bc

Saan Ako lulugar sa buhay Mo? (ONE SHOT)

book_age12+
130
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
sensitive
brave
tragedy
bxg
bold
rejected
secrets
self discover
lonely
like
intro-logo
Blurb

Mahal na mahal kita pero ang hirap maging karibal ang patay mong asawa. Sabihin mo sa akin kung saan ba talaga ako lulugar sa buhay mo?

chap-preview
Free preview
One Shot
LUMABAS ka sa may terrace at nagsindi ng sigarilyo habang tiningnan ang papasibol na araw. Itinakip ko ang kumot sa aking katawan at naluluhang pinagmasdan ka. Nilingon mo ako. "Ano na?" sabay buga mo ng usok. Sa garalgal na boses ay tinanong kita, "Saan ako lulugar sa buhay mo, James?" Napakislot ang mukha mo. "Asawa kita." "Hindi 'yan ang gusto kong sagot," malungkot na sabi ko. "Hindi ka naman ganiyan noon, Cayle." Humithit ka ng sigarilyo bago nagsalita ulit. "You were charming, bubbly and full of life. What happened to you? Ibinigay ko naman lahat sa 'yo pero bakit hindi ka pa kontento?" Napakuyom ako. Sasabihin ko ba o hindi? Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula. Sumandal ako sa headboard at tiningnan ka. Ngumiti ako nang mapait. "Tama ka, masayahin naman ako dati. Ni hindi ko inaasahan na darating pala ako sa puntong 'to." Pumasok ka ulit sa kwarto at umupo sa sofa sa tapat ng ating kama. Tila naiinis kang napahilamos sa mukha mo. "Parang ayoko na," muntik nang maumid ang dila ko nang bigkasin ko ang mga kataga. Tumingala ka at kunot-noong tumingin sa akin. "Ipaintindi mo kasi sa'kin ang lahat." Nanginginig ang aking kamay na isinuklay sa aking maikling buhok. "Hindi ko alam kung bakit tila nagbago ako, James. Inaamin ko namang happy-go-lucky at party animal ako. Inaamin ko naman na hindi ko sineryoso ang buhay hanggang sa makilala kita. Minsan napapaisip ako na sana hindi kita nakita sa party ng best friend ko. Sana hindi mo naging kaibigan ang boyfriend ni Marie. Sana hindi tayo ipinakilala sa isa't-isa kasi ikaw pala ang makakapagpabago sa takbo ng buhay ko." Tumayo ako at dahan-dahang kinuha ang negligee na nakalat sa sahig. Isinuot ko 'to at umupo sa kama at hinarap ka. Gusto kong mag-usap tayo mata sa mata. "Alam mo bang parang pinana ni kupido ang aking puso nang una kitang makita? Hindi mo ako pinatulog ng ilang gabi dahil iniisip ko ang guwapo mong mukha at kakisigan. Hindi ko rin ininda ang mga tsismis na nagkaroon ka ng anak sa edad na dise sais. Wala rin akong pakialam kung biyudo ka man at may tatlong anak." Hindi ka nagsalita at tila inalala ang unang panahong tayo'y nagkita. Tumango ako. "Pero iba ka sa mga lalaking nakasalamuha ko. Minahal kita hindi sa pisikal mong anyo o sa kayamanan mo. Minahal kita kasi ikaw ay ikaw. Nirerespeto ko rin naman ang pagmamahal mo sa namayapa mong asawa at wala akong intensyon na agawin ang alaala ni Ella mula sa'yo at sa mga anak mo." Sumandal ka sa sofa at inilagay ang kamay mo sa mga mata mo. "Sa tingin mo ba'y naging padalos-dalos ang desisyon nating magpakasal?" Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ungol mo. "Pinagsabihan ako ng mga kaibigan ko na huwag kang patulan kasi mahirap na karibal ang patay. Sabi pa nga nila may sabit ka – ang mga anak mo at baka raw hindi ako maka adjust sa motherhood." Ngumiti ako nang mapait. "Pero sinagot ko sila na okay lang kasi walang makakabuwag sa pagmamahal ko sa'yo." Tumawa ako ng mapakla at umiling. "Akala nga ni Mama na matanda ka nang mabalitaan niya na biyudo ka at teenager na ang panganay mo. Kaya laking gulat ng aking pamilya na trentay kuwatro ka pa lang. Natutuwa rin sila kasi mature mag-isip na ang lalaking makakatuluyan ko. Talagang opposite sa edad kong bente siete at ugaling childish pa rin." Hindi ko alam kung bakit may tumusok sa puso ko nang masilayan ang konting ngiti sa gilid ng mga labi mo. "Pero nang pakasalan kita..." Nangigilid ang mga luha ko sa aking mga mata. "Akala ko magiging okay ang lahat pero bakit hindi ko man lang nakita o naramdaman na pinapahalagahan mo ako bilang asawa mo?" Nagtagpo ang mga kilay mo. "Anong ibig mong sabihin? Hindi naman ako naging strikto sa 'yo nang mag-asawa na tayo ah. Ibinigay ko ang mga gusto mo..." Tumayo ako nang mabilis at marahas na binuksan ang mga aparador. "Ipaintindi mo sa'kin kung bakit ang mga damit ni Ella ay nandito pa rin at ang mga damit ko ay naka maleta pa?" Napatingin ka sa mga kagamitan ng namayapa mong asawa. "Kumukuha pa rin sina Olivia, Emman at Mia sa mga gamit ng ina nila. They're still adjusting and having a hard time..." "Dalawang taon na tayong kasal, James!" bulyaw ko. Napakislot ka nang mapagtanto ang aking mga sinabi ngunit hindi ka nagsalita. "Nagalit ka sa 'kin noon kasi pinakialaman ko ang mga gamit ni Ella," ani ko. "Napagsabihan na rin ako ng pamilya mo at ng pamilya ni Ella tungkol sa posisyon ko sa pamamahay na 'to." "They are still adjusting to everything, Cayle." Pinilit mo pa ring maging mahinahon. Biglang uminit ang mga pisngi ko at tila naririnig ko ang lakas ng t***k ng aking puso. "Kayong lahat nag-aadjust sa'kin. Eh ako? Hindi rin ba ako nag-aadjust sa inyong lahat?" Gusto kitang sapakin para man lang maramdaman mo na tao rin ako at nakakabatid ng galit. Pero ang tanging nagawa ko lang ay kinuha ang mga kamay mo at hinila kita patungo sa katabing kuwarto. "Kontrabida ba ako kung inayos ko ang mga gamit ni Ella at inilagay dito sa isang lugar? Mali ba ako kung gusto kong magkaroon ng tamang lugar ang mga alaala ng dating mong asawa?" "Cayle..." Sinubukan mong hawakan ang braso ko ngunit umatras ako. "Nagrereklamo ba ako sa'yo kung kinukumpara ako ng mga magulang mo sa dati mong asawa? Sinasabi ko ba sa'yo na nagagalit ang mga anak mo dahil hindi ko makuha ang lasa ni Ella kapag niluluto ko ang mga paborito nila? Diba wala kang narinig mula sa 'kin?" Nagtagis ang mga bagang mo at namutla ang anyo mo. "Pero wala nang mas sasakit pa sa nangyari kahapon, James." Nabiyak na ang boses ko. Kinabig mo ako at niyakap. "Cayle, I'm so sorry." Gusto kong kumalas sa mga yakap mo pero hinigpitan mo ang paghawak sa'kin. Napasubsob ako sa dibdib mo at humagulgol. "Okay lang kung ikukumpara nila ako kay Ella. Pero hinding-hindi ko matatanggap na ikaw mismo ang nagkumpara sa'kin sa dati mong asawa." Bumulong ka, "I wasn't thinking straight. I'm so sorry." "Out of the abundance of the heart, the mouth speaks," mapait kong sabi. "Dalawang taong kinimkim mo 'yan, diba? Dahil sa minor issue ay ipinamukha mo sa'kin kung ano at sino ako sa harap ng angkan mo!" "Cayle..." "I don't want this anymore," halos bumulong ako sa hangin. "Sabihin mo sa 'kin kung ano ang gusto mo para maiayos natin 'to?" medyo may bahid na pagkabahala ang tono mo at naramdaman ko ang panginginig ng katawan mo. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin para maisaayos ang lahat. Siguro nga ma pride ako pero tama na siguro ang dalawang taong sunod-sunuran sa isang anino upang maging maligaya ka. "I want the happy-go-lucky Cayle back," tanging sagot ko. "I want my life before I married you." Lumuhod ka sa harapan ko at niyapos ang aking mga balakang. "Don't say that. Mahal kita, Cayle..." Lumuhod din ako sa harapan mo at hinaplos ang pisngi mong basang-basa sa luha. "Hindi ko hiniling na kalimutan mo si Ella. Ayoko ring agawin ang posisyon niya sa puso mo pero ayokong malunod sa mga alaala niya. I am my own person and I have my own life too." "Please don't..." nanginginig ang boses mo. "Pagod na ako," bulong ko. Tumayo ako at nakita kong yumugyog ang katawan mo sa hinagpis. Hindi ko alam kung palatandaan ba ang reaksyon mo na mahal mo talaga ako. Pero sa ngayon, tila tigang ang puso ko. "James, I really think you need to grieve for the loss of your wife," mahina kong sabi. "I'm not closing the doors in our relationship but I don't want to be a substitute as long as I live." Lumabas ako ng kuwarto at nabigla nang makita ko ang tatlong anak niyo ni Ella. "Aalis ka?" malditang tanong ni Olivia, ang panganay mong anak. Tumango lang ako. "Ba-balik ka pa b-ba?" tanong ni Emman. Nagkibit-balikat lang ako. Pumasok ako sa kuwarto natin at tiningnan ang picture ni Ella na nakatago sa aparador. Medyo magkahawig nga kami sa litratong 'to. Ang wavy na buhok, ang maputing kutis, ang heart shape na mukha at chinitang mga mata. "I'm not competing with you Ella," mahinang sabi ko. "But I can't also live behind your shadows forever." Tahimik ang buong kabahayan nang lumabas ako na bitbit ang aking mga maleta. Tumingala ako sa kalangitan at napapikit sa silahis ng araw na tumama sa mukha ko. "Hindi pa katapusan..." tanging sambit ko habang humakbang papalayo nang walang lingon-lingon.  FIN. ********************************* A/N: Ito 'yong ginawa ko nung may nagpa-contest sa Oneshots at admin ang bahala sa names ng mga bida. Lels. As usual, 'di 'to nanalo hahahaha!  Someone requested me before na i-expand ko ang story na 'to. Actually I am planning talaga kasi parang nacha-challenge ako sa plot. Pero whoo-hayys, hindi ko alam kung kailan ko pa magagawan 'to kasi marami pang pending na revision of completed stories, continuation of other stories, etc etc.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
458.3K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
406.7K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

The Professor's Wife

read
454.5K
bc

Stubborn Love

read
100.2K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
336.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook