KABANATA 12: YEAR 1997... NAKANGITING pinagmasdan ni Lannie ang anak niyang nasa stroller. Ito ay si Lexie at isang taong gulang pa lamang. Nasa loob sila ng mall dahil hinihintay niya ang asawa niyang si Daniel para mamili. Nasa trabaho pa kasi ito. "Ang cute naman ng baby ko!" Hinawak-hawakan niya ang pisngi nito kapagkuwa'y hinalikan pa. Mahal na mahal niya si Lexie dahil ito lang ang babae sa kanilang magkapatid. May kapatid ito na si Lash na tatlong taong gulang pa lamang. Nasa bahay ito dahil may sakit. Mayamaya pa ay tumunog ang kaniyang cellphone kaya kaagad niyang tiningnan. Nang makita niyang may natawag ay agad-agad niyang sinagot. Walang nakarehistrong pangalan kaya nagtatakala tuloy siya. "Hello," sabi niya pero walang naimik. Naglakad siya nang bahagya dahil sa inisip