CHAPTER 8 Walang nagawa ang pamilya Arellano kundi ang pumunta sa tahanan ng mga Dela Rosa kahit may kinakaharap silang problema. Ayaw man din nilang may maging problema sila dahil sa hindi sila dadalo. " Oh pare anong mayroon at parang ang lungkot ninyong lahat." tanong ni Amor ng mapagmasdan ang hitsura nila. " May kunting hindi pagkakaunawaan lang pare pero okey lang at pasensiya na kayo at late kami nakapunta dito." sagot ni Darwin. " Pasok na para makapag dinner na tayo. Luluwas na bukas sina Xander at Alex alam n'yo na pabalik na sa Vatican si Alex." aniya ni Dawn ng napansin na wala ang dalaga na anak ng mga ito. " Oh pare nasaan si Angela? Hindi ko na hahanapin si Greg alam kung nasa gymnasium pa iyun hanggang ngayon." tanong ni Amor. Hindi naman napigilan ng mag-asawang Dar