni Charisse, na naglalakad. "Tungkol kay Jhasselle," sabi ni Charisse. "Yeah, about her, I want to see her. Simula no'ng umalis siya, ni minsan hindi pa siya nagpakita sa akin. Lagi niya akong iniiwasan, kaya kailangan ko siyang makita. Sa susunod na natin pag usapan ang tungkol sa mga heir at hieress," sabi niya dito. Tumango si Charisse sa kanya. "Okay, maiwan na kita. Marami pa akong trabaho," paalam sa kanya ni Charisse. Tumango siya, saka siya nito tinalikuran. Naglakad na siya patungo sa parking lot.       Pasakay na siya sa kotse, nang may napansin siyag itim na card na nakadikit sa kotse niya. Tumingin siya sa paligid bago ito kinuha. Binuksan niya ito at binasa ang nakasulat dito.     You think you can protect your People? You can't. You will pay your debt, Jasmine Montero Aguilar. I will use one of your trusted people. Try to know who is, before its too late. Naging seryoso ang tingin niya at pinakiramdaman ang paligid. Wala siyang nararamdamang kakaiba. Siguro iniwan lang ang sulat na iyon para bantaan siya. Napasinghal siya. 'Sa tingin niya ba, hindi ko iyon kilala. Talagang sumapi siya sa kalaban ng pamilya ko noon,' sambit niya sa sarili. Yakuza Clan. That clan, they are like ghost. Nawala at biglang nagparamdam. Hindi niya man naabutan ang yakuza noon, na kalaban ng pamilya niya. Magiging kalaban niya na ngayon at talagang sumapi ang taong iyon doon. Natatawa na lang siya habang naiisip ang mga bagay na iyon. Kahit kailan hindi niya hahayaang may galawin ito sa pamilya niya o sa mga kaibigan. Dahil hindi siya mangingiming patayin ito kung saan man ito ngayon. Sumakay siya sa kotse ko at umalis. Nasisiguro niyang isa lang ang pupuntahan ni Jhasselle ngayon. Wala ito sa bahay nila, kaya alam niya kung saan niya ito makikita. Pinagmasdan, ni Jhassellele ang kalagayan ni Lhaica. Nakaupo ito malapit dito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon sa kalagayan nito. Lalo na noong oras na sinasaktan ito. Nakaramdam siya ng awa para dito. "Hindi ko alam Lhaica, kung bakit may awa akong nararamdaman saiyo ngayon. Dahil habang nasa malayo ako, iisa lang ang nasa isip ko. Ang pahirapan ka sa pagbalik ko. Damn this feeling," naiinis niyang sambit sa sarili at napatayo sa upuan saka siya tumalikod. "Hmm.. J-Jhasselle w-wait.." Halos mapako si Jhasselle, nang marinig niyang magsalita si Lhaica. Dahan-Dahan siyang lumingon dito at nakita niya itong pinagpapawisan na. "J-Jhasselle, 'wag, 'wag kang sumama," narinig niyang sabi nito. Mas lalo siyang nagtaka dahil sa sinabi nito. Tiningnan niya itong mabuti. Napabaling nang marahan ang ulo ni Lhaica, na tila nananaginip. Nakita rin niya ang pagdaloy ng luha sa gilid ng mata nito. "Jhasselle, wag, wag mo akong p-patayin!" muling sabi nito. Nanlaki ang mata ni Jhasselle nang marinig ito. Hindi niya aakalain na maging sa panaginip nito, makikita nitong papatayin niya ito. "Jhassellee!" Halos mapaatras si Jhasselle, nang mapaupo sa kama si Lhaica. Napapikit ito nang maramdaman ang sakit at hapdi sa sugat nito. Mabilis na lumapit si Jhasselle kay Lhaica. "Don't move, hindi pa magaling ang sugat mo," sabi ni Jhasselle dito. Napatingin si Lhaica sa taong lumapit sa kanya at nailayo niya ang sarili dito. "J-Jhasselle?" gulat niyang sabi. Napaiwas ng tingin si Jhasselle. Wala sa sariling kumuha ng tubig si Jhasselle at binigay sa kanya. Napatingin naman siya dito. "Uminom ka muna nang kumalma ang sistema mo. Mukhang masama iyong panaginip mo," sabi niya at lumayo na dito. Ininom naman ito ni Lhaica. mayamaya napatitig siya kay Jhasselle, na napapaiwas din nang tingin dahil naiilang siya sa titig nito. "I-Ikaw ba talaga iyan Jhasselle?" hindi makapaniwalang sabi ni Lhaica. "Yeah it's me," tanging sabi nito at nginitian siya. Natigilan si Jhasselle nang mapayuko si Lhaica at nagsimulang umiyak. "A-Akala ko t-totoo iyong panaginip ko, Jhasselle," sambit nito habang umiiyak. Hinawakan bigla ni Lhaica ang kamay ni Jhasselle na kinagulat nito. "N-Naalala mo ba iyong lalaking k-kumidnap sa atin noon nina Rhaine? 'Yong lalaki na iyon, nakita ko sa panaginip ko na sumama ka sa kanya a-at i-inutusan ka niyang p-patayin ako," sabi ni Lhaica. Hindi alam ni Jhasselle, kung ano ang dapat niyangaging reaksyon sa sinabi nito. Naramdaman niya ang matinding takot sa mga mata ni Lhaica. Maging ang panginginig nito. Wala sa sariling niyakap niya si Lhaica. "Sssh, its just a dream, Lhaica. Hindi mangyayari ang panaginip na iyon. Hindi.." sabi niya dito. Marahang tumango si Lhaica. Mayamaya humiwalay na siya sa yakap nito. Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto, kaya sabay silang napatingin sa taong pumasok. "Ate Jasmine.." sabay nilang sabi. Natigilan naman si Jasmine nang makita ang dalawa. Napansin niyang umiiyak si Lhaica, habang nakahawak si Jhasselle sa mga kamay nito. "You're awake Lhaica and I'm glad to see you again, my dear sister," sabi ni Jasmine sa kanila. Ngumiti si Jhasselle kay Jasmine, ganoon din si Jasmine. Naglakad siya upang lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. "Kumusta na ang pakiramdam mo Lhaica?" tanong ni Jasmine. "M-Medyo mahapdi pa iyong mga sugat ko," sagot ni Lhaica sa kanya. Napatango si Jasmine. "Huwag kang mag aalala. Gagaling din iyang mga sugat mo. Jhasselle, we have a lot to talk," sabi niya at bumaling kay Jhasselle. Tumango si Jhasselle sa kanya. Muling tumingin si Jasmine kay Lhaica at napabuntong-hininga. "Magpagaling ka Lhaica. Marami din tayong pag uusapan. Magpahinga ka na muna, darating sina mommy dito ngayon. Kaya maiwan ka na muna namin dito," sabi ni Jasmine. "Iiwan natin si Lhaica?" sabi ni Jhasselle. "Huwag kang mag aalala Jhasselle, maraming nagbabantay sa labas. Lets go, Lhaica, magpahinga ka na," muli niyang sabi. "Sige, ate," tanging sabi niya. Muling humiga na si Lhaica. Tumingin muna si Jhasselle kay Lhaica, bago tumalikod at sumunod kay Jasmine.          Kinuha ni Jhasselle ang wine na binigay sa kanya ni Jasmine. Nakarating na sila sa kanilang mansion. Wala roon ang magulang nila, maging si Tristan. Kaya silang dalawa lang ang naroon. "Why," biglang sabi ni Jasmine. Natigilan namana si Jhasselle at napatingin sa kanya. "Anong 'Why' ate?" nagtataka niyang tanong sa kapatid. Bumaling si Jasmine sa kanya at seryosong tumingin. "Why did you do, those things to Lhaica," seryosong sabi ni Jasmine. Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Nalilito siya kung ano nga ba ang pinupunto nito. "What do you mean by 'those things'?" muling tanong niya. "Don't ask me, like you don't know anything. I'm asking you, why did you try to kill her," seryosong sabi ni Jasmine. Natigilan siya at agad siyang napaiwas nang tingin dahil sa sinabi nito. Mabilis niyang ininum ang wine na hawak niya. Hindi niya maiintindihan ang kanyang sarili, tila ba kinakabahan siya sa bawat salitang binibigkas nito. Para bang hinuhuli siya nito, sa kung anong ginawa niya. "Palalampasin ko ang ginawa mo, dahil kapatid kita Jhasselle. Itigil mo kung anong binabalak mo kay Lhaica. Ayokong sa bandang huli ay kayo ang magpatayan. Pareho ko kayong kapatid dalawa, tandaan mo 'yan," muling sabi ni Jasmine. Hindi siya halos makatingin dito dahil sa mga sinabi nito. Siguro nalaman nito na siya ang may kagagawan no'ng may umatake kina Lhaica at Rhaine sa field. Alam niyang mabilis makaramdam ito, kaya minabuti niyang mag ingat nang mabuti. "By the way, pagkabalik nina Jayree. Pag uusapan natin ang pagiging Heir at heiress niyo sa mafia. Sa ngayon magpahinga ka na muna, maiwan na kita.." paalam nito. Lumabas na nga ito at iniwan siya. Napabuga siya ng hangin at tila gumaan na ang pakiramdam niya nang iwan na siya ni Jasmine. Tila ba babagsak na siya kanina dahil sa kakaiba nitong aura. Sa loob ng tatlong taon ay minabuti niyang umiwas dito. Dahil sa ibang plano niya para kay Lhaica. Ngunit hindi niya alam kung paano nito nalaman ang ginawa niya kay Lhaica. Hindi niya maipapangako na titigil na siya. Bumalik siya para pahirapan si Lhaica. Sa ngayon, mananahimik muna siya. Kailangan niyang magpabango sa harapan nila, lalo na kay Lhaica. Kailangan niyang makuha muli ang loob nito at kaibiganin ito. Upang hindi ito maghinala, sa kung anong pinaplano niya dito. Ngunit may bumabagabag sa kanya, hindi niya alam pero nararamdaman niya ang kakaibang aura kay Lhaica. Nakikita niyang mahina ito, pero nararamdaman niya ring malakas ito. Kaya nais niyang makipaglapit muli kay Lhaica, para malaman niya kung may inililihim ito.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD