Chapter 10 " Kumusta ang pakiramdam mo Angela?" tanong na sumalubong kay Angela ng iminulat niya ang kanyang mga mata. " Okey lang ako. Maraming salamat pala sa pagtulong mo sa akin ha. Ano pala ang pangalan mo?" tanong ng dalaga. " It's my duty to serve and help you as a human being so nothing to worry about it. Ako pala si Vince Ethan kabayan from Baguio." tugon ng binata. Sa narinig ay umilap ang mga mata sa taong tumulong sa kanya para madala siya sa hospital na iyun sa Seoul Korea kung saan halos isang buwan na rin siyang nakatira sa nasabing lugar. Ilang buwan na rin siyang walang balita sa mga magulang kaya't parang may kung anong sumikdo sa kanyang damdamin ng narinig ang pagpapakilala ng binata. " Naabala na kita Ethan kaya't lubos-lubusin ko na sana." bagkos ay sagot niy