CHAPTER 12 " Ano na ang balita sa apo ko Darwin? Hanggang ngayon ba naman wala pa rin kayong nagagawa para mahanap ang anak ninyo?" ani ng otsenta anyos n matandang lalaki. Hindi nila ito masisisi dahil saksi ito sa pinagdaanan nilang mag-asawa mahabang panahon na ang nakakaraan at heto nauulit na naman ang nakaraan. " Hindi naman po lingid sa inyo 'Lo simula pa noong nawala siya ay ginawa na namin ang lahat para mahanap siya pero talagang wala 'Lo. Mahirap hanapin ang taong nagtatago kaya't hanggang ngayon ay wala pa." malungkot na tugon ni Darwin. " Sabagay tama ka apo ko. Ang sa akin lamang bakit kinailangan pa niyang naglayas? Okey fine let's say buntis siya at magagalit tayo, normal naman ang magalit apo ko at may karapatan tayo pero hindi ba niya naisip na mas magagalit tayo ngay