KABANATA 14: SPG ALERT! "MARAMING salamat po, kuya." Nginitian lang ako ng Guard saka lumabas na ng kuwarto. Salamat sa kaniya dahil nadala rito si Lash nang maayos. Ngayon ay nakahiga na siya sa kama at alam kong malalim na ang tulog niya dahil ang lakas ng kaniyang hilik. Napakaguwapo ng mukha niya. Hindi ko ba alam pero parang siya na ang nakita kong pinakama-among mukha sa lahat. Iyong labi niya na namumula-mula. Kissable lips kumbaga. Lumapit ako kay Lash saka umupo sa tabihan niya. Hindi siya puwedeng matulog ng ganito ang ayos niya. Lakas-loob kong tinanggal ang butones ng suot niya saka unti-unting hinubad. Nahirapan pa ako dahil sa bigat niya pero natanggal ko rin naman. Sinunod ko ang sapatos niya at medyas. Huminga ako nang malalim nang hawakan ko na ang butones ng pantalon