°°°
NAG-IISANG anak ni Ka Rudy si Amy De Jesus— kilala ang amang niya sa pagiging manggagamot sa kanilang baryo. Halos ito na ang pinupuntahan ng lahat kapag may karamdaman sa katawan ang mga tao maging ang karatig-pook nila.
Ngunit para sa iba isang Doctor Kwak-kwak lamang si Ka Rudy, guni-guni lamang ng lahat at kwentong barbero ang ginagawang pag gagamot nito.
Ito naman ay hindi sinang-ayunan ni Amy bilang anak ng amang niya gagawin niya ang lahat maipagtanggol lang ito at maprotektahan ang taong nagpalaki sa kaniyang mag-isa.
Sa kabilang banda may isang Franklin Navarro ang napadpad sa lugar ng Isla Gumana— layunin niyang makilala si Ka Rudy dahil sa naniniwala siyang peke ang tinaguriang manggagamot at hindi ito dapat magtagal sa bayan nila. Doctor ang mga magulang niya, kaya may iba rin itong dulot sa totoong propesyon na mayroon ang nanay at tatay niya.
Doon nag-krus ang landas nila ni Amy ang dalagang anak ng tinuguriang ambularyo ng Isla— sa una nilang pagkikita hindi maganda ang kinalabasan, sinundan ng pangalawa, pangatlo, pang-apat, panglima at marami pang pagkakataon.
Hindi sila kailanman nagkaroon ng pagkakataong magkasundo.
Hanggang sa malagay sa panganib ang buhay ni Amy.
Sino nga ba ang makakapagpagaling sa dalaga? Ang tatay niyang sinasamba o ang magulang ng lalaking estrangherong nanggugulo sa buhay niya?