bc

Downfall of Royal Clan

book_age4+
689
FOLLOW
4.2K
READ
forbidden
badboy
powerful
warrior
mystery
daemon
male lead
another world
superpower
special ability
like
intro-logo
Blurb

Si Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling angkan.

Ang noo'y namamanghang mga mata ng mga nakakapaligid sa kanya na mga tao ay ngayo'y may mapangmaliit at mapanghamak na mga tingin. Sa edad na siyam hanggang dalawamput-isa ay naging mature na ang kanyang isip. Maraming mga taong nangungutya sa kanya sa bawat paggalaw at kapag nakikita siya ng mga kaedaran niya o ng mga bata't matatanda, unti-unti na siyang inagawan ng kanyang kabataan.

Minsa'y napanghihinaan na siya ng loob dahil dito. Wala siyang naging kasalanan kung bakit nangyari ang mga anomalya sa kanyang dantian na kahit siya'y hindi na nagkaroon pa na ipagpapatuloy pa ang kanyang Cultivation.

Makikita natin ang ating bidang handang ibuwis ang lahat maging ang kanyang sarili na magpapalungkot, magpapasaya, magpapamangha at magpapaiyak sa atin sa mga pang- OUT OF THIS WORLD na kaganapang magpapaintindi sayong walang hangganan ang buong mundong ito. Dito niyo masasaksihan na walang imposible sa taong nagpupursigi upang tamuhin ang kalayaan at ipaintindi sa lahat na may kabutihan pa rin ang mundong ito, ang mundong sisira o magpapalakas sayo.

May pag-asa pa kayang mabago ang kapalaran niya o mananatili lamang na patapon ang buhay niya o mabibilanggo ba ang kanyang sarili habang buhay sa kadiliman?

Makakamit ba ni Van Grego ang pinakarurok ng Martial Arts o Mamamatay siya sa kalagitnaan pa lamang ng kanyang paglalakbay?

Halina't samahan natin si Van Grego sa pagtuklas ng kanyang totoong pagkatao at paglaban nito sa napakadelikadong situwasyon upang ipaglaban ang alam niya'y tama.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Beginning
Ang Kontinente ng Hyno ay kilala sa tawag na Land of Mystery. Kilala ang lugar na ito na may pinakamasukal na kagubatan na pumapalibot sa alinmang direksyon. Sagana sa likas na yaman ang bawat parte ng kontinenteng ito ngunit ang pangunahing suliranin nila ay ang malalakas na lebel ng kapangyarihan ng iba't ibang uri ng mga Martial Beasts na pagala-gala dito. Napakaganda ang bawat araw at gabi sa mundong ito. Mula sa malalaki at makakapal na mga ulap na sinisinagan ng apat na buwan pati ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit. Sa loob ng kontinenteng ito ay maraming mga kuru-kuro at mga kwento ng mga matatanda patungkol sa mga Heavenly Bodies/Objects na makikita sa araw o gabi man kagaya na lamang ng mga bituin,buwan, araw at iba pa. Ang kwentong ito ay mga bantog lalong lalo na sa mga musmos na mga kabataan ng maliit na kontinenteng ito. Nakakatakot ngunit nakakamangha para sa lahat ng makakarinig nito. Napakaimposibleng isipin ngunit halatang naguugstuhan ng mga batang musmos pa lamang. Pinaniniwalaang noon pa man, ang mga bituing nakikita natin sa sa napakadilim na kalangitan ay kulungan ng mga demonyo. Paano nila nasabi? Ayon sa kanila mga ninuno na ikinulong daw noon sa loob ng mga nagkikislapang mga kristal na makikita sa langit ang bawat isang demonyong nagkasala at nagpapakita lamang kung gabi ang mga mga kumikislap na kristal kung saan ay nagpapahiwatig na sila ay nagpapalakas kung gabi. Ang nagkikislapang mga kristal na ito ay nagmistulang nagniningning kung saan ay humihigop ang mga demonyo ng kapangyarihan ng kadiliman. May matatanda ding nagsabi na ang bituin ay mga malalakas na mga nilalang o mas kilala bilang Celestial Beings. Sinasabing sila ang tagapangalaga ng bawat mundong kinalalagyan ng mga Martial Artist o Cultivator. Sila ang liwanag sa mga taong naliligaw ng landas sa paglalakbay. Ang mas nakakamanghang kwento tungkol dito ay ang bituin daw ay isang sandatang kayang pumatay sa isang makapangyarihang immortal. Noong unang panahon daw ay may dalawang immortal na magkapatid ang namuhay ng mapayapa sa mundong ito. Natagpuan nila ang batong nagkikislapan na animo'y kristal na babasagin. Bilang immortal ay nakayang gawing sandata ang mga batong ito sa anyong espada ng nakatatandang kapatid. Sa paglalakbay nila sa mundong ito noon ay unti-unting nagbago ang ugali ng nakababatang kapatid, kinasusuklaman nito ang kanyang nakakatandang kapatid. Nagulat na lamang ang nakakatandang kapatid nang may dumating na isang makapangyarihang halimaw sa himpapawid. Nakipaglaban ang nakakatandang kapatid gamit ang buong lakas ngunit hindi nito mapatay-patay ang nasabing nilalang bagkus ay natamaan ng misteryosong nilalang ang nakakatandang kapatid ng sarili nitong sandata at sa pagdaan ng araw ay naapektuhan ang kondisyon ng katawan ng nasabing immortal na nakakatandang kapatid. Huli na ng dumating ang nakababatang kapatid lalo pa't halos bawian na ng buhay ang kanyang kapatid. Buong lakas niyang itinarak ang kanyang espada sa nasabing Misteryosong nilalang. Bigla na lamang namatay ito ngunit kasabay din nito ang pagkapira-piraso ng espadang pinanday mismo ng nakatatandang kapatid sa kanyang nakababatang kapatid. Huli na ng magsisi ang nakababatang kapatid. Mapunta naman tayo sa Kwento patungkol sa buwan, kilala ang buwan sa isa sa napakalaking bagay na makikita palagi sa pagsapit ng gabi. Ang buwan daw ay sinasabing tirahan ng mga immortal. Ang napakagandang anyo nito tuwing gabi ay nagpapahiwatig daw ng kanilang paggabay at pagbabantay mula sa malayo. Ang immortal at mortal daw ay hindi pwedeng magsama o pagsamahin at hahantong lang ito sa malalaking unos sa sangkatauhan. Ang apat na buwan na nakikita sa kalangitan ay simbolo daw ng Iba't-ibang direksyon (Hilaga, Silangan, Timog at kanluran) kung saan pinanatili ng mga immortal ang kasyusan at balanseng takbo ng buhay ng mga nilalang sa kalupaan maging ng mga nilang sa katubigan at iba pa. Marami pang kwento ang narinig nila mula sa matatanda ngunit walang patunay na ebidensya. Walang makapagsasabi at makapagpapatunay kung totoo ba ito o hindi. May isang tao ba na buhay ngayon ang makakaalam ng tunay na pangyayari na ito? IMPOSIBLE, ito ang nasa isip ng lahat maging ng mga matatandang nagkukuwento kung saan maging sila'y hindi pa alam ang katotohan patungkol sa mga ipinasang kuwento ng kanilang mga ninuno.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.1K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

His Precious Property

read
619.2K
bc

ZACH HOFFMAN

read
226.9K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.1K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
503.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook