7. THAT BOY IS BACK HINIRAM ni Lexi ang cellphone ni Yen sa bag nito. Yes. Sa bag ni Yen. Hindi niya ninakaw. Hiniram niya lang at ibabalik din naman. Alam niya kasing hindi naman madalas gamitin ni Yen ang cellphone at lagi lang nasa bag. Marami ang may alam no’n. Tamang-tama namang kaibigan nito si Yanna. Dumating na si Yanna. Nagtatago siya sa malalaking halaman para hindi siya makita nito. Tawang-tawa na siya dahil panay lang ang tawag nito kay Yen. Nakahanap na siya ng pagkakataon. Tamang-tama, nakatalikod ‘to at hindi na nakahawak sa pintuan. Maingat siyang lumapit para hindi maramdaman ni Yanna ang presensiya niya. At paglapit niya…… “AAH!” napasigaw na lang si Yanna nang biglang niya ‘tong itulak. Napaupo pa nga ‘to sa sahig sa lakas ng pagkakatulak niya, e. Pero bago siya lin